SHE IS A VAMPIRE (30)

223 3 0
                                    

TEARS

Perzeus

"Gusto mo siya?"

Tumango ito.

"Kung gusto mo siya bakit, nandito ka at nagtatago?"

"Hindi niya kasi ako tanggap bilang ako."sagot nito at tumingin sa papalubog na araw.

"Pero, gusto mo pa rin ba siya kahit hindi ka niya tanggap?"

Tumango muli ito.

"Pwede naman kasing ako na lang, Ranya."napalingon naman siya sa akin."Ako iyong laging nasa tabi mo at laging kasama mo pero, bakit siya?"

"Perzeus," bulong nito.

"Ranya, matagal na kitang gusto."

Hindi siya nagsalita.

"Alam ko namang siya talaga ang gusto mo pero, Ranya kung nahihirapan ka na, nasasaktan at hindi mo na kaya, nandito lang ako. Handa akong ipaglaban ka at mahalin kagaya ng pagmamahal sayo ni Atoz." saad ko.

"Perzeus," bulong nito at hinawakan ang isang kamay ko. "Salamat. Salamat dahil lagi kang nandiyan at, salamat sa pagmamahal mo sa akin."sabi nito at pinisil ang kamay ko."Patawarin mo sana ako dahil, hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo."saad nito.

"Patawad, pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo."

°°°°°°°°°°

"Perzeus?" bulong ni Ran nang makita niya ako sa harap ng gate.

"Hindi ba sinabi ko na sayo na, kagaya pa rin sila ng dati? Hindi nila tayo kayang tanggapin at hinding-hindi nila tayo tatanggapin dahil nandidiri sila sa atin."sabi ko sa kanya at nilapitan siya.

"Halika na, Ran. Umuwi na tayo." pagkasabi ko ay hinawakan ko ang kamay niya bago kami umalis ng paaralan na iyon.

Kahit bago man lang ako umalis kahit, ito lang ang kaya kong gawin sa kanya. Ang ilayo siya sa mga taong mapanghusga.

Hindi pa kami nakakalabas ng gate ni Ran ng biglang may sumigaw kaya napahinto kami at lumingon sa kung sino iyon.

"RAN!"

"RAN, TANGGAP KITA! GUSTO KITA AT MAHAL KITA!"

Napatingin naman ako sa katabi ko. Hindi siya nagsasalita.

"Ano pa ba ang kulang para magsama tayong dalawa?" tanong nito kay Ran.

"Please, Atoz tama na."mahinang sambit ni Ran.

"Kailangan ko bang maging bampira para lang magsama tayo?" tanong muli nito.

"Tama na, Atoz."naiiyak na saad ni Ran.

Hihilain ko na sana palabas si Ran ng nagulat ako sa ginawa ni Atoz.

"Ito ba?" tanong nito at pinulot iyong nagkalat na plastic na may laman na dugo sa may sahig. "Ito ba ang kailangan para maging bampira ako at para, magsama na tayo?"pagkasabi nito ay agad nitong ininom ang dugo na nasa plastic.

"Anong ginagawa niya?"

"Nababaliw na ba siya?"

"Ibig sabihin bampira na rin si Atoz?"

Nagulat naman ako ng inalis ni Ran ang kamay kong nakahawak sa kanya at, bigla siyang tumakbo papunta sa direksyon ni Atoz.

Napangiti na lamang ako ng makita kong magkayakap sila.

Mahal nga nila ang isa't isa.

Ito na rin siguro ang pagkakataon ko para, umalis at bumalik sa Vampire Island.

Hindi na ako nagpaalam pa kay Ran at naglakad na ako palabas ng paaralan.

Pero, bago ako tuluyang makaalis ay nilingon ko muli sa huling pagkakataon si Ran.

Paalam, Ranya.

Dinala naman ako ng mga paa ko sa bar ni uncle Tommy.

Buti na lang at nakabukas ito ng umaga.

"Perzeus? Ikaw ba iyan?" tanong nito at lumapit sa akin.

"Bakit balot na balot ka?" tanong nito at pinaupo ako sa isang upuan.

Magkaharap naman kami ngayon ni uncle Tommy at nag-uusap.

"Ano?! Aalis ka?"sigaw ni uncle Tommy."Saan ka pupunta? Alam ba ni Ran?"

Umiling lang ako.

"Hindi ko sinabi sa kanya dahil, alam kong pipigilan niya lamang ako kaya, mas mabuti na lang na umalis ako ng hindi nagpapaalam sa kanya." saad ko.

Nang matapos kaming nag-usap ni uncle Tommy ay nagpaalam na ako.

"Talaga bang ayaw mong ihatid kita sa bus station?" tanong na naman nito sa akin.

"Okay lang ako uncle, huwag kang mag-alala walang mangyayari sa akin."sabi ko sa kanya at lumabas na ng bar.

Habang naglalakad ako sa ilalim ng araw ay nakaramdam na naman ako ng pagkahilo at ang pagkahapdi ng balat ko pero, hindi ko ininda iyon at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nakadalawang hakbang palang ako ng bigla na lamang bumagsak ang katawan ko at nanlabo ang paningin ko hanggang sa nawalan ako ng malay.

Nagising naman ako ng may naramdaman akong malamig na dumadampi sa mukha ko.

"S-sino ka?" tanong ko dahil, hindi ko maaninag ang mukha nito.

"Long time no see, Perzeus."

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon