SHE IS A VAMPIRE (17)

324 8 0
                                    

WHAT SHOULD I DO?

Ran

"Perzeussssssss~ waahhhh! Anong gagawin ko?" tanong ko kay Perzeus habang naka-upo kami ngayon dito sa bench sa may ilalim ng malaking puno dito sa school.

"Simple lang, iwasan mo siya."dere-deretsong sagot ni Perzeus.

Napatingin naman ako ng masama sa kanya.

"Seryoso ka?!" sigaw na tanong ko sa kanya.

"Oo, iyon lang naman iyong pinakamadaling solusyon sa problema mo."sagot nito sabay irap sa akin.

"Pero, si Atoz-----" hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng magsalita muli si Perzeus.

"Alam mo Ranya? Lagi mo na lang inuuna at inaalala iyang Abcde na iyan, eh. Pwedeng kahit minsan naman iyang sarili mo nga muna ang unahin mo?" inis na saad nito sa akin. "Ngayong, nagtapat siya sayo ano na lang ang gagawin mo? Ang mga tao Ranya, kung may gusto sila, mapa-bagay man iyan o tao, hangga't maaari kukunin at kukunin nila ito, gagawa at gagawa sila ng paraan para mapasakanila iyon. Paano na lang kung, malaman niyang bampira ka? Ano na lang ang gagawin mo?" tanong ni Perzeus sa akin.

"H-hindi naman siguro mangyayari iyon."bulong ko.

"Ranya!" napalayo ako kay Perzeus nang bigla itong sumigaw. "Ikaw na nga nagsabi sa akin, diba? Hindi natin alam kung, anong kayang gawin ng mga tao pag nalaman nilang bampira tayo." saad ni Perzeus bago umalis sa kina-uupuan namin.

*sigh

"Bakit ba naman kasi sinabi ko pa kay Perzeus na may gusto sa akin si Atoz, iyan tuloy nasermonan pa ako."bulong ko.

"Ran!"napalingon naman ako sa tumawag sa akin.

0_0

"S-s-si Atoz! Waahhhh!" agad naman akong tumayo sa kina-uupuan ko at kinuha lahat ng gamit ko at agad na tumakbo.

"Sandali!"narinig ko pa siyang sumigaw pero, hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy na lang akong tumakbo.

Hingal na hingal naman akong napa-upo sa sahig dito sa locker room nang mapansin kong nakalayo na ako kay Atoz.

"Woo! Pinagpawisan ako doon ah!"sabi ko habang pinupunasan ang pawis ko.

"Okay ka lang?"

"Ay! Pusang gala!" napatalon naman ako sa pagkaka-upo ko ng biglang sumulpot sa tabi ko si Keith.

"Ano ba! Huwag mo nga akong ginugulat! Aatakihin ako sa puso sayo, eh!" bulyaw ko sa kanya.

"Sorry, gusto ko lang naman malaman kung okay ka----" hindi ko siya pinatapos sa sasabihin nito ng bigla ko siyang hinila at nakipag palit sa pwesto nito.

"Diyan, diyan ka. Kung may lalakeng dadaan at magtatanong sa akin, sabihin mo hindi mo ako nakita."sabi ko sa kanya at tumalikod sa kanya.

"Excuse me, may nakita ba kayo ng kasama mo na babae na dumaan dito?"tanong ni Atoz kay Keith.

"A-a-ah, w-wala eh."nauutal na saad ni Keith.

"Wala talaga? Eh, iyang kasama mo?" tanong ni Atoz at narininig ko ang yabag ng kanyang mga paa na papalapit sa amin.

"Wala talaga! Promise! Peks man mamatay man si Batman!"rinig kong sambit ni Keith.

Napatawa naman ako ng mahina.

"Okay. Sinali mo pa talaga si Batman." natatawang saad ni Atoz.

"R-ran? Wala na s-siya."nilingon ko naman siya.

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon