Isang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao.
Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal.
Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba?
Meet Ranya Kim...
"Simula ngayon, tayong dalawa na lang ang magkasama. Alisin mo sa kokote mo na mayroon kang ina."
"Po? Bakit, saan pupunta si mama?"
"Sumama na siya sa kinakasama niyang bampira. Kaya, ikaw? Huwag mosiyang gagayahin. Isang napakalaking kahihiyan sa pamilya natin ang ginawa ng mama mo!"
Napatingin ako sa bintana at nakita ko si mama papalayo sa bahay.
"B-bampira?" tanong ko sa sarili ko.
"Bampira ako."pagkasabi ni Ran iyon ay nabitawan ko ang kamay nito at napalayo sa kanya.
"Imposible."sabi ko sa kanya."Nagpapatawa ka lang diba?" tanong ko sa kanya.
Sana biro lang niya iyon.
"Hindi ako nagpapatawa Atoz!"sabi nito."Para maniwala ka tignan mo 'to," sabi niya at may kinuhang kung ano sa bag nito. "Ayaw mong maniwala diba? Iyan! Tignan mong mabuti!"sabi nito sabay nilaslas nito ang kamay niya.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya nilapitan ko agad siya.
"Ran! Anong ginawa mo?!" sigaw ko at hinawakan iyong kamay nitong dumudugo."Ang daming dugo sandali bendahan natin."sabi ko sa kanya at kinuha ang panyo ko sa bulsa.
Pero, bago ko pa mabendahan iyong sugat niya ay nakita mismo ng dalawang mata ko na unti-unting naghihilom ang mga ito.
Napatingin ako kay Ran.
"I-ibig sabihin?"tanong ko sa kanya.
Tumango lang ito bilang sagot.
Nabitawan ko naman agad ang kamay nito at napalayo sa kanya.
Naglakad naman ito papalapit sa akin.
"D-d-diyan ka lang! H-huwag kang lalapit!" sigaw ko at halos napa-upo ako.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naglakad lang siya papalapit sa akin.
Dahil sa takot ko ay agad akong tumayo at tumakbo paalis sa kinaroroonan niya.
Hingal na hingal ako dahil sa layo ng tinakbo.
Napahawak ako sa may tuhod ko at napatingin sa sahig.