SHE IS A VAMPIRE (13)

355 12 0
                                    

KEITH RICHARDS

Ran

"Excuse me?"tawag ko sa kanya.

Nagulat ko yata siya dahil nabitawan niya iyong hawak-hawak nitong paper bag paglingon niya sa akin.

Napa-kunot naman ako ng napansin kong nasa harap siya ng locker ko at nakabukas ito.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

"A-ah....a-ano,"nauutal na saad nito.

Lumapit naman ako sa kanya.

"Bakit nasa harap ka ng locker ko? Ikaw ba iyong nang-iwan ng hair clip kanina? Bakit mo ginawa iyon?"sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Pinulot muna niya iyong paper bag bago siya sumagot.

"P-p-para sayo!"nauutal na saad nito at iniabot sa akin iyong paper bag na hawak-hawak nito pero hindi ko kinuha.

"Bakit mo ginagawa 'to?"tanong ko sa kanya.

"Kasi gusto kita."sagot nito.

"Huh?!"sigaw ko."T-t-omboy ka?!"gulat na tanong ko sa kanya.

"Hindi, nagkakamali ka."sagot nito at yumuko."Gusto kita, bilang ikaw kaya,"sabi nito at tumingin sa akin. "sana pumayag kang maging kaibigan ko!"sigaw nito habang nakapikit ang kanyang mga mata at magka dikit ang mga palad nito sa harap ng mukha niya.

Napatawa naman ako ng mahina.

0_-

Napadilat naman ang isa niyang mata.

"B-bakit? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"bulong nito.

"Wala."sagot ko sa kanya at naglakad papunta sa locker ko."Alam mo? Kakaiba ka," sabi ko sabay sulyap sa kanya. "hindi ko lubos akalain na nagwawaldas ka pa ng pera para lang sa akin, para maging kaibigan mo. Kagaya niyan," turo ko sa paper bag na nasa paanan niya. "bumili ka pa talaga ng sapatos para sa akin?"umiiling na saad ko at kinuha yung notebook ko at naglakad na palabas ng locker room.

Pero, bago ako umalis ay nilingon ko muna siya at nagsalita.

"Hindi mo naman kailangang gawin iyang mga bagay na iyan kung talagang gusto mong makipag-kaibigan sa akin. Simple lang, makihalubilo at makisama ka hindi iyong, bibigyan mo ako ng mga materyal na bagay at piliting maging kaibigan mo."sabi ko sa kanya at nagsimula ng maglakad.

"Sandali!" habol nito sa akin. "Sana, tanggapin mo man lang ito."sabi nito at inabot sa akin ang paper bag na hawak nito.

"Diba, sabi ko sayo hindi ko kailangan ng materyal-----"

"Sige na. Kahit ito lang. Please?" hawak nito sa kamay ko. "Para sayo talaga ito."sabi nito at iniwan na nito ang paper bag sa harap ko.

Napatingin ako sa paper bag na iniwan niya at sa kanya.

"Sino ka? Bakit mo ginagawa 'to." bulong ko bago ko kinuha yung paper bag at bumalik sa classroom.

"Bakit ang tagal mo Ms. Kim?"nakataas ang isang kilay na tanong sa akin ni Mrs. Marquez.

"Hindi ko po kasi agad nahanapan iyong notebook ko."sagot ko na lang sa kanya at naglakad papunta sa upuan ko.

Habang papunta ako sa upuan ko hindi ko inaasahan iyong makikita ko. Iyong babae na nasa locker room kanina, classmate ko!

Napalunok ako ng nakatingin lang siya sa akin kaya, agad naman akong umupo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napalunok ako ng nakatingin lang siya sa akin kaya, agad naman akong umupo. Grabe, pinagpapawisan yung palad ko. Paano ba naman kasi, nasa likod ko lang siya.

Nang tumunog na yung school bell hudyat na recess na tumayo na ako sa upuan ko dahil, nararamdaman kong nakatingin pa rin sa akin yung babae. Pagkatayo ko ay agad kong tinapik iyong classmate ko.

"Josa, kilala mo ba iyong babaeng nasa may likod ko na may bangs? Iyong nasa pangalawang upuan sa likod?"tanong ko kay Josa.

"Ah, si Keith Richards, bakit? May problema ba sa kanya?" tanong nito.

"Wala naman, parang ngayon ko lang kasi siya nakita."sagot ko sa kanya.

Naglalakad na kami ngayon ni Josa papuntang canteen.

"Oo, ganun talaga siya. Hindi mo siya madalas makita at napapansin kasi lagi lang siyang mag-isa, kumbaga loner?" aniya ni Josa.

"Wala ba siyang mga kaibigan man lang?"tanong ko.

"Hindi ko alam."sagot naman nito."Sige, Ran una na ako tinatawag na ako ng mga friends ko."sabi niya at pumunta na sa mga kaibigan nito.

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon