BAR
Ran
Nang nasa bahay na ako ay agad kong binuksan iyong bigay sa akin ni Keith na paper bag.
"Ang yaman naman niya, binigyan niya pa talaga ako ng sapatos para lang pumayag ako na maging kaibigan niya." bulong ko.
Nang buksan ko yung karton na naglalaman ng sapatos ay may isang maliit na papel na nahulog.
"Ano na naman 'to?" pulot ko sa papel.
Hi Ran! :)
Tuwing nakikita kita lagi kong sinasabi sa sarili ko na sana, kagaya rin kita. Kasi, una sa lahat matapang ka, kahit nga teacher sinasagot-sagot mo, kaya mong ipagtanggol ang sarili mo pag may nang-aapi sayo. Nakakainggit lang kasi, na isang babae na kagaya mo ay matapang at palaban. Kaya nga nagustuhan kita eh. Sana pumayag ka nang maging kaibigan ko.
-Keith Richard
Napakunot ako sa nabasa ko.
"Kaya ba gusto niya akong maging kaibigan dahil lang matapang at palaban ako?" sabi ko sa sarili ko.
Habang nakahiga ako sa kabaong kung saan ito ang nagsisilbing kama ko ay may kumatok sa kwarto ko.
"Anak?"tawag ni papa sa labas ng kwarto.
"Bakit po?"
"Pwedeng pumasok?"
"Opo, opo!" sagot ko at dali-daling pumunta sa harap ng pinto at binuksan ito.
"Bakit po?" tanong ko kay papa nang makapasok na siya sa kwarto ko.
"Si uncle Tommy mo kasi," sabi nito.
"Bakit anong nangyari kay uncle?" tanong ko.
"Wala naman pero kasi, iyong bar na pinapatakbo niya."mahinang saad ni papa at napatingin sa akin."Ran, naaalala mo pa ba yung alok sayo ng uncle mo? Yung pagtugtog mo sa banda na binuo niya?" tanong ni papa.
"Opo, pero papa diba sabi ko naman----"hindi ko natapos iyong sasabihin ko dahil nagsalita na naman si papa.
"Anak, nalulugi na yung bar ng uncle mo, iyan pa rin ba ang idadahilan mo?"tanong ni papa." Kaya nga nagpapatulong siya sayo na maging bokalista ka ng banda na binuo niya sa bar niya para, kahit papaano ay may mga tao paring pupunta doon."paliwanag ni papa.
"Pero kasi,"napabuntong hininga ako.
Hinawakan ako ni papa sa balikat.
"Sasamahan naman kita anak kaya, huwag kang mag-alala walang mangyayaring masama sayo."sabi nito at nginitian ako. Napangiti naman ako ng matipid.
"Sige po payag na-----"
"Talaga, Ran?! Oh my gosh! Salamat!" nagulat ako ng biglang lumabas si uncle sa likod ng pintuan ng kwarto ko.
"Kanina pa po ba kayo diyan?!"sigaw na tanong ko sa kanya.
Tumango lang naman ito.
"Ang papa mo lang pala ang kailangan kong ipakausap sayo para lang mapapayag ka na sumali sa banda ko."nakangiting saad nito."Promise, mag-e-enjoy ka sa bar ko."sabi nito at kinindatan ako.
"Alam mo uncle? Sa kinikilos mo parang hindi naman palugi iyong bar mo, parang gusto mo lang talaga akong bumalik ulit sa pagbabanda."sagot ko sa kanya.
"He-he-he....sorry naman! Masaya lang kasi talaga ako na babalik ka na sa pagbabanda lalo na sa pagkanta mo."naka-ngiting sambit nito."So, paano Ran? Kita na lang tayo sa bar mamayang eight o'clock?" sabi ni uncle.
"T-teka! M-m-mamaya na? Agad-agad?" tanong ko kay uncle Tommy.
Tumango ito, "Oo, ano gusto mo bukas pa?" sarcastic na tanong nito sa akin.
Napa-irap na lang ako.
°°°°°°°°°°
Pagpatak ng alas-otso ng gabi ay sinundo ako ni papa sa kwarto ko.
"Ano, tara na?" naka-ngiting tanong nito sa akin.
Tumango lang naman ako at nginitian siya. Naglakad na kami ngayon papunta sa labas para makakuha ng tricycle na masasakyan.
"Ano, may napili ka na bang kakantahin mo mamaya?" tanong ni papa sa akin habang nasa biyahe kami.
Umiling lang ako, "Wala pa nga po eh. Pakiramdam ko, nakalimutan ko na kung paano ang kumanta."sagot ko kay papa.
Napatawa naman siya ng mahina.
"Ikaw talaga!" sabi nito at ginulo iyong buhok ko. "Mamaya, kung kakanta ka na hanapin mo lang ako sa mga nanonood o hindi naman, tignan mo lang iyang bracelet na bigay ko sayo. Tandaan mo, Ran nandito lang ako lagi para sayo anak."sabi ni papa at pinatong nito ang ulo ko sa balikat niya.
"Salamat po, papa."
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa bar ni uncle Tommy.
"Halika na sa loob anak?" tawag ni papa sa akin pagkababa namin sa tricycle.
Napatingin ako sa bar ni uncle Tommy.
Napabuntong hininga ako.
Tinapik naman ako ni papa sa balikat kaya napatingin ako sa kanya, "Kaya ko 'to."sabi ko bago kami pumasok sa loob ng bar.
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampiroIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...
![She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]](https://img.wattpad.com/cover/149603761-64-k994117.jpg)