SHE IS A VAMPIRE (26)

270 3 1
                                        

BOX OF HEARTS

Atoz

Pauwi na ako ng bahay galing school ng maalala kong may pinapabili pala si Hillary sa akin sa palengke para, raw sa projects nito.

Si Hillary ay kapatid ko sa ama at isa siyang junior high school sa paaralan kung saan din ako nag-aaral.

Nang mabili ko na ang mga gamit na pinabili sa akin ni Hillary ay naisipan ko munang mag-ikot-ikot.

"Salamat po."sabi ko sa tindera bago ako tuluyang umalis sa pwesto nito.

Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa babaeng nakapula ang damit na may hawak na bisikleta at naglalakad papunta sa direksiyon ko.

Parang si Ran iyon, ah. sabi ng utak ko.

Hindi ko alam pero lumapit ako sa kanya at tinawag siya.

"Ran!"tawag ko ulit sa kanya at sa pagkakataon na ito ay niyakap ko siya. "Sabi ko na nga ba ikaw iyan eh!"sabi ko at hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

Agad naman niya akong tinulak palayo sa kanya.

"Manya---Atoz?!"gulat na tanong nito sa akin nang makita niyang ako ang nasa harap nito na yumakap sa kanya.

"Kamusta ka na?"bati ko sa kanya at nginitian ito.

Hindi ko alam pero, kinakabahan ako ngayong nasa harap ko siya.

Hindi ito nagsalita at tinitigan niya lamang ako at kinuha na nito ang bisikleta niya at naglakad na palayo sa akin.

Tinignan ko lang siya papalayo sa akin.

Akala ko ba mag so-sorry ka sa kanya Atoz pag bumalik na siya? sabi ng utak ko.

"Ran,"habol ko sa kanya at hinawakan ito sa may pulsuan niya."Pwede ba tayong mag-usap?"

Hinarap naman niya ako.

"Para saan Atoz?"tanong nito."Para, ipamukha sa akin na nakakadiri ako? Salot? Umiinom ng dugo, mamamatay tao? Ano pa?!"sigaw nito at binawi ang kamay nitong hawak ko.

"H-hindi."sabi ko at inabot ang kamay niya pero, iniwas nito.

Tumayo naman ako ng mabuti bago ako nagsalita.

"Gusto ko lang humingi sayo ng tawad."panimula ko." Alam kong nasaktan kita sa mga nasabi ko nung araw na iyon. Hindi ko naman sinasadya eh."sabi ko at tumingin sa mga mata nito."Nadala lang ako sa emosyon ko dahil, naalala ko yung mama ko."

Hindi ito umiimik kaya nagpatuloy lang ako sa sinasabi ko.

"Nasabi ko lang naman iyong mga bagay na iyon kasi, mula nung bata ako nilagay ko na sa kokote ko na hindi ako magagaya sa mama ko na magmamahal ng isang bampira dahil, isang kahihiyan lamang iyon sa pamilya namin. Pero, mapaglaro ang tadhana at nakilala kita."sabi ko at lumapit sa kanya.

"Ran, mahal kita at tanggap ko kung sino at ano ka pa." pag-amin ko sa kanya.

*Kringgg!

Nagulat naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Hillary Calling.....

Wrong timing naman 'to.

Lumayo muna ako saglit kay Ran at sinagot ang tawag ni Hillary.

"Kuya!" nailayo ko naman agad yung telepono ko sa tenga ko sa biglaang pagsigaw nito. "Nasaan ka na? Nabili mo ba yung pinapabili ko sayong mga gamit?" tanong nito.

"Oo," sabi ko. "Sige na, ibababa ko na may gagawin pa ako."sabi ko at tuluyan ng pinatay ang telepono ko.

Babalikan ko na sana si Ran sa puwesto niya ng wala na siya doon.

Napabuga na lamang ako ng hangin.

Parang nangyari na ito dati.

Iyong araw na binalik sa akin ni Ran ang box na iyon na naglalaman ng hair clip na bigay ko sa kanya at, doon naglakad siya papalayo sa akin at ilang araw, buwan siyang hindi nagpakita.

[Flashback]

"Ibabalik ko na pala 'to."nagulat ako ng may iniabot itong isang kahon.

Napatingin ako sa kahon na hawak nito.

Iyon yung kahon na bigay ko sa kanya nung birthday niya kung saan may laman itong pulang hair clip.

Nang kinuha ko sa kamay nito ang kahon ay naglakad na ito palayo sa akin.

"Ano iyang nasa buhok mo?"

"Ito ba?" tanong nito."May nang-iwan kasi sa locker ko kanina kaya sinuot ko."naka-ngiting sagot nito sa akin.

"Bagay sayo."

"AHHH! BAKIT IKAW PA?!"sigaw ko at tsaka ko binato yung kahon na hawak-hawak ko.

Akala ko, siya na iyong babaeng makakasama ko pero, nagkamali ako.

Nagkamali ako kasi, nagkagusto ako sa isang bampira.

Wala din akong pinagkaiba kay mama.

Sana, hindi ko na lang binigay sa kanya yung ipit na iyon o hindi naman sana ay tinapon ko na lang at hindi pinaniwalaan ang mga sinabi sa akin ni mama noon.

Yung hair clip na iyon. Iyon ang hair clip ni mama na binigay nito sa akin bago niya ako iniwan at, sinabi nitong ibibigay ko lamang iyon sa babaeng makakasama ko habambuhay.

Aalis na sana ako ng mapatingin ako sa kahon na binato ko.

Nabuksan iyon kaya kitang-kita ko ang kulay pulang ipit na nasa loob nito. Hahayaan ko na sana pero, napatingin ako sa maliit na  papel na nilipad galing sa kahon ng biglang humangin.

Lumapit naman ako sa kahon at pinulot ito kasama na ang papel na nilipad.

Atoz,

Una sa lahat, sorry. Sorry kung naglihim ako sayo na bampira ako. Ayaw ko lang naman na katakutan mo ako pag umamin ako sayo kung ano talaga ako. At, iyon nga natakot kita nung umamin ako. Hindi ko sinasadya. Ang buong akala ko kasi, matatanggap mo ako kung sino talaga ako pero, hindi pala.

Hindi ko alam kung bakit sobrang galit ka sa amin pero, naiintindihan kita. Ikaw ba naman, magkaroon ng kaibigan na bampira? Sinong hindi matatakot at magagalit hindi ba? Kaya, binabalik ko na itong ipit na ito. Alam kong, ikaw ang nagbigay sa akin nito dahil agad kitang sinundan nung araw na iyon pagkalabas mo ng locker room ng mga babae. Ibinabalik ko na ito dahil, wala na akong karapatan pa para dito dahil, para lamang sa mga kagaya mong tao ang bagay na ito. 😊

Pero, bago ang lahat bago mo ako kalimutan, gusto ko lang sabihin sayo na gusto rin kita Abcde Xyz Jerusalem.

[End of flashback]

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon