SHE IS A VAMPIRE (8)

449 18 0
                                    

WEAKNESS

Ran

"Bakit hindi nagpalit ng PE uniform si Perzeus ?"tanong ni Atoz sa akin.

"Hindi kasi siya mahilig sa sports kaya hindi na siya nagpalit. Manonood na lang daw siya."pagdadahilan ko.

Napatingin naman ako kay Perzeus na naka-upo sa ilalim ng malaking puno at nanonood sa mga naglalaro sa ground. Oras kasi ng PE namin ngayon kaya dapat lahat ay makipag-participate pero, si Perzeus ay naupo na lamang sa ilalim ng puno at nanood.

Kaming mga bampira kasi, ang isa sa mga kahinaan namin ay ang araw. Tuwing nasisinagan kasi kami ng araw ay unti-unting nanghihina ang aming katawan.

Kaya tuwing PE namin ay naglalaro lang ako pag hindi pa gaanong mainit kagaya na lamang ngayon.

"Ran! Saluhin mo!"sigaw ng isa kong kaklase.

Nasalo ko naman yung bola at natamaan.

"Yes! Score natin!"masayang sigaw ko.

"Catch!"

"Huwag masyadong malakas! Hindi ko matatamaan!"sigaw ko.

Naglaro pa kami nang naglaro ng hindi ko namamalayan na meron na pala si haring araw at sobrang init na.

"Guys, pass muna ako pagod na ako."sabi ko sa mga kalaro ko.

Humahapdi na kasi yung balat ko at nahihilo ako.

"Sige. Balik ka pag nakapag-pahinga ka na ah?"sabi nung isa kong kaklase.

Nginitian ko lang siya bago ako pumunta sa CR.

Pagka-pasok ko sa CR ay agad akong naghilamos. Tiningnan ko sa salamin ang itsura ko. Namumutla na naman ako.

"Kailangan ko ng umuwi."sabi ko sa sarili ko.

Pagkalabas ko ng CR ay bigla akong napapikit dahil sa sobrang liwanag ng sikat ng araw at lalo akong nanghina.

May nakita naman akong isang pigura ng tao na malapit sa akin kaya tinawag ko siya.

"T-tulong."

Para akong pagong na naglalakad sa sobrang bagal. Hindi ko maaninag yung taong nasa harap ko kung malapit na ba ako sa kanya o malayo pa.

"T-tulungan niyo a-ako."

Hindi ko na kaya. Babagsak na yung katawan ko. Lord, katapusan ko na ba ito?

Nang hindi na kaya ng mga binti ko na maglakad ay unti-unti akong bumagsak sa lupa.

Bago pa ako mawalan ng malay ay may mga boses akong narinig.

"Ran! Anong nangyari sayo?"sigaw ng isang lalake."Halika, dadalhin kita sa hospital."

"Huwag mo siyang dadalhin doon."

°°°°°°°°°°

Nagising ako ng may maramdaman akong may tumutusok sa pisngi ko.

"Kamusta pakiramdam mo?"tanong ni Perzeus sa akin.

"Anong nangyari? Bakit nasa bahay ako?"tanong ko kay Perzeus.

"Nawalan ka lang naman ng malay dahil sa paglalaro mo sa ilalim ng araw. Kaya ayan, nanghina ka. Pasalamat ka nandoon ako nung mawalan ka ng malay, kung hindi baka pinag-pipiyestahan na iyang katawan mo ngayon sa hospital."sambit ni Perzeus.

Napabangon naman ako sa narinig ko.

"Ano?! Hospital?!"sigaw ko.

"Oo."sabi nito."Pasalamat ka naabutan kita kanina kung hindi dinala ka na nung Atoz na yun sa hospital."

"Si Atoz? Bakit meron si Atoz?"

"Siya kasi yung nakakita sayo na nawalan ka ng malay at gustong ipunta ka sa hospital pero, pinigilan ko siya."sabi ni Perzeus."Sige, mauna na ako mukang okay ka naman na, pagaling ka."paalam nito.

Pero bago ito makalabas ng kwarto ko ay tinawag ko siya.

"Perzeus."

Lumingon naman ito.

"Salamat."sabi ko sa kanya at nginitian.

Tumango lang naman ito bago tuluyang umalis.

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon