SHE IS A VAMPIRE (31)

225 2 0
                                    

TEARS 02

Ran

"Ito ba ang kailangan para maging bampira ako at para, magsama na tayo?"sabi nito at agad na ininom iyong dugo na nasa plastic.

0_0

Hindi ko lubos akalain na gagawin ni Atoz ang bagay na iyon.

Nakatingin lang siya sa akin at ganun din ako sa kanya.

Agad ko namang tinanggal ang kamay ni Perzeus na nakahawak sa akin at tumakbo sa direksyon ni Atoz.

Agad ko siyang niyakap.

Alam kong ito na ang huling pagkakataon na makikita ko siya at mayayakap.

Sana mapatawad mo ako Atoz sa gagawin ko.

Mahigpit naman niya akong niyakap pabalik.

Isang yakap na ayaw ka na niyang pakawalan pa.

"Ran," bulong nito at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Mahal na mahal, kita."habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay umiiyak siya.

Umiling naman ako.

"Atoz, hindi lang ako ang babae sa mundo," sabi ko sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay nito na nakahawak sa pisngi ko.

"Mahal na mahal din kita, Atoz at mamahalin pa rin kita kahit magkalayo na tayo."

"A-anong ibig mong sabihin?" naiiyak na saad nito at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Patawad,"saad ko."Sa muli nating pagkikita, Atoz."pagkasabi ko iyon ay hinalikan ko siya sa pisngi at tuluyan na nga akong umalis.

Nang naglakad na ako palayo sa kanya ay doon lamang bumagsak ang mga luhang kanina pa nagbabadyang mahulog.

Tumakbo ako palabas ng gate habang umiiyak at sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Sorry, Atoz.

°°°°°°°°°°

"Ano?!"sigaw ko.

Nandito ngayon si uncle Tommy sa bahay para sabihin nito na umalis na si Perzeus.

Bakit siya umalis?

"Bago siya umalis, may pinapabigay pala siya sayo,"sabi ni uncle Tommy at may iniabot sa akin na isang papel.

"Ano iyan?"

"Hindi ko alam, basta ang sabi nito sa akin ay ibigay ko raw ito sayo."kinuha ko naman sa kamay ni uncle iyong papel.

Ranya,

Kung binabasa mo na itong sulat ko sana, huwag kang umiyak. Alam ko namang napaka-iyakin mo.

Naalala mo pa ba nung nag-usap tayo sa may dalampasigan sa Vampire Island? Iyong araw na nagtapat ako ng pag-ibig ko sayo na tinanggihan mo? Iyong araw na tinanong mo ako kung okay lang ba ako dahil, bigla na lamang akong bumagsak sa buhangin?

Iyong araw na iyon Ran, gusto ko ng sabihin sayo ang totoo na ilang araw na lang ako dito sa mundo.

Nararamdaman ko na kasi na  unti-unti na akong nanghihina lalo na ang katawan ko kaya, habang may oras pa ako gumawa ako ng paraan para makasama ka at sabihin sayo ang nararamdaman ko.

Ran, alam kong minsan o madalas kitang sinusundan kung saan naiinis ka na sa akin pero, wala eh iyon lang ang alam kong paraan para makasama ka at makita ka. Kaya, bago sana ako mawala gusto ko sanang humingi sayo ng sorry dahil, sa kakulitan ko at sorry dahil, hindi na ako nagpaalam pa sayo na aalis ako.

Alam kong umiiyak ka na habang binabasa mo ito. Ano ka ba! Huwag kang mag-alala kaya ko ang sarili ko at, huwag mong isipin na dahil wala na ako ay hindi na kita babantayan. Lagi mo lang tatandaan na nasa tabi mo lang ako saan ka man magpunta.

Paalam aking kaibigan.

-Perzeus

Nalukot ko iyong papel na hawak ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo, Perzeus?" umiiyak na saad ko. "Ang daya mo! Sa tuwing may problema ako lagi kong sinasabi sayo tapos, ikaw? Hindi mo man lang sinasabi na may problema ka pala,"iyak ko.

"Tahan na," sabi ni uncle Tommy. "Baka ayaw ka lang niyang masaktan kaya, hindi na niya sinabi sayo ang totoo."sabi nito.

"Uncle, sa tingin niya ba hindi ako nasasaktan ngayon?"

"Ran, anak may dahilan siya kung bakit hindi niya sinabi ang totoo sayo. Kahit naman sabihin niya sayo ang totoo o hindi, masasaktan ka pa rin. Kaya, intindihin mo na lang ang kaibigan mo."sabi ni papa at binigyan ako ng tubig.

Kinuha ko naman ito at ininom.

"Uncle Tommy," tawag ko sa kanya. "Hindi niya ba nasabi sa inyo kung saan siya pupunta?" tanong ko.

"Ang pagkakatanda kong sinabi niya ay, babalik na raw siya sa Vampire Island."

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon