THAT GUY
Ran
"Bakit ang tagal mo? Saan ka galing?" tanong sa akin ni Keith nang makalapit ako sa kanya.
Nandito kasi kami ngayon sa canteen.
"Kinausap ko pa kasi Si Atoz para sa report namin."sagot ko sa kanya.
Tumango-tango naman ito.
"Sige, ako na mag-oorder,"sabi ko at nagsimula nang pumila at siya naman ay naghanap na ng mauupuan namin.
Habang nakapila ako ay naagaw ng atensiyon ko ang isang lalake at babae na pumasok sa canteen.
Pumila sila sa katabi kong counter at um-order.
"Anong gusto mo Camille?" tanong nito sa kasama niya.
"Kahit ano na lang,"sagot naman nito.
"Ate, bigyan mo nga ako ng tagdadalawang cookies at soda."
"Abe, hindi ako pwede sa soda, okay na ako sa tubig," sabi nung Camille.
Abe?
Kaya ba ayaw niyang tinatawag siyang Atoz kasi, mas gusto na niya ang Abe?
Nakatingin lang ako sa kanila habang um-order sila hanggang sa naghanap na sila nang mauupuan nila.
"Ano sayo?" napatingin naman ako kay ate na nasa counter.
"S-sandwich po at saka tubig."
Matapos akong makabayad ay dumeretso na ako sa kinaroroonan ni Keith. Habang papunta ako ay nakatingin pa rin ako kina Atoz na masayang nag-kwekwentuhan.
"Bulag ka ba?!"nagulat ako ng may lalakeng humawak sa braso ko.
Iyong hawak kong pagkain, naitapon ko sa damit niya.
"Sorry, hindi ko sinasadya." saad ko at akmang pupunasan na ang damit niya nang mapatingin ako sa mukha niya.
Nabitawan ko naman ang hawak kong tray sa kabilang kamay ko nang makita kung sino iyon.
"Oh?" nagtatakang napatingin ito sa akin.
Ang kaninang galit na galit na mukha niya ay napalitan ng pagtataka.
Napaatras naman ako nang humakbang ito palapit sa akin.
Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko.
Bakit siya nandito?
Anong kailangan niya?
"Kamusta ka na?" lalo akong nanginig sa takot nang hilain niya ako sa bewang ko at bumulong sa akin.
Hindi ko kayang igalaw ang mga kamay ko dahil sa sobrang takot at panginginig nito.
Tuwing nakikita ko siya ay naalala ko ang ginawa niya sa akin.
"Gio!" napatingin naman iyong lalakeng nakahawak sa akin ng may tumawag sa kanya.
"Dito ka na pala mag-aaral?" sabi nung lalakeng lumapit sa Gio raw ang pangalan.
Binitawan naman niya muna ako bago siya humarap doon sa lalake.
"Bakit kasama mo iyang babae na iyan?" takang tanong nito nang makita niyang magkasama kami nung Gio.
"H-hindi! Nagkakamali ka. M-may tinanong lang siya sa akin."nauutal na saad ko at naglakad na palayo sa kanila pero, hindi pa ako nakakalayo nang biglang may humila sa suot kong jacket mula sa likod ko.
"Aray–"
"She's my girl."
Nagulat naman ako sa sinabi nung Gio.
Anong pinagsasasabi niya?
Hindi ko nga siya kilala eh.
Napatingin naman kami sa likod nang may marinig kaming bumagsak.
"Abe, wait! Saan ka pupunta?" habol nung Camille kay Atoz.
Agad ko namang tinulak iyong Gio na naka-akbay sa akin at agad na tumakbo palapit kay Keith.
"Sino iyon?" nguso ni Keith doon sa Gio.
"Hindi ko alam pero, siya iyong lalakeng sumaksak sa akin." sagot ko.
"Ano?!" gulat na tanong ni Keith. "Diyan ka lang Ran, ipapakita ko sa kanya kung gaano ka bagsik ang kamao ng nag-iisang Keith Richards." sabi nito at tinaas ang manggas ng damit niya sa braso at magsisimula na sana siyang maglakad nang pigilan ko siya.
"Bakit? Ayaw mong gantihan ko iyon?" naguguluhan na tanong ni Keith.
"Hayaan mo na. Kalimutan na natin iyong nangyari." sabi ko at hinila na siya palabas ng canteen.
°°°°°°°°°°
"Hatid na kita miss Kim."napatalon naman ako sa gulat ng bigla na lamang siyang sumulpot sa harap ko.
Pauwi na ako at palabas na ako sa gate ng bigla na lamang siyang sumulpot na barang kabute.
Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy na lamang ako sa paglalakad.
"Sandali," habol nito sa akin at hinawakan ako sa may pulsuan ko.
Agad ko namang binawi ang kamay kong hawak niya.
"Okay-okay,"sabi nito at umatras habang nakataas ang dalawa nitong kamay sa ere.
"Alam kong takot at galit ka pa rin sa kin dahil sa nagawa ko sayo."sabi nito."Hindi ko naman sinasadya eh, napag-utusan lang."
Hindi ako nagsalita at nagsimula na muli akong maglakad palayo sa kanya.
"Okay! Naiintindihan kita! Alam kong hindi mo pa ako kayang patawarin dahil sa ginawa ko sayo! Pero, tandaan mo! Lagi ka pa rin mag-iingat!" sigaw nito.
"Gio Concepcion, pala!"pahabol pa nito.
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampirosIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...