SHE IS A VAMPIRE (22)

269 2 0
                                    

I'M HUMAN

Ran

Pagdating namin ni Perzeus sa Vampire Island ay agad kaming inasikaso ng isang babae na nasa edad kuwarenta siguro.

"Ito, kumain na muna kayo."sabi nung babae at pinaghain kami ng isang basong sariwang dugo at karne.

"Salamat po."sabi ko sa kanya at nginitian.

"Salamat po mama."napatingin naman ako kay Perzeus at doon sa babae.

0_0

"Mama mo?!"gulat na tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang si Perzeus bilang sagot.

"Sige, maiwan ko muna kayo."paalam nito.

"Ma, sumabay ka na sa amin ni Ran para naman makilala niyo ang isa't isa."sabi ni Perzeus sa mama niya.

"O, siya kukuha lang ako ng pagkain ko."sabi nito bago umalis.

Napatingin naman ako sa mga pagkain na nakahanda.

"Bakit kukuha pa yung mama mo ng pagkain? Andami kaya nitong hinanda niya."sabi ko kay Perzeus.

Hindi nasagot ni Perzeus yung tanong ko ng bumalik na ang mama nito.

"Tara, kumain na tayo."sabi ng mama nito.

Napatingin naman ako sa kanya at sa hawak nitong plato.

May laman itong kanin at gulay.

"Tama ka ng iniisip. Tao ako."sabi nito sa akin.

"P-pero bakit kayo nandito?" tanong ko.

"May minahal kasi akong bampira kaya napadpad ako dito."paliwanag nito.

"Hindi kayo natakot? Nandiri o kinamuhian man lang siya ng malaman niyong bampira siya?" tanong ko sa kanya.

"Alam mo, Ran kung talagang mahal mo siya, dapat tanggap mo kung sino at kung ano pa man siya."sambit nito.

Napatingin naman ako kay Perzeus ng may sinabi ito.

"Si mama Krisana ang naging ina ko simula ng sumama siya kay ama. Kagaya lang din kita, Ran hindi man natin sila kadugo, pero nandiyan pa rin sila once na kailangan natin sila. Kagaya na lamang ng tinuturing mong ama, hindi man siya ang tunay mong ama pero nandiyan naman siya lagi sayo para protektahan ka."

Nang matapos kaming kumain ay hinatid naman ako ng mama ni Perzeus sa magiging kwarto ko.

"Salamat po."

"Kung may kailangan ka sabihin mo lang sa akin nasa kabilang kwarto lang ako."sabi nito bago siya umalis.

Habang nakahiga ako ay naisip ko iyong sinabi ng mama ni Perzeus.

"Kung talagang mahal mo siya, dapat tanggap mo kung sino at ano pa man siya."

Buti pa ang mama ni Perzeus tanggap niya na bampira ang minahal niya.

Si Atoz kaya?

°°°°°°°°°°

"O, ang aga mo namang nagising." napatingin ako sa mama ni Perzeus.

"Good morning po."bati ko sa kanya.

"Kwento sa akin ni Perzeus may napupusuhan ka raw na tao, pero bakit nilalayuan mo siya?"tanong nito habang nagtitimpla ito ng kape.

"Ayaw ko lang po kasing masaktan siya. Lalo pa't hindi kami pwede para sa isa't isa, tao siya bampira ako."napatingin naman ako kay Krisana nang tumawa ito ng mahina.

"Kayo hindi pwede sa isa't isa? Bakit ako, minahal ko naman ang papa ni Perzeus kahit isa siyang bampira?" sambit nito. "Ran, ikaw lang itong nag-iisip na hindi kayo pwedeng magmahalan dahil, sa tingin mo mali na magmahal ang isang bampirang kagaya mo sa isang tao."

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon