SHE IS A VAMPIRE (34)

223 2 0
                                    

POISON

Keith

"Tito, dalhin na kaya natin si Ran sa hospital?" tanong ko sa papa ni Ran.

"Hindi pwede. Pag p-piyestahan lang nila ang katawan niya doon."

Nang mahanapan ko kasi si Ran kanina ay nakita ko siyang nakahandusay sa sahig kaya agad kong tinawag ang papa niya para buhatin siya at dalhin sa bahay nila.

"Tito, wala bang paraan para magamot iyang sugat ni Ran? Kanina pa iyan dumudugo, ah."sabi ko.

"Maghihilom din iyan hintayin lang natin."sagot naman ng papa nito.

Naghintay pa kami ng ilang minuto pero, hindi pa rin naghihilom ang sugat ni Ran at nagsisimula ng mamutla ang labi nito at pagpawisan ng buo sa mukha si Ran.

"T-tito!" tawag ko kay tito Vincent ang papa ni Ran na nasa labas ng kwarto.

"O, bakit?" tanong nito matapos makalapit sa amin.

"Tito, tignan mo ano ng nangyayari kay Ran?" nag-aalalang saad ko.

Lumapit naman si tito sa puwesto ni Ran at hinawakan ang noo nito.

"Inaapoy siya ng lagnat,"sabi nito at tinignan din ni tito ang sugat ni Ran.

Napatakip naman ako sa bunganga ko sa nakita ko.

Iyong sugat ni Ran.

Hindi mo mawari kung ano iyon dahil sobrang namamaga ito na may namumuong nana.

"Bakit ganito?!" bulalas ni tito Vincent.

"Keith, pakitawagan naman ang uncle Tommy niya,"sabi ni tito."Nasa sala iyong telepono."

Tumango naman ako at agad na pumunta sa sala nila at tinawagan ang uncle ni Ran.

Nakatatlong ring muna bago niya ito sinagot.

"Hell----"

"Uncle po ba ito ni Ran?" agad na saad ko.

"Bakit?"

"Tito, may nangyari po kay Ran at kailangan po kayo dito sa bahay nila."sambit ko.

"Sige, papunta na ako."

Nang matapos kong makausap ang tito ni Ran ay bumalik ulit ako sa kwarto niya.

"Tito, papunta na raw po dito si tito Tommy."sabi ko at umupo sa tabi niya.

Habang hinihintay namin ang uncle ni Ran ay nag kuwento muna si tito Vincent.

"Alam mo Keith, iyang si Ran walang ibang ginawa iyan kundi mamuhay ng isang normal kagaya nating mga tao."napatingin naman ako kay tito Vincent.

"Araw-araw hindi mo siya makikitaan ng isang bahid ng lungkot sa mukha dahil, masiyahin siya. Lagi siyang nakangiti kaya, kahit ikaw na nakakasalubong niya mapapangiti sa ngiti niya. Alam mo bang ngayong taon lang na ito na nagkaroon siya ng kaibigan?" lingon sa akin ni tito.

Napa iling naman ako.

"Alam mo bang bukambibig niya kayo ni Atoz bago paalis at pauwi ng bahay? Sobrang saya ko para sa kanya noon dahil nagkaroon na rin siya ng tinatawag niyang human bestfriends daw kasi, si Perzeus lang ang kaibigan niya noon pa at isa ring bampira,"kwento nito.

Nakikinig lang ako sa kanya.

"Tuwing nakikita ko nga siyang malungkot nalulungkot din ako. Lalo, na nung araw na nalaman niyo raw na bampira siya. Halos hindi na siya kumain at lumabas ng kwarto niya dahil, sa tingin niya kamumuhian niyo siya at ipagtatabuyan. Nasasaktan ako dahil sa kalagayan niya, Keith. Kung may paraan lang para mabawasan ang sakit na iyon, gagawa talaga ako ng paraan para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya."sabi ni tito.

"Kaya, sana huwag mo siyang iiwan Keith dahil, kayo lang ang pinagkakapitan niya ng lakas ng loob para mabuhay sa mundong ito."sabi ni tito.

Ganun pala ang nararamdaman ni Ran tuwing may nakakaalam kung ano talaga siya.

Napatingin naman kami sa pintuan ng kwarto ni Ran ng may isang lalakeng hingal na hingal na nakatayo doon.

"Bakit anong nangyari sa pamangkin ko?" tanong nito sa bawat paghinga niya.

Siya siguro iyong tito ni Ran.

"Tignan mo siya Tommy."sabi ni tito Vincent pagkapasok nung Tommy ang pangalan.

"Sinong gumawa sa kanya nito?"tanong ni tito Tommy.

"May mga taong bayan po kasi na sumugod kanina dito at gustong kunin si Ran."saad ko.

"At sino ka naman?" tanong nito sa akin at tinaasan ng isang kilay.

"Kaibigan po ako ni Ran."sagit ko.

"Keith? Tama ba?"

Tumango naman ako.

Hinarap muli ni tito Tommy si Ran at tinaas ang damit nito hanggang sa tiyan.

"Akala ko ba Tommy, naghihilom agad ang sugat niyong mga bampira?" tanong ni tito Vincent.

"Oo,"sagot nito." Pero, iba itong kalagayan ni Ran."

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko.

"Hindi lang siya basta sugat kundi nalason si Ran."

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon