SHE IS A VAMPIRE (16)

363 12 0
                                    

I LIKE YOU

Ran

Pagpasok ko sa school kinaumagahan lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa akin.

"Problema ng mga 'to?" bulong ko.

Habang naglalakad ako ay may narinig akong dalawang nag-uusap na estudyante.

"Diba, siya yung nasa video?" bulong nung isang estudyante.

"Oo, siya nga! Ang galing niyang kumanta diba?" sabi naman ng kasama nito.

Nagulat naman ako sa narinig ko.

Anong video ang pinagsasabi nila?

Nagulat ako ng bigla silang lumapit sa akin.

"Hi!" sabay na bati nila sa akin at abot tenga ang ngiti.

"H-hello?" sagot ko naman sa kanila.

"Ate, diba ikaw itong nasa video? Omg! Ang galing-galing mo pong kumanta."hiyaw ng babaeng maiksi ang buhok.

Tinignan ko naman yung cellphone na hawak nito na may video raw ako.

0_0

"Bakit? Bakit meron kayo nito?" tanong ko sa kanila.

Ngumiti naman ng napakatamis yung babaeng maiksi ang buhok, "Galing sa kuya ko po kasi iyan. Nakuha niya nung pumunta siya sa isang bar kagabi."sabi nito.

Napasapo na lang ako sa mukha ko. Kaya ba, ganyan sila makatingin kaninang pagpasok ko dahil sa video ko? Nakakahiya.

Matapos ang pag-uusap namin nila Hillary at Jillian yung dalawang junior high na lumapit sa akin kanina tungkol sa video ko ay pumunta na agad ako sa classroom namin.

Pagpasok ko sa klase ay nakatingin lahat sila sa akin.

"Hi?" bati ko sa kanila.

"Omg! Singer ka pala?!"

"Girlll~ sample nga! Kanta ka ulit dito."

"Rannnnn~ simula ngayon isa na ako sa mga taga-hanga mo."

Halos lumuwa yung dalawang mata ko ng bigla silang nagsisigaw at nagsilapit sa akin.

"He-he-he....."yun na lang ang na isagot ko sa kanila.

"Ran,"napalingon naman ako sa tumawag sa akin.

"Ay, dadaan ka ba? Sorry kung humarang kami sa daraanan mo."sabi ko sa kanya bago ako, kami nagpagilid.

"Okay lang. May sasabihin pala ako sayo."pagkasabi niya nun ay hinila niya ako sa mga kaklase kong pinagkakaguluhan ako.

"Oy! Abcde sandali kausap pa namin si Ran!" sigaw ng isa kong kaklase

"Sa akin muna siya, babalik ko rin siya sa inyo."sabi nito at kinindatan yung classmate ko.

"Kyaaahhh! Kinindatan ako ni Abcde! Waahhhh! Mahihimatay na ako guys! Saluhin niyo ako!" rinig ko pang sigaw nito.

Dinala ako ni Atoz sa canteen.

"Ano palang sasabihin mo?" tanong ko sa kanya ng nasa canteen na kami

"Gusto kita."sabi nito."Hindi ko alam kung kailan nagsimula at kung paano pero, Ran gusto kita."sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko.

"A-atoz..." bulong ko.

"Huwag kang mag-alala hindi naman kita pipilitin na gustuhin mo rin ako. Ang gusto ko lang, malaman mo na gusto kita, na may nararamdaman ako para sa'yo."sabi nito at nginitian ako.

Nakatingin lang ako sa kanya. Wala akong masabi. Nakaka-pipi siya, lalo na iyong mga binitawan niyang mga salita.

"Alam mo Atoz-----" natigilan ako sa sasabihin ko ng biglang tumunog yung school bell.

Tumayo na si Atoz sa kina-uupuan nito at nagsimula ng maglakad palayo. Pero, bago ito umalis ay may sinabi muna ito sa akin.

"Nga pala, ang ganda ng boses mo pag kumakanta ka."sabi nito at tuluyan ng umalis.

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon