GOOD BYE
Atoz
"Ran, mamasyal naman tayo para hindi ka laging nagmumukmok dito sa bahay niyo."pangungulit sa kanya ni Keith.
Napatingin naman ako kay Ran na napatawa ng mahina."Kayo na lang,"sabi nito."Ano namang gagawin ko doon kung bulag na ako? Wala ring silbi kahit napakaganda nung lugar kung hindi ko naman makita."ngumiti ito ng malungkot.
Kinagat ko iyong labi ko para pigilan iyong luhang gustong tumulo sa mga pisngi ko.Nandito ako ngayon sa bahay nila Ran para bisitahin siya at kumustahin.
Oo masakit para sa akin na makitang bulag na si Ran. Kung alam ko lang sana na mangyayari noon iyon sa kanya edi sana pala inilayo ko na siya noon pa sa lugar na ito.
Sinabi kasi sa akin ni Perzeus na may posibilidad na maapektuhan ang ibang parte ng katawan niya dahil sa lason na nasa katawan niya ngayon. At ito nga, nabulag siya dahil hindi natanggal ang lason na nasa katawan nito.
"Ran," tawag sa kanya ni Keith.
Umayos naman ng upo si Ran at dahan-dahan nitong itinaas ang kamay niya para hawakan ang mukha ni Keith. Dahil hindi nito makita kung nasaan si Keith ay si Keith na mismo ang nagdala ng kamay ni Ran sa pisngi nito."Keith," haplos nito sa pisngi ni Keith. "Alam naman nating pareho na mawawala na ako, diba? Kaya, bakit mag-aaksaya pa tayo ng panahon para mamasyal kung saan hindi ko naman makita ang lugar? Mas mabuti na ito na nakaka-usap kita—kayo,"sabi nito at tumulo ang mga luha nito."Hindi natin alam kung kailan Niya ako kukunin. Nanghihina na ako."
Hindi ko na napigilan pa iyong luha ong kanina pa gustong kumawala.
Simula nung kina-usap ako ni Perzeus sa bar ng uncle ni Ran ay may pakiramdam na ako na may kakaibang nangyayari pero, hindi ko na lang pinansin pa.Ilang araw na din na hindi pumapasok si Ran simula nung nag-kausap kami ni Perzeus nung gabing iyon. Kung tatanungin ko naman si Keith ay lagi naman nitong sinasabi na may sakit daw si Ran kaya hindi pa siya makakapasok.
Ilang araw na ganun ang rason ni Keith kaya naman napag-isipan ko na lang na dalawin si Ran kung totoo bang may sakit ito o nagpapanggap lang siya dahil may pakiramdam akong may mali sa mga kinikilos ni Keith sa tuwing tatanungin ko sa kanya si Ran.
Nang nasa harap na ako ng gate nila ay kinakabahan ako kaya naman tumalikod na lamang ako at nagsimula ng maglakad paalis.
Nakakadalawang hakbang palang ako ng may tumawag sa akin.
"Atoz?"napalingon ako sa gate na bumukas at sa lalakeng nakatayo dito.
Tumayo naman ako ng maayos at nilakasan ang loob kong harapin ang tatay ni Ran."Alam mo bang lagi kang hinihintay ni Ran?" sabi sa akin ng papa ni Ran habang papasok kami ng bahay. "Buti naka-dalaw ka?" tanong nito.
Hindi ako umiimik hanggang sa makapasok kami sa silid ni Ran.
Nang makapasok ako sa silid ay parang nanghina ang tuhod ko.Parang hindi si Ran ang nasa harap ko.
Ang payat na niya. May mga pasa din siya sa katawan at madaming sugat ang bibig. Hindi kasi siya naka-jacket kaya kitang-kita ko ang mga iilang pasa na nasa braso nito.
"Pa?" tawag ni Ran. "Ikaw ba iyan? Kasama mo na ba si Atoz?" sabi nito at umalis sa kama niya. May kinuha naman itong tungkod sa gilid ng kama niya nang tumayo ito at naglakad papalapit sa dereksiyon namin.
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampireIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...