SHE'S A VAMPIRE (3)

702 25 1
                                    

NEWS

Ran

"Nakakainis talaga iyong lalakeng yun! Bakit ba kasi siya nasa bahay?"sabi ko sa sarili ko habang papasok sa gate ng school.

"Mabuti at hindi ka late ngayon bata?"napatingin naman ako sa guard.

"Ah, opo may bwisita kasi sa bahay kaya maaga akong pumasok."sagot ko kay kuyang guard.

Pagpasok ko sa loob ng campus wala pang masyadong mga estudyante kaya, naisipan ko munang pumunta sa canteen para kumain dahil hindi pa ako nakakapag-almusal dahil sa pagmamadali kong pumasok.

Habang nasa counter ako at tumitingin ng o-order-in kong kakainin ay narinig ko ang dalawang nagtitinda sa may canteen na nagkwe-kwentuhan.

"Napanood mo ba iyong balita kaninang umaga?" tanong ng isang nagtitinda.

"Iyong tungkol ba sa mga bampira ang tinutukoy mo?"tanong naman ng isa."Ah, oo. Napanood ko iyon! Salot talaga iyang mga bampirang iyan! Bakit ba naman kasi nandito sila sa mundo natin?"

"May makita lang talaga ako sa kanila, haist! Talagang tatagain ko sila sa leeg."banta ng isang nagtitinda na may hawak na kutsilyo.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang hindi ko kayang marinig ang pinagkwe-kwentuhan nila. Paalis na sana ako ng bigla akong nakita ng isa sa mga nagtitinda.

"Ano iyon, neng? Lugaw? Sorry pero mamaya pa kasi hindi pa luto. Niluluto ko pa lang. "sabi nito at lumapit sa akin.

Napatingin naman ako sa hawak niyang kutsilyo. Naalala ko tuloy iyong sinabi niyang tatagain niya ang isa sa amin kapag makita niya kami.

"A-ah, w-w-wala-w-wala. "sagot ko sa kanya at dali-dali akong pumunta sa classroom.

Napa-upo naman agad ako sa silya sa sobrang kaba at nangangatog na mga tuhod ko.

Buong klase ay nakatulala lang ako dahil sa mga narinig ko kanina sa canteen kaya naman, nung lunch na hindi na ako lumabas pa sa classroom at naupo na lamang doon.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at minamasdan ang mga ibon na lumilipad.

"Buti pa sila, malayang lumilipad sa kalangitan at naglalakbay saan man nila gusto."sambit ko.

"Alam ko na! Para malaman natin kung tao ba o bampira ang nakakasalamuha natin dito sa classroom at sa labas, magsuot tayong lahat ng rosaryo! Sa nabasa ko kasi, takot ang mga bampira sa mga bagay na may krus."napatingin naman ako sa ka-klase kong nagbanggit ng kung ano-ano.

Anong ibig niyang sabihin?

Takot ang mga bampira sa krus? Eh, bakit nakakapagsuot ako ng rosaryo?

Napatingin tuloy ako sa kwintas na nakasabit sa leeg ko, isang kwintas na may isang maliit na krus.

"Nakakainis talaga iyang mga bampira na iyan! Nag-aanyong tao pa sila kaya hindi natin alam kung isa dito sa klaseng ito ay may bampira rin."dagdag pa ng isa kong ka-klase.

"Hindi niyo ba alam? Kaya nag-aanyong tao sila ay, para may maging kaibigan sila, at sa huli papatayin nila ito dahil iinumin nila ang dugo nito."komento pa ng isa kong ka-klase.

"Waaahhhh~ ayoko na! Dapat talaga mawala na iyang mga salot na nilalang na iyan eh!"

"Huhuhu....mommy~ ayoko pang mamatay."

"Makita ko lang sila, tatanggalan ko talaga sila isa-isa ng pangil!"

Napayuko na lamang ako sa mga naririnig ko.

Hindi naman totoo lahat ng binanggit nila tungkol sa amin eh.

Hindi kami mamamatay tao. At higit sa lahat, hindi kami umiinom ng dugo ng tao. Ang gusto lang namin ay mabuhay ng normal, walang pangungutya, at malayo sa diskriminasyon. Gusto lang naman naming maramdaman kung paano mabuhay ng normal, iyong may minamahal ka at may nagmamahal sa 'yo.

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon