RIVALS
Ran
Habang nakasakay ako sa bisikleta ko papuntang school ay biglang may isang kotseng tumapat sa akin at binusinahan ako.
*beep beep!!!
Napataas naman ako ng isang kilay ko.
"Ang layo-layo ko na nga. Alam ko naman kung masasagasahan ako!"sabi ko sa sarili ko.
Kainis 'tong may-ari ng kotse porket naka bike lang ako bubusinahan niya lang ako?
Pinagpatuloy ko lang yung pagpapadyak ko sa bisikleta ng biglang bumukas yung bintana ng kotse sa likod. Hanggang ngayon kasi nasa tapat ko pa rin yung asul na kotse at mukhang sinasabayan ako.
"Uy! Papasok ka na?"napatingin naman ako sa kung sino yung nagsalita mula sa kotse.
"O? Atoz ikaw pala!"sabi ko sa lalakeng nasa loob ng kotseng asul.
"Atoz?"tanong nito sa akin nang hininto ng driver niya yung kotse niya.
Huminto rin ako sa pagbibisikleta at sinagot siya.
"Hehehe..."napahawak ako sa batok ko."Ang haba kasi nung name mo na Abcde Xyz kaya naman ginawa ko na lang na Atoz, from A to Z."paliwanag ko sa kanya.
"Ah~"tumatangong sabi nito."Sige, Ran mag-ingat ka sa daan, kita na lang tayo sa school mamaya malapit ng mag time eh."sabi nito bago sinara yung bintana ng kotse niya.
Tumango lang naman ako.
Napatingin naman ako sa wristwatch ko, ten minutes na lang pala ay isasara na naman ni kuyang guard yung gate ng school dahil magsisimula na ang klase.
"Lagot, dapat bilisan ko para hindi ako masarhan."sabi ko at nagsimulang nagpadyak sa bike ko.
Nang makarating ako sa harap ng school gate ay sobrang lakas ng pagpreno ko na halos tumaas pa yung gulong ng bike ko sa likod.
"Mag-ingat ka naman."napatingin naman ako sa kung sino yung nagsalita.
-_-
"Anong ginagawa mo dito?"halos pabulong ko ng tanong sa kanya.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa pag nasa paaralan ka? Diba, mag-aral?"sabi nito at nagsimula ng maglakad papasok ng gate. Agad ko namang pinarada yung bike ko at dali-daling sinundan siya.
"S-sandali! Hindi ko m-maintindihan."habol ko sa kanya."Anong ibig mong sabihin? Ikaw, mag-aaral dito? Kailan ka pa nagka-interes sa pag-aaral?"tanong ko sa kanya.
Tumigil naman siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Aray! Bakit ka nananakit?"sigaw ko sa kanya. Paano ba naman kasi pitikin ba naman yung noo ko. Ang sakit kaya.
"Alam mo? Napaka-mapanghusga mong bampira."sabi nito sa akin at nagsimula na namang maglakad.
Hinabol ko naman ulit siya.
"Seryoso kasi Perzeus."sabi ko sa kanya."Ano ba kasing ginagawa mo dito?"
"Babantayan ka."sabi nito at tiningnan ako.
Napanganga ako sa sinabi niya.
"Bakit? Kaya ko naman sarili ko ah!"sabi ko.
"Huwag ng madaming satsat, mal-late na tayo."sabi nito at hinila na niya ako papunta sa klase ko.
°°°°°°°°°°
Pagpasok namin sa classroom ay agad akong inakbayan ni Perzeus nang biglang lumapit si Atoz sa akin.
"Uy, Ran!"tawag niya sa akin at kinawayan."Sino iyang kasama mo?"tanong nito nang maka-lapit siya sa amin.
"Kaibigan ko nga pala, si Perzeus."
"Abcde nga pala pare."sabi ni Atoz at nilahad ang kamay niya kay Perzeus.
Tinignan naman ako ni Perzeus.
Sinenyasan ko naman siya na makipag-kamay siya kay Atoz.
"Sige, Atoz maghahanap pa kami ng upuan ni Perzeus."sabi ko na lang kay Abcde at hinila na si Perzeus palayo sa kanya kasi mukhang wala ni isa sa kanila ang gustong bumitaw sa pakikipag-kamayan sa isa't-isa.
Nang nakahanap ako ng upuan ni Perzeus ay pina-upo ko na siya doon.
"Hoy, ikaw. Bakit sobra yung pagtitig mo kanina kay Atoz? May balak ka no?"tanong ko kay Perzeus.
Hindi ito sumagot.
"Huwag kang gumawa ng kalokohan habang nandito ka. Tandaan mo, bampira tayo, tao sila. Hindi natin alam kung anong kaya nilang gawin pag nalaman nilang bampira tayo."sabi ko sa kanya at pumunta na sa upuan ko.
"Lumayo ka sa kanya."ma-awtoridad na saad nito.
Napatigil naman ako sa paglalakad ko at napalingon kay Perzeus.
"Si Atoz ba ang tinutukoy mo?"tanong ko sa kanya.
Napapa-iling na lang ako.
Bakit ko sana lalayuan si Atoz? Ang friendly-friendly niya kaya. Yung Perzeus talaga na yun iba ang utak.
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampireIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...