SHE IS A VAMPIRE (35)

232 2 0
                                        

BEG

Vincent (Ran's Dad)

Nandito ako ngayon sa paaralan ni Ran para maki-usap na sana'y tanggapin nila siya muli.

"Mister Kim, hindi po pwede ang hinihingi niyong pabor. Ang eskwelahan na ito ay para lang sa mga taong may pangarap sa buhay at hindi para sa anak niyong isang bampira."sabi ng director ng paaralan sa akin.

"Sir, may pangarap din po ang anak ko."

"Aba! Kami rin! May pangarap din ang mga anak namin!"sigaw ng isang magulang na kasama namin ngayon sa opisina ng director.

"Ayaw naman naming mapahamak sila dahil sa anak mo kaya, mas mabuti na lang siguro kung aalis na siya sa paaralan na ito."suwestiyon ng ibang magulang.

"Tama ka diyan."

"Mas mabuti iyon dahil makakasigurado tayong ligtas ang mga anak natin."

"Paki-usap. Pumayag na po kayong dumito muna ang anak ko. Hindi naman siya masama, eh."nakiki-usap na saad ko.

"Mister, bakit ba kasi inaalala mo pa iyong bampira na iyon? Hindi mo naman siya tunay na anak hindi ba?" napatingin naman ako sa nagsalita.

"Oo, hindi ko nga anak si Ran. Gusto ko lang siyang tulungan dahil, kagaya ng mga anak niyo may pangarap din siya sa buhay."sagot ko sa kanya.

"Good morning, Director Oh."napatingin naman ako sa lalakeng kararating lang.

Naglakad naman siya papunta sa kina-uupuan namin at umupo sa harap ko.

Magkakaharap kami ngayon sa iisang malaking mesa at wala ni isa ang nagsasalita.

"Chairman, ano bang gusto niyong gawin natin sa isang bampirang estudyante na nag-aaral dito?" tanong ng director sa lalakeng kararating lang.

"Bilang isa sa mga chairman ng paaralang ito gusto kong patalsikin niyo ang estudyante na iyon."

Napasuntok naman ako sa mesa nang marinig ko iyon.

"Mali naman yata iyan! Walang masamang ginagawa ang anak ko!" sigaw ko.

"Ano? Hihintayin muna namin na gagawa siya ng masama bago namin siya palayasin dito? Paano kung manakit siya ng mga estudyante? Takutin ang mga ito, may magagawa ka ba pag nangyari iyon?" tanong nito sa akin.

"Hindi magagawa ng anak ko iyan. Mabait siya."sabi ko habang tumutulo ang mga luha ko.

"Kahit sabihin mo pa kung gaano siya kabait, hindi pa rin maaalis sa isipan ng mga estudyante na isa siyang bampira."sabi nito.

"Nagmamaka-awa po ako."sabi ko at sabay na lumuhod sa harap nila.

Nagulat ang ibang mga magulang na kasama ko sa silid na napatingin sa akin.

"Grabe, nakakaawa naman siya."

"Gagawin niya talaga ang lahat para sa anak niya."

"Paki-usap Director Oh and Chairman Jerusalem tanggapin niyo po muli sana ang anak ko."umiiyak sa sambit ko.

"Chairman, nakakaawa naman siya. Payagan na kaya–"

"Gusto mong dumito muna ang anak mo hindi ba?" tanong sa akin ni Chairman Jerusalem.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Sige, pumapayag na ako."

"Talaga po?"gulat na tanong ko sa kanya.

"Chairman! Paano iyong mga anak namin!"

"Baka mapahamak ang mga estudyante dito?!"

"Chairman! Pag-isipan mong mabuti! Huwag ka agad mag dedesisyon "

"Basta pumayag ka lamang sa gusto kong mangyari at papayagan kong pumasok muli ang anak mo sa paaralang ito."sabi nito sa akin.

Napatayo naman ako sa narinig ko.

"Sige, pumapayag ako sa gusto mong mangyari."

"Kung ganun, ito ang gusto kong mangyari."

°°°°°°°°°°
Pag-uwi ko sa bahay ay hindi ko inaasahan na magigising na si Ran.

"Saan po kayo galing?" tanong nito sa akin pagpasok ko sa kwarto niya.

"Wala, nagpahangin lang ako."sabi ko at pilit na nginitian siya.

Sorry, Ran.

Sana patawarin mo si papa sa kung ano man ang gagawin niya.

"Ikaw, Keith hindi ka pa ba uuwi? Ilang araw ka ng nandito baka hinahanap ka na ng mga magulang mo."tanong ko sa kaibigan ni Ran.

"Okay lang po tito kasi, nagpaalam naman po ako sa kanila kung saan ako pupunta."naka-ngiting saad nito.

"Papa," napatingin naman ako kay Ran.

"May balita na ba kay Perzeus?" tanong nito.

Hanga talaga ako kay Ran. Kahit siya na ang nasa bingit ng kamatayan inaalala pa rin niya ang mga kaibigan niya.

"Wala pa anak, eh."sagot ko naman sa kanya.

"Sige, mag kuwentuhan muna kayo ng kaibigan mo at ipagluluto ko kayo ng meryenda niyo."

Lumabas naman na ako ng kwarto ni Ran at dumeretso sa kusina.

Habang nagluluto ako ay naalala ko yung kondisyon namin ni Chairman Jerusalem na sinabi niya kanina.

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon