SHE'S DYING
Perzeus
Buhat-buhat ko ngayon si Ran habang pauwi kami sa bahay nila matapos siyang mawalan ng malay.
Mas binilisan ko pa ang pagtalon-talon ko sa mga gusali para madali akong makarating sa bahay nila dahil napansin kong namumutla na si Ran at nakita kong may dugo sa tagiliran niya nang makita ko siyang bumagsak sa sahig kanina.
Nang nasa harap kami ng bahay nila ay agad ko siyang pinasok sa loob nang may nagsalita sa likod ko.
"Sino ka? Bakit ka nakapasok sa pamamahay ko?"
Nilingon ko naman iyong nagsalita.
"Perzeus?"nagtatakang tanong nito."Akala ko ba nasa Vampire Island ka?"
"Mamaya na po ako magpapaliwanag tito, mas kailangan ni Ran na magamot."sabi ko sa kanya."Bigla po kasi siyang nawalan ng malay at saka namumutla po siya."
"Sige, dalhin mo siya sa kwarto niya at isusunod ko ang mga gamot na kailangan."sabi ni tito Vincent at saka siya pumunta sa kwarto nito.
Agad ko namang sinunod ang bilin nito na ilagay ko sa kwarto si Ran.
Nang pinahiga ko na siya sa kama nito ay tinaas ko ang damit nito para tignan kung malaki ba ang sugat nito.
"Bakit anong nangyari—"hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang pumasok si tito Vincent na may dala-dalang maliit na palanggana na may lamang tubig at bimpo na malinis. May hawak din siyang gamot. Hindi ko alam kung anong gamot iyon at kung para saan.
"Nung umalis ka Perzeus sinubukan ni Ran na sundan ka sa Vampire Island kaso sa pagsunod niya sayo ay may mga taong bayan na nakalaman kung ano siya kaya naman hindi namin inaasahan ang nangyari sa kanya. May sumaksak sa kanya. Hindi namin alam na ang ginamit palang kutsilyo para saksakin siya ay may lason kaya, hanggang ngayon ay hindi pa rin magaling si Ran at nasa katawan pa rin niya ang lason."kwento ni tito Vincent.
"Hindi po ba siya tinignan ni uncle Tommy?" tanong ko. "Nag gagamot naman po siya hindi ba?"
Umiling ito.
"Kahit anong gawin ng uncle Tommy mo hindi niya pa rin matanggal ang laso dahil sobrang lakas ito. Kaya naman pang pa-wala lang ng sakit ang kaya niyang ibigay kay Ran."sabi ni tito Vincent habang pinupunasan nito si Ran sa mukha.
Mabuti na lang at bumalik na muli ang kulay ni Ran at hindi gaya kanina na namumutla siya.
Habang nililinisan ni tito Vincent si Ran ay tinanong niya ako.
"Akala ko nasa Vampire Island ka ngayon?" tanong nito.
Umupo naman ako sa upuan malapit sa pinto bago nagsalita.
"Mahaba pong kwento."sagot ko.
"Akala ko ba may sakit ka? Bakit mukha ka namang okay sa kalagayan mo ngayon." sabi nito at tinignan ako.
Bumuga naman ako ng hangin.
"Sana nga po may sakit pa rin ako eh, pero hindi. Gumaling ako dahil may tumulong sa akin."sagot ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Pauwi ako noon sa Vampire Island nung araw na nagpaalam ako kay uncle Tommy na aalis na ako pabalik ng Vampire Island ng mawalan ako ng malay sa harap ng bar nito. Akala ko noon katapusan ko dahil nagdilim ang paningin at wala akong maramdaman pero, nagulat na lamang ako ng magising ako at humihinga pa ako."kwento ko sa kanya.
"Mabuti naman kung ganon."sabi nito at nilalagyan na nito ng gamot ang sugat ni Ran.
Habang naka-tingin ako kina tito at Ran ay napalingon naman ako sa babaeng pumasok sa kwarto.
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampireIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...