BLOOD
Atoz
"Nasaan si, Ran?" tanong ko kay Keith.
"Hindi ko alam basta na lang siyang tumakbo paalis kanina."sagot nito.
Pagpasok ko kasi kanina ay napansin kong nagkakaguluhan ang mga estudyante kaya, tinanong ko iyong isang lalake.
"Bakit anong nangyayari?"
"May bampira raw kasi na nag-aaral dito kaya, nagsilabasan lahat ng estudyante."
"Paano----"
"Pare! Nasa Einstein room daw iyong bampira na nag-aaral dito!" sabi nung lalakeng lumapit sa kausap ko.
"Ano na kasi pangalan, Ran yata."pagkarinig ko iyon ay agad akong tumakbo papunta sa classroom pero, hindi ko nakita si Ran kundi si Keith ang nadatnan ko doon.
"Umamin na siya na bampira siya, Atoz."sabi ni Keith.
"Pero, bakit?"
"May mga nabasa kasi iyong mga estudyante sa page ng school na may nag-aaral daw dito na isang bampira at, may isang lalake kasing lumapit kay Ran para tanungin siya kung siya nga iyong bampira."kwento nito.
Napasuntok naman ako sa upuan na nasa tabi ko.
"Sino raw nag-post nun?" galit na tanong ko.
Napakunot naman ako sa sagot ni Keith.
"Yung kapatid mo."
"Huh? Paanong si Hillary?" tanong ko.
"Isa kasi ang kapatid mo sa mga kasama ko sa isang newspaper ng school kung saan kami ang gumagawa ng article at doon, naglalagay kami ng sarili naming mga codename. At, ang kapatid mo ang kilala kong may ari ng codename na nag post sa page ng school."
"Paano ka nakakasiguradong siya ngayon? Paano kung ginaya lang nila o di kaya nagkataon lang na kaparehas ng codename ng kapatid ko iyong nag post, diba?" ani ko.
"Sigurado ako, Atoz dahil isa sa mga nakahawak ng page ng school ay ang pinsan ko kung saan si-nend nito sa akin kanina lang kung sino ang nagpadala ng message na iyon sa page."sabi nito at nilabas nito ang cellphone niya at may pinakitang litrato.
"Bwisit! Paano niya nalaman na bampira si, Ran?" naiinis kong saad.
Saan nakuha ng kapatid ko ang ideya na iyon?
"Shit!"bulong ko.
May kung anong pumasok sa isip ko.
Naalala ko na.
Yung araw na iyon na galing akong palengke, binigay ko sa kapatid ko yung bag ko at, hindi ko naalala na nandoon pala iyong kahon na naglalaman ng sulat ni Ran.
Kaya, posibleng nakita nito at nabasa kung ano iyong nasa loob nito.
"Keith," tawag ko sa kasama ko. "Hanapin mo si Ran at ako naman ang hahanap sa kapatid ko."sabi ko sa kanya at lumabas na ng klase.
![](https://img.wattpad.com/cover/149603761-288-k994117.jpg)
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampireIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...