STRAY AWAY
Ran
Pag-uwi ko ng bahay ay agad kong nakita si papa sa may kusina at naghahanda ng hapunan.
Pagkatapos kasi yung insidente kanina ay nagmadaling umalis si Keith kaya, naman pati ako ay umuwi na rin. Alam kong nagulat siya sa mga pangyayaring nakita niya kaya umalis ito agad.
"Papa."tawag ko kay papa na abalang naghahanda ng pagkain.
"O, nandiyan ka na pala halika na kumain na tayo."sabi nito habang abala pa rin ito sa paghahanda ng pagkain at hindi ako nilingon.
"Papa!"naiiyak na tawag ko sa kanya.
"Ano? Halika na kumain----Ran? Anong nangyari sayo? Bakit ang daming dugo sa damit mo?" natatarantang saad ni papa at lumapit sa akin.
Umiyak lang ako.
"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni papa sa akin.
"Pa, may nakakaalam na."yakap ko kay papa.
"Huh? Sino? At paano?"sunod-sunod na tanong ni papa.
"Yung kaibigan kong tao."sagot ko."Pa, paano kung sabihin niya? Paano kung layuan niya ako? Paano kung kamuhian niya ako. Paano kung---"
"Anak! Kumalma ka," sabi ni papa at hinawakan ako sa mukha. "Kung sasabihin man niya sa iba na isa kang bampira huwag kang matakot. Kasama mo akong haharap sa kanila."sabi ni papa at pinunasan ang mga luhang tumulo sa mukha ko."Tahan na, nandito lang si papa para sayo."sabi nito at niyakap ako.
Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Naaalala ko yung nangyari kanina lalo na si Keith na sobrang takot na takot. At halos tumakbo siya palayo sa akin.
"R-r-ran, b-b-bampira ka?"
Napabuntong hininga ako.
"Keith."bulong ko.
Siguro, mas mabuting ako na lang ang lalayo sa kanya simula bukas.
"Good morning, nak!" masayang bati ni papa sa akin pagkalabas ko ng kwarto.
"Morning po."mahinang sagot ko.
"O, bakit ganyan ang mukha mo? Dahil ba iyan sa nangyari kagabi?" tanong ni papa. "Sabi ko naman sayo nak kasama mo ako kaya, huwag ka ng mag-alala pa."sabi ni papa.
Nginitian ko lang siya.
"Pa, punta na akong school. Doon na rin ako mag-a-almusal."paalam ko kay papa bago ako lumabas ng bahay.
"Pero, pinagluto....."may sinasabi pa yata si papa pero hindi ko na narinig pa.
Paglabas ko ng pintuan ay agad na nasilayan ko iyong bike ko sa tabi.
"Oo, nga pala sira ka."sabi ko sa bike ko."Maglalakad tuloy ako papuntang school."sabi ko at naglakad palabas ng gate sa bahay.
Malapit lang naman kasi yung paaralan ko dito sa bahay kaya pwedeng-pwede kong lakarin.
Habang naglalakad ako sa may gilid ng kalsada ay naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Ito kasi yung daan kung saan nabangga ako kagabi at nalaman ni Keith kung ano talaga ako.
Nang malapit na ako sa school ay may isang sasakyan ang dumaan sa tabi ko. Kaya naman napatingin ako dito.
"Kina, Keith iyon ah."bulong ko.
Nakita kong pinagbuksan siya ng driver niya ng pinto ng kotse bago ito lumabas. Agad naman akong tumalikod dahil baka makita niya ako.
Nang marinig kong umalis na yung sasakyan ni Keith ay agad akong napalingon sa gate kung pumasok na siya.
"Buti na lang pumasok na siya."sabi ko sa sarili ko at naglakad na papasok sa gate ng school.
Pero, nagulat ako ng biglang may humawak sa may pulsuan ko at hinila ako nang makapasok ako sa gate.
"Anong ginagawa mo?" pagsusungit ko sa kanya.
"Diba, friends na tayo? Kaya, sabay na tayong pumasok!" masayang sambit ni Keith.
Agad ko namang hinila ang kamay ko sa pagkakahawak nito sa akin.
"Hindi tayo magkaibigan at hindi mangyayari iyon. Kaya, kung gusto mong pumasok. Pumasok ka mag-isa mo!" pagkasabi ko iyon ay iniwan ko siya.
Nang paalis na ako kay Keith ay may isang kamay ang humila sa akin paharap sa kanya.
"Ano ba----"
"Anong nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan dati ah."tanong ni Atoz ."Dahil ba ito sa pag-amin ko sayo ng nararamdaman ko kaya ka nagkakaganyan?"tanong ulit ni Atoz.
Hinablot ko iyong kamay ko na nakahawak sa kanya.
"Pwede ba, kayong dalawa?"turo ko kay Atoz at Keith."Layu-layuan niyo ako ah, ayaw ko ng makita iyang mga pagmumukha niyo! At tsaka, ikaw?" turo ko kay Atoz. "Hindi kita gusto! Kaya, bakit naman sana ako maaapektuhan sa pag-amin mo sa akin."sabi ko at inirapan siya bago ako umalis sa harap niya.
Pagkatalikod ko, tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang mahulog.
*sniff
Nandito ako ngayon sa isang cubicle dito sa CR at umiiyak.
Hindi ko lubos maisip na magagawa ko ang bagay na iyon. Tinaboy ko yung mga taong mahal ko.
*sob
Pero, tama lang naman iyong ginawa ko diba? Itaboy sila, iwasan, layuan para, hindi nila malaman kung sino ako at kung ano talaga ako. Kasi, sa huli ako lang din ang masasaktan at hindi sila, pag nalaman nilang isa akong bampira. Kakamuhian nila ako. Ipagtataboy. Lalayuan at kukutsain.
Buong araw hindi ako pumasok sa klase at nasa bar lang ako ni uncle Tommy.
"Hoy! Wala ka bang balak na pumasok?" tanong ni uncle Tommy sa akin.
"Nasa bar mo po ako diba? Sa tingin mo uncle, may balak pa akong pumasok?"pagbabara ko kay uncle.
"Ewan ko sayo!" napapailing na lang si uncle. "May problema ka no? Kaya ka nandito." sabi ni uncle at lumingon ito sa akin.
"Psh. Pag pumunta akong bar may problema talaga agad?"
"Oo, ganun iyong mga tao eh. Nagpupunta sila dito pag may problema sila."sagot ni uncle.
"Hindi naman ako tao eh! Bampira ako. Bampira!" sigaw ko kay uncle.
"Hoy, tumahimik ka nga! Mamaya may makarinig sayo eh."awat sa akin ni uncle.
"Totoo naman eh. Bampira ako at hindi na mababago iyon. Bakit ba kasi, bampira ako uncle? Iyong tipong, lagi na lang akong nagtatago. Laging umiiwas at nilalayuan iyong mga taong mahalaga sa akin. Bakit, bakit nabuhay pa ako kung laging nagtatago naman ako at hindi ko makakasama yung mga taong mahalaga sa akin."nagulat ako ng yakapin ako ni uncle.
"Sshh. Tahan na, huwag ka ng umiyak."napalayo naman ako kay uncle.
"H-huh? A-ako umiiyak?"
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampirIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...