WE MEET AGAIN 02
Ran
"Ran!"
"Sabi ko na nga ba ikaw iyan eh!"nagulat naman ako ng may biglang yumakap sa akin.
"Manya---Atoz?!"nagulat ako sa taong nasa harap ko.
Si Atoz!
Bakit niya ako niyakap?
"Kamusta ka na?" tanong nito at ngumiti.
Huminga na muna ako ng malalim.
Kakausapin ko ba siya?
Tinignan ko lang siya at tinayo yung bisikleta ko sa pagkakabagsak at nagsimula ng maglakad palayo sa kanya.
Tama naman iyong ginawa ko, diba?
Mas mabuting huwag ko na lang siyang pansinin para hindi na ako masaktan pa.
Nagulat naman ako ng may biglang humawak sa may pulsuan ko.
"Ran," sabi nito. "Pwede ba tayong mag-usap?"
Hinarap ko siya.
"Para saan Atoz?"tanong ko."Para, ipamukha sa akin na nakakadiri ako? Salot? Umiinom ng dugo, mamamatay tao? Ano pa?!"sigaw ko.
"H-hindi."sabi nito at inabot ang kamay ko pero, iniwas ko ito.
"Gusto ko lang humingi sayo ng tawad."simula nito." Alam kong nasaktan kita sa mga nasabi ko nung araw na iyon. Hindi ko naman sinasadya eh."sabi nito at tumingin sa mga mata ko."Nadala lang ako sa emosyon ko dahil naalala ko yung mama ko."
Huh? Bakit iyong mama niya?
"Nasabi ko lang naman iyong mga bagay na iyon kasi, mula nung bata ako nilagay ko na sa kokote ko na hindi ako magagaya sa mama ko na magmamahal ng isang bampira dahil, isang kahihiyan lamang iyon sa pamilya namin. Pero, mapaglaro ang tadhana at nakilala kita."pagkasabi nito ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin at sinabi ang mga katagang.
"Ran, mahal kita at tanggap ko kung sino at ano ka pa."
°°°°°°°°°°
"Bakit, ang tagal mo?"
"Ran, mahal kita at tanggap ko kung sino at ano ka pa."
"Ran! Kinakausap kita."napalingon naman ako kay papa na nasa harap ko.
"P-po? Ano iyon? May sinasabi po ba kayo?" tanong ko sa kanya.
Napapailing na lang si papa.
"Ang sabi ko bakit ang tagal mong bumalik. At, nasaan na pala iyong pinapabili ko sayong karne?"
Karne?
"O. M. G."bulong ko."Nakalimutan ko pa lang bumili!" sigaw ko. "Halla, sorry papa."
Doon ko lang napagtanto na hindi pala ako nakabili ng pinapabili ni papa sa akin dahil, sa pagmamadali kong umalis kanina sa palengke kung nasaan nandoon si Atoz.
"Hay nako, Ran. Kung ano-ano na naman siguro iyang tumatakbo sa isip mo kaya, pati ulam natin nakalimutan mong bumili."sabi ni papa.
"Sorry." sabi ko na lang sa kanya at nag peace sign.
"Ran," tawag ni papa. "Kain na, handa na ang pagkain."
Lumabas naman ako sa kwarto ko nang marinig ko si papa na tinatawag ako.
"Kakain na po?" tanong ko habang kinukusot-kusot pa ang mata ko galing sa pagkakatulog. Pagod kasi ako sa biyahe namin ni Perzeus kanina kaya naka-idlip ako.
"May laway ka pa."napatingin naman ako sa nagsalita.
"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.
"Bakit, bawal bang bumisita?" natatawang saad nito.
-_-
"Kain na, mamaya na kayo mag asaran."awat sa amin ni papa.
Umupo naman na ako at nagsandok ng pagkain.
"So, bakit ka nga nandito?"tanong ko kay Perzeus habang kumakain kami. "Anong sasabihin mo?"
Nginitian naman niya muna ako bago ito nagsalita.
"Gusto ko lang tanungin kung, papasok ka na ba bukas."saad nito."Diba, halos dalawang buwan ka din na nawala at hindi pumasok?"
![](https://img.wattpad.com/cover/149603761-288-k994117.jpg)
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampireIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...