SHE IS A VAMPIRE (23)

263 2 0
                                        

WHERE ARE YOU?

Keith

"Hello po dito po ba nakatira si Ran?" tanong ko sa lalakeng nagbukas ng gate na sa tingin ko ay papa nito.

"Dito nga, bakit sino ka ba?"

"Ahm, kaklase niya po ako."pakilala ko.

"Halika, pasok ka."

Pumasok naman kami sa bahay nila.

"Nandiyan po ba siya?" tanong ko. "Ilang araw na po kasing hindi ko siya nakikitang pumapasok."

"Wala siya dito. Ilang araw na din na hindi siya umuuwi hindi ko nga alam kung saan siya nagpunta."sabi ng papa nito na mukhang nalulungkot dahil sa hindi pag-uwi ng anak nito.

Matapos kaming nag-usap ng papa ni Ran ay umuwi na rin ako.

"Sige po tutuloy na po ako."paalam ko sa kanya.

"Mag-ingat ka. Babalitaan na lang kita pag bumalik na siya."sabi ng papa ni Ran.

°°°°°°°°°°

Simula nung araw na niligtas ako ni Ran sa insidenteng iyon ay naging interesado ako sa buhay nilang mga bampira.

Oo, inaamin kong natakot ako sa kanya nung una kaya iniwan ko na lang siya basta sa daan.

Pag-uwi ko ng bahay ay agad akong dumeretso noon sa computer ko at tinignan ko ang tungkol sa kanilang mga bampira.

Sa ginawa kong pag re-research tungkol sa kanila ay madami akong nalaman.

Ilang libong taon ng nabubuhay ang mga bampira sa mundo ng mga tao at kung noon ay umiinom ng dugo ang mga dating bampira ngayon, ang iniinom na lamang nila ay dugo ng mga hayop at hindi na sila umiinom ng dugo ng tao.

Nalaman ko rin na kung masisinagan sila ng araw ay manghihina ang mga ito.

Kaya pala laging naka-jacket si Ran.

Nalaman ko rin na once na masugat sila ay agad itong maghihilom.

Kaya ba parang wala lang kay Ran noon ang pagkakabangga sa kanya ng sasakyan?

At ang isa pang nalaman ko ay hindi na sila kagaya ng dati na malakas kundi unti-unti na silang nanghihina at nauubos dahil sa klima at panahon ngayon.

Nang malaman ko ang tungkol sa kanila ay nagbago ang pananaw ko tungkol sa mga bampira. Kung dati ay pinandidirihan ko sila ngayon, ay gusto ko pa silang makilala at maging kaibigan dahil wala naman silang ginagawang masama.

Kinaumagahan matapos ang insidenteng nangyari kagabi ay nilapitan ko si Ran sa school.

"Anong ginagawa mo?" pagsusungit nito ng hinila ko siya.

"Diba, friends na tayo? Kaya, sabay na tayong pumasok!" masayang sambit ko.

Agad naman nitong hinila ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko sa kanya.

"Hindi tayo magkaibigan at hindi mangyayari iyon. Kaya, kung gusto mong pumasok. Pumasok ka mag-isa mo!"

Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko kaibigan ko na siya pero, bakit nagagalit siya sa akin?

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon