SHE IS A VAMPIRE (21)

247 4 0
                                    

RIFT

Ran

"Bakit ngayon ka lang? Gabi na ah."bungad sa akin ni Perzeus pagkapasok ko ng bahay.

"Alam mo bang, kanina ka pa hinahanap ng papa mo? Saan ka ba galing?" tanong muli nito habang nakasunod ito sa akin.

Hindi ko siya pinansin at dere-deretso lang ako sa paglalakad.

"Ran! Tinatanong kita!" sigaw nito.

Napaharap naman ako sa kanya.

"Akala ko Perzeus matatanggap niya ako pag nalaman niya ang totoo. Akala ko maiintindihan niya ako pero, nagkamali pala ako."sambit ko.

"Anong pinagsasabi mo?" tanong nito at lumapit sa akin.

"Wala na, Perzeus. Iyong taong gusto ko kinatatakutan na niya ako ngayon."sabi ko at umiyak sa harap nito.

Lumapit naman ito sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Nandito pa naman ako, Ran."sabi nito at niyakap ako.

Kinaumagahan ay nalate akong bumangon. Buti na lang at maayos na iyong bisikleta ko kaya iyon ang ginamit ko pagpasok sa school.

Pagpasok ko sa paaralan ay nag stay na muna ako sa guard house at hinihintay na makita ko si Atoz.

Ilang minuto pa ang nagdaan ay nakita ko na si Atoz pababa ng sasakyan nito.

Agad naman akong nagtago sa likod ng guard house ng makita kong papasok na siya.

Nang hindi ko siya mahintay na dumaan ay sinilip ko kung umalis na ba siya pero, nakita kong nag-uusap pala sila ni Keith.

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila ni Keith pero, nagulat ako sa sumunod na nangyari. Sinampal ni Keith si Atoz.

Kaya naman lumapit ako sa kanila.

Pero, mukhang hindi nila ako napansin.

"Naririnig mo ba iyang sinasabi mo? Oo, bampira nga si Ran pero, ni minsan ba nakita mong ginawa niya iyang mga bagay na pinagsasabi mo tungkol sa kanya? Akala ko pa naman kaibigan ka niya. Pero, bakit ganyan ka kung pagsalitaan mo si Ran? Parang hindi mo siya kaibigan, at parang nakalimutan mo yata na siya ang lagi mong kasama simula nung lumipat ka dito. Wala naman siyang ibang ginawa kundi, pakisamahan niya tayo diba? Kahit araw-araw niyang naririnig mula sa ating mga tao na salot sila, mamamatay tao, umiinom ng dugo. Ni minsan ba, nakita at narinig mong sinumbatan niya tayo? Nakita mo bang nasasaktan siya tuwing naririnig niya yung mga salitang iyon? Hindi diba? Kasi lahat ng masasamang bagay na sinasabi natin tungkol sa kanilang mga bampira ay binalewala niya at nagtengang kawali na lamang siya."sabi ni Keith."Ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit kailangan ko siyang kamuhian?"tanong ni Keith kay Atoz.

"Dahil hindi sila karapat dapat na mabuhay sa mundo natin! Bampira siya, tao tayo. Ibang-iba sila sa atin kaya, dapat lang natin siyang kamuhian."sigaw ni Atoz.

Napahawak ako sa strap ng bag ko.

Ngayon, malinaw na sa akin. Kinamumuhian na rin ako ni Atoz.

"R-ran......"bulong nito nang makita niya akong nakatayo sa harap nito.

"A-ano, ang i-i-ibig kong sabihin----"

"Okay lang, naiintindihan naman kita, Atoz."sabi ko."Kahit ako siguro kung malaman kong isang bampira ang kaibigan ko siguradong ganyan din ang reaksiyon ko."sambit ko at lumapit sa kanya.

Nang makalapit ako sa kanya ay kinuha ko sa bag ko ang isang kahon.

"Ibabalik ko na pala 'to."abot ko sa kanya ng kahon kung saan nakalagay ang bigay nitong clip sa akin.

Pagkakuha nito sa kahon ay agad naman akong umalis sa kinaroroonan niya.

Dinala naman ako ng mga paa ko sa isang silid dito sa paaralan at doon tahimik akong umiyak.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Sabi ko naman kasi sayo, masama sila."napatingin ako sa kanya."Hindi
sila nakabubuti sa atin, Ran dahil sarili lamang nila ang inaalala nila at wala silang pakialam kung masaktan man tayo."sabi ni Perzeus.

"Ano ng gagawin ko ngayon?" tanong ko sa kanya.

Lumapit ito sa akin at nilahad nito ang kamay niya.

"Sumama ka sa akin."sabi nito habang nakatingin siya sa mga mata ko.

"Huh? Saan tayo pupunta?"

"Sa lugar kung saan tayo lang ang magkasama at malayo sa mga taong mapanghusga at nanakit sayo."sabi nito.

Tinignan ko ang kamay nitong nakalahad sa harap ko.

Sasama ba ako? Tanong ng isip ko.

"Ano, Ran tara?"

Napatingin ako sa kanya at nginitian niya ako.

"Tara!" sabi ko at hinawakan ang kamay nito.

Nagulat ako sa sumunod na nangyari.

Binuhat ako ni Perzeus at biglang tumalon sa bintana.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. "Mamaya may makakita sa atin!"sita ko sa kanya.

"Magtiwala ka lang sa akin, Ran."sabi nito habang papalayo kami sa lugar kung saan ang mga tao ay kinamumuhian kaming mga bampira.

Kami kasing mga bampira ay may kakayahang makalipad at tumalon ng napakataas kahit nasa pinakamataas na lugar pa kami.

"Malayo pa ba tayo?"tanong ko sa kanya.

"Malapit na."

Inirapan ko naman siya.

"Pang-ilang malapit mo na iyan? Maghahapon na pero, kanina pa tayo nandito sa ere."inis na saad ko.

Nakita ko naman siyang ngumiti.

"Huwag ka ngang ngumiti sasapakin kita eh."sabi ko.

Buhat-buhat kasi ako ni Perzeus na parang baby.

"Nandito na tayo."napatingin naman ako sa paligid.

"Akala ko ba tayong dalawa lang? Bakit may mga-----"

"Hindi sila mga tao, mga bampira sila kagaya natin."sabi ni Perzeus.

"Anong klaseng lugar 'to?" tanong ko sa kanya.

"Ito ang Vampire Island."sagot nito.

"Ano?"

"Ito ang isla kung saan mga bampira lamang ang nakatira dito."paliwanag ni Perzeus.

Bakit hindi ko alam ang lugar na ito?

"Paano mo nadiskubre ang lugar na' to?" tanong ko sa kanya.

"Dito ako lumaki."

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon