SHE IS A VAMPIRE (24)

261 3 0
                                    

WE MEET AGAIN

Ran

"Ran, wala ka na bang balak bumalik sa lugar na iyon?" tanong sa akin ni Perzeus habang nasa dalampasigan kami at tinitignan ang papalubog na araw.

Dalawang buwan na rin pala ang nakalipas simula ng dalhin ako ni Perzeus dito sa Vampire Island.

"Alam mo bang miss na miss ka na ng papa mo?" sabi nito. "Lagi ka niyang tinatanong sa akin tuwing binibisita ko siya. Alam mo bang sobrang lungkot niya simula ng umalis ka sa bahay niyo?"

Napabuntong hininga naman ako.

"Gusto ko na rin namang bumalik Perzeus pero, naisip ko may babalikan pa kaya ako?" tanong ko. "Kung babalik ba ako may mababalikan pa kaya akong mga kaibigan ko?" tanong ko at hinarap siya.

Tinapik naman nito ang balikat ko.

"Kung wala ka ng mababalikan pa, nandito pa rin naman ako bilang kaibigan mo. Kaso, bampira nga lang hindi ako tao."natatawang saad nito.

Napatawa naman ako ng mahina sa sinabi nito.

Keith, naaalala mo pa rin kaya ako?

Ikaw kaya Atoz, kamusta ka na?sabi ng isip ko.

°°°°°°°°°°

Kinaumagahan.

"Salamat po sa pag-aalaga at pagtanggap sa akin."sabi ko kay Krisana.

"Wala iyon, kahit kailan pwede kayong bumalik dito kung gugustuhin niyo."nakangiting sabi nito.

"Sige po tutuloy na po kami."paalam ko sa kanya at nagsimula ng maglakad palabas ng bahay kasama si Perzeus.

"Kung talagang mahal ka niya iintindihin ka niya at tatanggapin kahit isa ka pang bampira."napatigil naman ako sa paglalakad at napalingon kay Alex, ang tatay ni Perzeus.

"Magtiwala ka sa akin, tatanggapin ka rin niya. Hindi pa man sa ngayon pero, balang araw."dagdag pa nito.

Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Alex bago kami tuluyang umalis.

Nagbangka kami ni Perzeus pabalik dahil, ayoko namang buhatin na naman niya ako kasi baka asarin na naman niya akong mataba ako.

"Ran, talaga bang buo na ang desisyon mong bumalik?" tanong nito. "Pwede pa naman tayong bumalik sa Vampire Island kung gusto mo."

Napatawa naman ako sa sinabi nito.

"Oo naman! Buo na ang desisyon kong bumalik."sabi ko sa kanya.

°°°°°°°°°°

"Anak, buti umuwi ka----"

"Wahhh~ pamangkin!" nagulat ako ng biglang sumulpot si uncle Tommy sa harap ko. "Saan ka ba nag pupupunta? Alam mo bang miss ka na ng mga tao sa bar?" umiiyak na sabi nito at tsaka niya ako niyakap.

"Pwede ba uncle huwag kang OA! Dalawang buwan lang ako nawala hindi isang taon."sabi ko sa kanya at kumawala sa yakap nito.

"Pa,"tawag ko kay papa." Namiss po kita."sabi ko at tsaka ko siya nilapitan at niyakap.

"Na miss din kita anak,"sabi nito at tsaka niya ako niyakap pabalik.

"Pa, sorry po kung hindi po ako nagpaalam sa inyo na aalis ako."iyak ko."Sorry po talaga."

"Ano ka ba, naiintindihan naman kita kaya mo nagawa iyon eh. Basta sa susunod magpaalam ka sa akin para hindi ako nag-alala sayo."sabi nito at pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko.

Habang nasa sala kami at nag kwe-kwentuhan ay may tinanong si uncle Tommy sa akin.

"Pamangkin! Bakit ka pala umalis ng walang paalam?"tanong nito."Siguro, may tinataguan ka no?"

"Wala."

"Meron."tinignan ko naman si Perzeus ng masama.

"He-he-he.... Wala pala."sabi nito sabay kamot sa batok niya.

"Simula pala nung nawala ka, Ran laging may pumupunta dito sa bahay para tanungin kung bumalik ka na ba."napatingin naman ako kay papa.

"Lalake po ba?" tanong ko. "Baka si Atoz."sabi ko sa kanya.

"Hindi siya lalake."sabi nito.

Huh?

Kung hindi si Atoz sino?

"Ah! Naalala ko na pangalan niya."

"Ano?" tanong ko.

"Keith."

"Si Keith?"bulong ko.

°°°°°°°°°°

Nang magtatakip silim na ay inutusan naman ako ni papa na pumuntang bayan para mamili.

"Balik ka din, ah?" sabi nito nang nasa pintuan na ako palabas ng bahay.

"Oo naman po."

"Baka kasi mamaya umalis ka na naman ng walang paalam eh."

"Hindi na po mangyayari iyon!" sabi ko at tumawa. "Sige, alis na po ako."

"Ang tagal ko ding hindi nasakyan 'to."tukoy ko sa bisikletang gamit ko ngayon.

Habang nagbibisikleta ako ay napatingin ako sa papalubog na araw.

Bagong araw na naman ang haharapin ko bukas.sabi ng isip ko.

Nang makarating ako sa bayan ay agad kong hinanap ang bilihan ng mga karne.

"Saan na kaya iyong bilihan ng mga karne?"bulong ko at napapatingin sa mga nakahilera na mga nagtitinda.

"Ran!"habang naglalakad ako ay nagulat ako sa yumakap sa akin kaya nabitawan ko ang hawak kong bisikleta dahilan para bumagsak ito sa sahig.

"Sabi ko na nga ba ikaw iyan eh!"sabi nito habang yakap-yakap pa rin niya ako.

Agad ko naman siyang tinulak palayo sa akin.

"Manya---Atoz?!"

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon