"Kuya, gising na! Male-late tayo sa bagong school natin, oh!" sigaw ni Hillary sa kuya nitong nakahiga pa rin sa kama at mahimbing na natutulog.
"15 minutes," sagot ni Atoz sa kapatid niya at hinila ang kumot na tinanggal ni Hillary kanina.
"Bahala ka! Huwag mo akong sisisihin kung ma-late ka."sabi ng kapatid nito at nagmartsa na palabas ng kwarto nito.
Inis naman na napabangon sa kama niya si Atoz ng pabagsak na sinara ni Hillary ang pintuan ng kwarto niya.
Dumeretso naman agad ito sa banyo para maghilamos.
"Anong klaseng panaginip iyon?" tanong nito sa sarili habang nakatingin sa salamin at nakahawak siya sa sink ng lababo. "Parang totoo."
Kaninang mga alas tres kasi ng madaling araw ay nagising si Atoz mula sa panaginip niya at naramdaman nitong umiiyak siya.
Nang matapos maligo ni Atoz ay bumaba na siya para kumain.
"O, Abe bantayan mo ang kapatid mo sa Dominican College baka mamaya mabalitaan ko na lang na may boyfriend siya."sabi sa kanya ng papa nito.
"Pa! Malaki na ako. Hindi ko na kailangan si kuya para bantayan ako."naka-simangot na saad ni Hillary.
"O, siya sige na pumasok na kayo. Unang araw niyo pa naman sa bagong school niyo."sabi ng papa nila at saka sila hinatid sa labas ng pintuan kung saan nandoon ang kotse nila at ang pinagkakatiwalaan nilang driver.
"Sige po pa, alis na po kami."paalam ni Atoz sa papa nila bago sila pumasok sa kotse.
Habang nakasakay si Atoz sa kotse nila ay naalala na naman nito ang napanaginipan niya kanina.
Sa panaginip niya ay umiiyak daw siya at laging sinasambit ang pangalan ng isang babae. Kaya kaninang madaling araw ay nagising siyang umiiyak.
Nakatingin lang si Atoz sa labas ng bintana ng kotse ng may mahagip ang mga mata nito.
"I-iyon iyong.....hindi hindi," umiiling na saad nito.
May nakita kasi si Atoz na isang babaeng naka-bisekleta at kamukha nito ang babaeng nasa panaginip niya.
Ilang minuto pa ang lumipas nang makarating sila sa bagong school nila ng kapatid niya
"Salamat, kuya Boyet,"sabi nito sa driver bago siya lumabas sa kotse.
Habang papasok sila ng kapatid niya sa gate ng Dominican College ay nagpaalam si Hillary sa kanya.
" Kuya, hanapin ko lang mga friends ko."
Tumango lang si Atoz bilang sagot.
Nang nasa loob na siya ng campus ay sobrang dami ng estudyante.
May mga nagkwe-kwentuhan, nagtatawagan, at isa sa mga nahagip ng mata nito ay ang isang banda na nasa gitna ng campus kung saan tumutugtog sila at madaming taong nanonood sa kanila.
First day of school ngayon kaya may mga bandang tumutugtog ngayon para i-welcome ang mga bagong estudyante at mga dati ng estudyante sa Dominican College.
Maglalakad na sana si Atoz paalis sa lugar na iyon para puntahan ang Principal's Office ng marinig niya ang boses na iyon.
🎵It's 2 AM but I'm still here, awake
Your beautiful face keeps flashing on my mind
I hear your voice and the way you say my name
It's like reality and make-believe combined🎵Napalingon siya sa babaeng nakatayo sa entablado na kumakanta.
🎵I recall the time when I sat right beside you
And you talked about how good your life has been
Whey your eyes met mine, my voice and hands started shaking
And everything I am starts caving in🎵Napalunok siya sa nakita niya.
🎵I feel like crashing, drifting
Sinking way too deep
I feel like flying, dreaming
Even though I'm not asleep
And I pray to God to give me strength
‘Cause your beauty makes me weak
But I'm not lying
I feel like crashing right into you🎵"Siya iyong babae na nasa panaginip ko,"bulong nito sa sarili.
Pina-panood lang ni Atoz iyong babae.
Habang nakatingin siya sa babaeng kumakanta ay naalala niya iyong panaginip niya kanina.
Iyong kuwentuhan, iyakan at tawanan kasama ang babaeng nasa entablado ngayon.
🎵I feel like crashing, drifting
Sinking way too deep
I feel like flying, dreaming
Even though I'm not asleep
And I pray to God to give me strength
‘Cause your beauty makes me weak
But I'm not lying
Even though I'm hurting
I'll be here waiting
And I'll keep crashing right intoYou…🎵
Hanggang matapos kumanta iyong babae ay nakatingin lang sa kanya si Atoz hanggang sa pababa ito sa entablado.
Agad namang sinundan ni Atoz iyong babae nang makita nitong paalis na siya sa lugar na iyon.
Mabilis maglakad iyong babae kaya lakad–takbo ang ginawa ni Atoz para sundan siya.
"Hey!" tawag naman sa kanya ni Atoz ng makalapit siya sa babae.
Nagtatakang napatingin sa kanya iyong babae.
"Ah, a-ano..... Kasi," nahihiyang saad ni Atoz habang nakatingin sa kanya iyong babae.
"Hi?" patanong na saad nung babae sa kanya.
"Hello,"sagot naman nito habang nasa batok nito ang kanyang kamay.
"May itatanong ka ba?" tanong sa kanya nung babae. "Parang ngayon lang kasi kita nakita. Bago ka lang ba dito?"
Tumango naman si Atoz.
Hindi siya makagalaw ng maayos at makapagsalita dahil parang naging totoo iyong nasa panaginip niya.
Iyong babae na nasa panaginip niya kanina ngayon, nasa harap na niya at kinakausap siya.
"By the way, I'm Ranya Isabella Kim...," saad nito at inilahad ang kamay niya sa harap ni Atoz.
Tinignan na muna ni Atoz ang kamay ni Ran na nasa harap niya at saka ulit ito tumingin sa kanya bago niya ito tinanggap.
"I'm a Vampire."
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampirIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...