BOX OF HEARTS 02
Atoz
Kringggg!
Napabalik naman ako sa realidad ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Hillary calling......
"Kuya, nasaan ka na?!" sigaw nito sa kabilang linya.
"Ito na, pauwi na ako."
"Bili----"hindi ko na siya pinatapos pa na magsalita at agad ko ng pinatay ang cellphone ko.
Naglakad na lamang ako pauwi dahil malapit lang naman sa bahay itong palengke.
Kaya naman hindi na ako sumakay pa ng tricycle pauwi.
Habang naglalakad ako ay naalala ko ang mga sinabi ni Ran sa akin kanina.
"Para saan Atoz? Para, ipamukha sa akin na nakakadiri ako? Salot? Umiinom ng dugo, mamamatay tao? Ano pa?!"
Tama nga si mama, hindi ko inisip ang pakiramdam ni Ran nung sinabi ko sa kanya ang mga masasakit na salitang iyon dahil, sarili ko lamang ang iniisip ko.
[Flashback]
"Mabuti naman at bumisita ka ilang taon na din ang nakalipas simula nung huli tayong nagkita."sabi ni mama pagkabukas nito sa pintuan ng kanilang bahay.
Nandito ako ngayon sa bahay ng mama ko at ng kinakasama nitong bampira. Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito. Basta, ang alam ko lang ay dinala ako ng mga paa ko dito.
"Bakit ka pala nandito?" tanong ni mama.
Simula kasi noong umalis si mama ay hindi na ito bumalik pa. May iniwan lamang itong isang kapirasong papel kung saan nakasulat doon ang address nito.
"Kung gusto mo akong makita, puntahan mo lang ako sa address na ito."
Grade school ako ng huli kong makita ang mama ko. Hindi rin ako nakakapunta sa address na bigay nito dahil ayaw ng papa ko.
Napatingin naman ako sa kanya.
Nandito kami ngayon sa sala nila at kaharap ko siya.
"Bakit ka sumama sa kanya? Bakit mo ako iniwan?" hindi ko alam pero, iyon agad ang lumabas sa bibig ko.
Ibinaba naman ni mama ang hawak nitong tasa at tumingin sa akin bago ito nagsalita.
"Abe, hindi kita iniwan."panimula nito.
"Kung iniisip mong iniwan man kita, nagkakamali ka. Simula nung umalis ako sa bahay lagi akong bumabalik para tignan ka at kunin pero, lagi akong tinataboy ng papa mo."sabi nito."Ni minsan Abe, hindi ka nawaglit sa isipan at puso ko, tuwing may program kayo sa school niyo nung bata ka, nandoon ako. Lagi kitang pinapanood at pinapalakpakan. Gusto kitang yakapin at sabihing ang galing-galing mo pero, natatakot ako sa papa mo na baka ilayo ka niya sa akin pag nalaman niyang nagpupunta ako sa school mo para panoorin ka at gustong makita ka."sabi nito habang nakayuko ito.
"Pero, sumama ka pa rin sa bampirang iyon!" sigaw ko. "Kulang pa ba kami ni papa na nagmamahal sayo?" tanong ko sa kanya.
"Mahal ko si Angelo."nagulat ako sa sinabi niya.
"Kalokohan."
"Maniwala ka man o sa hindi, mas una kong minahal si Angelo kaysa sa papa mo."
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan na tanong ko.
"Nung collage ako, doon sa paaralan kung saan ako nag-aral ay nakilala ko doon si Angelo. Lagi kaming magkasama, nagkwe-kwentuhan at hanggang sa dumating kami sa puntong nahulog kami sa isa't isa. Akala ko noon, normal siya kagaya natin pero, hindi pala."sabi ni mama at napatingin sa bintana."Nung araw na umamin kami sa isa't isa ay iyon din ang araw kung saan nagtapat siya sa akin kung ano talaga siya. Nang malaman ko kung ano talaga siya ay natakot ako at tinakbuhan siya. Mahal na mahal ko si Angelo pero, nang malaman ko kung ano talaga siya ay kinalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kanya at, doon ko nakilala ang papa mo."sabi nito at tinignan ako.
"Pinakasalan ko ang papa mo para, makalimutan ko si Angelo. Akala ko tama ang ginawa ko pero, nang magkita muli kami ni Angelo ay bumalik lahat ng nararamdaman ko para sa kanya."
Ibig sabihin, ginamit niya lang si papa para makalimutan iyong bampira na iyon?
"Sabihin niyo nga sa akin, minahal mo ba ang papa ko?" tanong ko sa kanya.
"Anak," tawag nito sa akin. "Minahal ko ang papa mo pero, mas mahal ko si Angelo."sabi nito.
"Mas pinili ko si Angelo kaysa sa papa mo dahil, gusto kong makasama ang taong mahal ko sa simula't simula palang. Gusto kong iparamdam sa kanya na nagkamali ako nung araw na iyon na tinakbuhan ko siya. Gusto kong ipakita at iparamdam sa kanya na kahit bampira siya ay may nagmamahal din sa kanya."saad ni mama habang tumutulo ang luha nito sa mukha niya.
"Alam kong nasaktan kita pero, sana mapatawad mo ako anak."ani nito at lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko.
Wala akong karapatan para hindi ko siya kayang patawarin dahil, ngayong nalaman ko ang katotohanan.
Nagmahal lang si mama kaya nagawa niya iyon.
Nang matapos ang pagda-drama namin ni mama ay sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat tungkol kay Ran.
"Alam mo anak, ang mga bampira ay parang tao lang din iyang mga iyan. Marunong din silang masaktan at sumuko."saad nito.
"Bago mo sana binitawan ang mga salitang iyon ay, inisip mo rin sana kung anong pwedeng maging epekto nito sa kanya. Kasi alam mo anak, inisip mo lang kapakanan mo, hindi mo inisip yung sitwasyon niya."
"Anong gagawin ko mama, nasaktan ko na siya."
"Ang dapat mo lang gawin sa ngayon ay, humingi ka sa kanya ng tawad at sabihin mo sa kanya kung ano ba talaga iyong sinasabi nito."sabi ni mama habang nakaturog ang daliri nito sa may dibdib ko kung saan nakalagay ang puso ko.
[End of flashback]
Kaya, simula noon lagi ko na lang dala-dala ang kahon na ibinalik sa akin ni Ran kasama ang sulat nito.
Sinabi ko sa sarili ko na ibibigay ko muli sa kanya ito pag nagkita kami pero, dahil nga napaka wrong timing na tumawag ang kapatid ko ay hindi ko naibigay kay Ran iyong kahon.
Nang nasa harap na ako ng gate ng bahay ay pumasok na ako at agad naman akong sinalubong ni Hillary.
"Kuya, nasaan na iyong pinapabili ko?" tanong nito.
"Ito, hanapin mo." inis na ibinato ko sa kanya yung backpack ko.
"Salamat, kuya!" nakangiting sambit nito.
Agad naman akong pumasok sa bahay.
Naiinis talaga ako kay Hillary dahil, kung hindi sana siya tumawag edi, sana naibigay ko iyong kahon kay Ran kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/149603761-288-k994117.jpg)
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampirosIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...