OFFER
Ran
0_0
*dugdug dugdug dugdug
"S-sino kaya iyon?" bulong ko.
Imposible namang si Perzeus iyon dahil kakaalis niya lang ng bahay at, kung pupunta man siya dito hindi siya dadaan sa gate kundi sa mga bintana na nakabukas lamang.
*ding dong!
Muli namang tumunog yung doorbell. Wala naman akong kakilala na pinagsabihan ko kung saan ako nakatira kaya imposibleng isa sa mga kaklase ko ang nasa labas.
Lumabas naman ako ng bahay dala-dala ang isang frying pan para kung susugod iyong nasa labas eh may panghampas ako sa kanya.
Nang nasa gate na ako ay dahan-dahan kong binuksan ito.
"Omygod! Ranya long time no see!"
"Waahhh~ papa tulong rape! Rape!"sigaw ko ng biglang may yumakap sa akin.
"Hoy! Anong rape ka diyan?"sabi ni......
"Uncle Tommy?!"tanong ko sa lalakeng yumakap sa akin.
"No other than sweetie."nakangiting sabi nito.
Pumasok naman kami sa loob ng bahay.
"Bakit ano iyang hawak-hawak mong kawali? Aanhin mo iyan?"tanong nito.
"Ah, ano uncle naghuhugas kasi ako."pagdadahilan ko."Katunayan nga patapos na ako ng dumating kayo."sabi ko na lang sa kanya.
Tumango lang naman ito.
"Bakit po pala kayo nandito uncle?"tanong ko muli sa kanya.
"Wala, binibisita lang kita. Bakit, bawal bang bisitahin ko ang kaisa-isang pamangkin ko?"
"Hindi naman po, nagtatanong lang."sabi ko sa kanya at napa-kamot ako sa batok ko.
Pagkapasok namin sa loob ng bahay ni uncle ay sakto namang lumabas si papa sa kwarto nito.
"O, Tommy meron ka pala."sabi ni papa sa kanya.
"Oo, hinahanap ko kasi si Ranya buti na lang at nahanapan ko rin itong bahay niya kasi, ang hirap hanapin yung amoy niya. Kaya nga ang tagal kong nakatayo sa harap ng bahay niyo kanina, nagmamasid kasi ako kung may tao o wala. Ay, bampira pala. Hahaha."natatawang saad ni uncle Tommy.
-_-
"Hahaha....pwede mo naman kasing tawagan si Ranya kung pupunta ka dito para sunduin ka na lang niya at para hindi kana mahirapang amoyin yung amoy niya papunta dito."sabi ni papa ng nasa sala na kaming tatlo.
Umupo muna si uncle Tommy sa sofa.
"Paano ako tatawag kung wala naman akong telepono? At tsaka hindi ko rin naman alam kung paano gamitin iyon."sagot ni uncle Tommy.
°°°°°°°°°°
Kinaumagahan nagulat ako kasi pagbangon ko sa kama ko ay nandoon si uncle Tommy na nakatayo sa tabi."Ay, pusang gala!"hiyaw ko.
"Good morning pamangkin! Ito, maligo kana at kumain pagkatapos mo dahil ihahatid kita sa school mo ngayon."sabi ni uncle Tommy at inabot sa akin ang tuwalya, mga sabon at damit ko."And wait! Nakalimutan kong sabihin, naka-ready na rin ang pampaligo mo kaya hindi mo na kailangang magpainit ng tubig dahil nalagyan ko na iyon kanina."sabi niya at kinindatan ako.
Weird. Kailan pa siya sinipag mag-painit ng tubig para sa pampaligo ko? Kaya naman napapailing na lang akong pumasok sa banyo.
"Ranya~ dito ka na maupo."alok ni uncle Tommy sa akin pagkaapak ko sa kusina."Ito, kainin mo itong hotdog ako nagprito niyan!"nakangiting sabi nito at pinaghila niya ako ng upuan.
Napatingin naman ako kay papa, 'anong meron?' I mouthed. Nagkibit balikat lang naman si papa bilang sagot.
Habang kumakain ako ay napa-pasulyap ako kay papa at uncle Tommy na nasa harap ko. Parang hindi kasi sila mapakali.
"Ito pa Ranya, kainin mo lahat iyan kasi luto ko iyan. Tsaka mamaya mag shopping tayo------"
"Teka nga uncle, parang may kakaiba sa mga kinikilos mo. May gusto ka bang sabihin?"tanong ko sa kanya.
"A-ako? W-wala ah! Na-miss lang talaga kita pamangkin."sabi nito at ngumiti na parang natatae.
"Psh, imposible malakas ang pang-amoy ko kaya sabihin niyo na uncle. Parang kanina, inihanda niyo yung panligo ko kahit alam ko naman na ayaw na ayaw niyong nag-papainit ng tubig. At isa pa, nagluto kayo ng hotdog? Diba takot kayo sa pag-pri-prito? Kaya alam kong may dahilan kayo o gustong sabihin sa akin kaya nagagawa niyo iyong mga bagay na iyon."sabi ko sa kanya.
"He-he-he....napansin mo pala iyon?"tanong nito habang kina-kamot nito ang ulo niya.
"Oo."
"Ano kasi, a-ano, ahmmm..."
-_-
"Gusto niya kasing sumali ka sa banda na binubuo niya para sa bar niya."napatingin naman ako kay papa.
"Ano?!"sigaw ko.
"Payag ka?"tanong nito."Kulang na lang kasi ng vocalist at ikaw ang napili ko, tutal magaling ka namang kumanta eh."sabi ni uncle Tommy sa akin at ngumiti.
"Huwag mo akong ngini-ngitian ng ganyan uncle, akala mo siguro mapapa-oo mo ako dahil sa ginawa mong pagpapa-init ng tubig na pampaligo ko? Nagkaka-mali ka."sabi ko sa kanya at tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad palabas ng bahay.
"Saan ka pupunta? Hey! Ranya, pumayag ka na pleaseeee~" sigaw ni uncle Tommy.
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampirIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...