SHE'S A VAMPIRE (32)

312 6 0
                                    

TEARS 03

Atoz

"Nakakahiya ka!" sigaw sa akin ni papa matapos niya akong sinuntok sa mukha. "Isa kang kahihiyan sa pamilya natin! Wala kayong pinagkaiba ng mama mo!"

"Oo na! Wala na akong pinagkaiba kay mama! Nagmahal lang naman ako, papa. Anong mali doon?" sigaw ko.

"Ang mali ay nagmahal ka ng isang katulad niya na isang salot!"

"Hindi siya salot! Hindi sila salot!"

"Hindi niyo ba naisip? Nandito sila para ipakita sa atin na kaya nilang makipaghalubilo sa ating mga tao kahit, minamaliit natin sila at kung anong masasakit na bagay ang sinasabi natin tungkol sa kanila,"sabi ko.

Nakatingin lang sa akin si papa.

"Bakit, pa? Hanggang ngayon ba galit ka pa rin kasi, mas pinili ni mama ang isang bampira kagaya ni Angelo kaysa sa iyo? Kaya ba ang gusto mo ay layuan ko rin si Ran, ganun ba? Kasi, magpahanggang ngayon hindi mo pa rin tanggap na naagaw sayo ng isang bampira ang asawa mo."sinapak ulit ako ni papa.

"Binabalaan kita, Abe," saad nito.

"Kung hindi mo siya kayang layuan, ako mismo ang gagawa ng paraan para magkalayo kayo."sabi nito bago niya ako iniwan sa sala.

°°°°°°°°°°

"Atoz, hindi lang ako ang babae sa mundo,"

"Mahal na mahal din kita, Atoz at mamahalin pa rin kita kahit magkalayo na tayo."

"Patawad,"

"Sa muli nating pagkikita, Atoz."

Naalala ko na naman iyong nangyari kanina.

"Sa muli nating pagkikita, Atoz."

Anong ibig niyang sabihin doon?

Habang papalayo siya sa akin kanina ay gusto ko siyang sundan pero, may isang kamay ang pumigil sa akin.

"Hayaan mo muna siyang mapag-isa,"sabi sa akin ni Keith.

Kaya, hindi ko siya sinundan kanina at umuwi na lamang ako.

Pagkapasok ko sa bahay ay isang suntok ang sumalubong sa akin.

Sinuntok ako ni papa.

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang balitang iyon pero, malakas ang kutob kong sinabi sa kanya ni Hillary ang tungkol kay Ran.

Gabi na at nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakatayo malapit sa bintana.

Nakatingin lang ako sa mga bituwin na nasa langit.

Kamusta na kaya si Ran?

Kinuha ko naman sa bulsa ko ang cellphone ko.

To: Ran

Puwede ba tayong mag-usap?"

Limang minuto na ang lumipas pero, hindi pa rin niya sinagot iyong text ko.

To:Ran

Gusto kong mag sorry sa ginawa ng kapatid ko.

Hindi pa rin siya sumagot kaya, napagdesisyunan ko na lamang na tawagan siya.

Nakalimang ring na pero hindi pa rin siya sumasagot.

Tulog na kaya siya?

Akala ko hindi na niya sasagutin iyong tawag ko nang may marinig akong tunog sa kabilang linya.

"Ran," panimula ko.

"Alam kong nakikinig ka at alam kong nasaktan ka sa ginawa ng kapatid ko. Ako na ang humihingi ng sorry dahil sa ginawa ni Hillary sayo."

"....."

"Please, Ran magsalita ka naman."

"....."

"Kung gusto mong magalit. Sige, magalit ka sa akin! Ilabas mo lahat iyang galit mo. Kung gusto mo akong murahin, murahin mo ako! Kung iyan lang ang tanging paraan para mabawasan iyang nararamdaman mong sakit ngayon."

"Tumigil ka na!"

Nagulat naman ako ng bigla siyang sumigaw.

"Simula ngayon, kalimutan mo na ako. Kalimutan mo ng may Ran kang nakilala. Huwag mo na akong tatawagan at kakausapin."pagkasabi nito ay pinatay na niya ang telepono.

Naibato ko naman sa kama iyong cellphone ko.

*beep beep!

Napatingin naman ako sa cellphone ko na tumunog kaya, lumapit ako dito at tinignan kung sino iyong nag text.

From: Ran

Alam kong may makikilala ka rin na babae na kayang suklian iyang pagmamahal mo at, alam kong mamahalin mo siya ng higit pa kaysa sa pagmamahal mo sa akin ngayon.

Sorry.

Sorry for everything.

Siguro, hindi lang talaga tayo para sa isa't isa.

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon