HE AND SHE
Ran
"Waaaahhhhh~ late na ako sa school!"pagka-bangon ko sa kama nang makita ko sa wall clock kung anong oras na.
Bakit ba naman kasi nagpuyat ako kagabi kaya iyan tuloy mal-late na naman ako.
"Good morning, nak!"
"Morning papa! Sige alis na po ako. Ba-bye!"paalam ko sa kanya.
"Teka, hindi ka pa kumakain ah?" habol sa akin ni papa sa may gate.
"Salamat na lang dito sa pandesal papa." sabi ko sa kanya at kinuha sa kamay niya and hawak-hawak nitong pandesal."Male-late na kasi ako sa school eh. Sige po, ba-bye! Labyu!"paalam ko sa kanya at sumakay na ako sa bike ko.
Mga thirty minutes ko lang naman na bina-bike iyong papuntang school kaya sigurado akong hindi pa ako masasarhan ng gate.
Nasa may isang kanto na ako malapit sa school ng makita kong sinasara na ni kuyang guard iyong gate.
"Kuyaaaaa~ sandaliiiiiii!!!!!"
*screechhhhh!!!!
"A-a-aray-aray! Kuya iyong paa ko!" sigaw ko.
0_0 -guard
"Ikaw na naman?! Bakit lagi ka na lang late?"bulyaw sa akin ng guard.
"He-he-he....sorry po." sabi ko at nag-peace sign sa kanya.
Binuksan naman niya iyong gate kaya nakapasok na ako.
"Salamat po! Sana tumagal pa po kayo sa serbiyong ito!"nakangiting saad ko sa kanya.
Umiiling-iling lang siya."Ikaw talagang bata ka, pumunta ka na nga sa klase mo!"
Pagpunta ko sa klase ko ay may isang lalake akong nakasalubong sa may corridor.
"Excuse me,"tawag nito sa akin.
"Ako? Bakit?"
"Alam mo ba iyong room na 'to? Kanina ko pa kasi hinahanap eh, pero hindi ko mahanapan." sabi nito at kinamot ang batok nito.
Aw. Ang cute niya.
"Ah, alam ko iyan. Room ko iyan eh. Tara?"sabi ko.
"Sige."
Habang naglalakad kami panay ang lingon ko sa kanya at napansin kong parang ngayon ko lang siya nakita.
"Parang ngayon lang kita nakita, bago ka?"tanong ko.
Tumango lang siya.
Sabi ko na nga ba eh. Iba kasi iyong itsura at pormahan niya kumpara sa mga lalake dito kaya napansin ko agad siya.
"Nandito na tayo." sabi ko sa kanya nang nasa harap na kami ng classroom.
Pagbukas namin ng classroom ay nandoon na si Mrs. Marquez at nag-c-check na ng attendance.
"Kim, Ranya?"
"P-present!"sagot ko.
-_- -Mrs. Marquez.
"You! You're late again!" bulyaw nito sa akin at lumapit sa may pintuan kung saan nakatayo pa rin ako kasama ang lalakeng nakasalubong ko kani-kanina lang."Pumunta ka ngayon sa library at ayusin mo lahat ng mga nagkalat na libro doon. Now!"sigaw nito sa akin.
"Pero ma'am----"
"Walang pero-pero! Sige na!" sigaw nito sa akin at pinanlakihan ako ng mata.
Tumalikod naman na ako at nagsimula ng maglakad papunta sa library ng pinigilan ako ng lalakeng kasama mo.
"Sandali lang."hawak nito sa may pulsuan ko.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Hindi naman siya sumagot at tinignan si Mrs. Marquez at nagsalita.
"Excuse me ma'am, baka pwedeng papasukin niyo muna siya? Oras po ng klase ngayon at hindi oras para maglinis." sabi nito.
Napataas naman ng kilay si Mrs. Marquez sa sinabi ng lalakeng katabi ko.
"At sino ka naman?" pagtataray nito.
"I'm Abcde Xyz Jerusalem transfer student."pagpapakilala ng katabi ko."Hindi ko alam na sa unang araw ko dito ay ito ang masasaksihan ko." umiiling-iling na saad nung Abcde raw ang pangalan.
"Oh! Ikaw pala iyong transfer student? Come here! Come inside."sabi nito at binigyan kami ng daan papasok sa classroom."Okay, attention everyone!" sigaw ni Mrs. Marquez kaya umupo ng maayos ang mga kaklase ko.
Napapa-iling na lang ako.
"Ang bilis talagang magbago ng mood ang mga tao." bulong ko.
°°°°°°°°°°
"Tulungan na kita."napatingin naman ako sa nagsalita.
"Oh! Ikaw pala. Hindi na, kaya ko na ito!"sabi ko kay Abcde.
Nandito kasi ako ngayon sa library at inaayos iyong mga librong nagkalat.
"Kanina kapa kaya dito. Kaya akin na iyang iba at ako na mag-aayos." agaw nito sa librong hawak ko.
Napailing na lang ako.
Habang nag-aayos kami ng libro ay naisipan kong tanungin siya kung bakit lumipat siya ng school.
"Oy, bakit ka nga pala lumipat ng school?" tanong ko.
"Bakit nga ba?" sabi nito at kunwari'y nag-iisip.
"Psh! Dali na! Pabebe 'to!" sabi ko sa kanya at ibinato sa kanya iyong encyclopedia na hawak-hawak ko.
"Oo na!"sigaw nito." Ang amazona mo."natatawang saad nito at pinulot iyong ibinato ko sa kanyang encyclopedia.
"Ano na?"naiinip kong tanong.
"May hinahanap kasi ako."sabi nito at tumingin sa akin ng napakaseryoso.
"Sino naman iyong hinahanap mo? Si Miss Right mo-----"
"Isang bampira."
Parang may kung anong bagay ang bumara sa lalamunan ko nang marinig ko ang salitang bampira.
"Hahaha....joke lang! Bulok kasi iyong sistema ng school na pinapasukan ko kaya lumipat ako."natatawang saad nito at napatingin sa akin."Hoy, Ran! Okay ka lang? Takot ka ba sa bampira?" tanong nito sa akin at lumapit."Joke ko lang naman iyon! Tsaka hindi naman talaga nag-e-exist iyong mga iyon eh, nasa 21st century na kaya tayo kaya wala na iyang mga bampira-bampira na iyan. Hindi naman totoo iyon eh. Gawa-gawa lang nila."dagdag nito.
Anong hindi nag-e-exist? Isa nga ako sa mga bampirang nabubuhay pa!
"A-ah, oo! Tama ka!"iyon na lang ang naisagot ko kay Abcde.
Tuwing naririnig ko kasi sa mga tao ang tungkol sa aming mga bampira ay parang nanghihina ako. Nangangatog ang mga tuhod ko, ang buong katawan ko. Kaya naman hindi ko nagustuhan ang dating ng biro ni Abcde sa akin.
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampiriIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...