RAN'S IDENTITY
Ran
Bago ako tuluyang umalis sa bar ni uncle ay kumanta muna ako.
"Good evening, everyone!"naka ngiting bati ko sa mga tao sa loob ng bar."So, itong kakantahin ko ngayong gabi ay para sa mga taong pakiramdam nila ay naiiba sila sa lahat, nag-iisa at na b-behind."sabi ko at nagsimula ng mag strum ng kanyang gitara si Angelo.
🎵She sees them walking in a straight line,
That's not really her style
And they all got the same heartbeat
But hers is falling behind
Nothing in this world could
Ever bring them down
Yeah, they're invincible, and she's just in the
background
And she says🎵Napatingin ako sa mga taong nanunood habang kumakanta ako. Masaya sila at nagtatawanan.
🎵I wish that I could be like the cool kids
'Cause all the cool kids, they seem to fit in
I wish that I could be like the cool kids
Like the cool kidsHe sees them talking with a big smile
But they haven't got a clue
Yeah, they're living the good life
Can't see what he is going through
They're driving fast cars
But they don't know where they're going
In the fast lane, living life without knowing
And he says🎵Tumingin ulit ako sa mga taong nanunood sa bar at laking gulat ko nang isa sa mga nanunood ay kilala ko at kaklase ko pa.
"Atoz?" bulong ko.
Nakatingin lang siya sa akin at ganun din ako sa kanya.
Anong ginagawa niya dito?
"Ms. Ranya! Kumanta ka na!" napalingon naman ako kay Ralph, ang drummer sa banda.
Tumango lang ako at nginitian siya.
🎵I wish that I could be like the cool kids
'Cause all the cool kids they seem to get it
I wish that I could be like the cool kids
Like the cool kidsAnd they said
I wish that I could be like the cool kids
'Cause all the cool kids, they seem to fit in
I wish that I could be like the cool kids
Like the cool kids🎵Galaw ako ng galaw sa entablado. Pakiramdam ko kasi, nakatingin pa rin sa akin si Atoz. Hindi ako sanay na may nanunood sa akin na kakilala ko lalo pa at si Atoz iyon.
🎵Like the cool kids🎵
Matapos kong bitawan yung huling linya ng kanta ay agad-agad akong bumaba sa entablado at dali-dali kong kinuha yung mga gamit ko kay uncle Tommy.
"Ang galing-galing mo pamangkin!"salubong ni uncle sa akin."Kaya, dumagsa lalo ang mga tao dito eh."dagdag pa nito.
"Sige, uncle Tommy uuwi na ako."sabi ko sa kanya nang makuha ko na iyong mga gamit ko.
"Teka, ihahatid na lang kita----"
"Hindi na po. Kaya ko na ang sarili ko. Sige, bye uncle!" paalam ko sa kanya at nagmamadaling lumabas ng bar.
Nang nasa labas na ako ng bar ay agad akong naghanap ng masasakyan pauwi.
"Ang hirap namang makakuha ng sasakyan dito pag ganitong oras."inis na saad ko.
"Ran, pwede ba tayong mag-usap?" napalingon naman ako sa nagsalita sa likod ko.
"Alam kong nabigla kita nung isang araw dahil sa biglaang pag-amin ko sayo pero, sana naman huwag mo akong ipagtabuyan. Alam mo namang, ikaw lang ang kaibigan ko diba?" malungkot na saad nito at lumapit sa akin. "Ran, gusto kita alam mo iyan kaya, sana huwag mo naman akong iwasan dahil lang doon. At kung iyon man ang rason mo, handa akong kalimutan lahat ng nararamdaman ko para lang sayo para hindi mo ako iwasan at ipagtaboy."sabi nito at hinawakan ang kamay ko.
"Atoz, hindi naman iyon ang problema eh kundi, ako. Ako iyong problema."saad ko habang nakatingin sa mga mata nito.
"Anong ibig mong sabihin na ikaw ang problema, Ran?" tanong nito sa akin.
Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot. Siguro, mas mabuti kung sa akin na mismo galing ang totoo at siguro, ito na rin ang tamang pagkakataon para sabihin sa kanya ang totoo.
"Bampira ako."
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampireIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...