DANGER
Ran
To: Atoz
Alam kong may makikilala ka rin na babae na kayang suklian iyang pagmamahal mo at, alam kong mamahalin mo siya ng higit pa kaysa sa pagmamahal mo sa akin ngayon.
Sorry.
Sorry for everything.
Siguro, hindi lang talaga tayo para sa isa't isa.
Habang nagtitipa ako sa cellphone ko ay umaagos ang mga luha ko.
Sorry Atoz.
Ito lang ang alam kong paraan para maiwas ka sa gulo at para hindi ka na masaktan dahil lang sa akin.
Napatingin naman ako sa cellphone ko ng tumunog ito.
From: Atoz.
Sa tingin ko we're meant for each other. Nakatadhana tayo. Pero syempre, may sarili tayong isip para magdesisyon. Pinili mong sumuko. Kaya ngayon, hindi na tayo para sa isa't isa.
*beep beep!
Napatingin muli ako sa cellphone ko.
From: Atoz
Sabi ko sa sarili ko noon, kahit anong mangyari ipaglalaban kita. Kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang mawala ka. Pero, wala nakakapagod din pala na ipaglaban ang taong walang ginawa kundi pakawalan ka.
Hayaan mo, hindi na kita kukulitan pa. Simula sa araw na 'to, kakalimutan na kita. Kakalimutan na kita gaya ng sinabi mo. Kakalimutan kong may minahal ako kagaya mo. Paalam Ran.
Napahagulgol ako sa nabasa ko.
Lahat ng ala-ala namin ni Atoz na magkasama ay naalala ko. Kung paano kami nagkakilala, naging magkaibigan, nagtapat ng nararamdaman namin sa isa't isa hanggang sa nagkasakitan.
"Excuse me,"
"Ako? Bakit?"
"Alam mo ba iyong room na 'to? Kanina ko pa kasi hinahanap eh, pero hindi ko mahanapan."
"Ah, alam ko iyan. Room ko iyan eh. Tara?"
"Sige."
-----
"Ano iyang nasa buhok mo?"
"Ito ba?"
"May nang-iwan kasi sa locker ko kanina kaya sinuot ko."
"Bagay sayo."
-----
"Gusto kita."
"Hindi ko alam kung kailan nagsimula at kung paano pero, Ran gusto kita."
"A-atoz..."
"Huwag kang mag-alala hindi naman kita pipilitin na gustuhin din ako. Ang gusto ko lang, malaman mo na gusto kita, na may nararamdaman ako para sayo."
-----
"Ran,"
"Mahal na mahal, kita."
"Atoz, hindi lang ako ang babae sa mundo,"
"Mahal na mahal din kita, Atoz at mamahalin pa rin kita kahit magkalayo na tayo."
"A-anong ibig mong sabihin?"
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampireIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...
![She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]](https://img.wattpad.com/cover/149603761-64-k994117.jpg)