GUSTO KITA
Ran
"Ano iyang nasa buhok mo?"napahawak naman ako sa ulo ko.
"Ito ba?" tanong ko kay Atoz."May nang-iwan kasi sa locker ko kanina kaya sinuot ko."naka-ngiting sagot ko kay Atoz.
"Bagay sayo."sabi nito sabay gulo sa buhok ko.
Nakatingin lang ako sa kanya habang ginugulo niya iyong buhok ko.
"Ang liit mo pala no?" natatawang saad nito habang ginugulo pa rin iyong buhok ko.
Bakit parang lumiliwanag si Atoz? Iyong pag ngiti niya nakakasilaw at iyong bawat pagtawa niya ay parang awit sa aking pandinig.
"Aray! Bakit mo ginawa iyon?" tanong ko sa kanya. Kinutusan niya kasi ako.
"Titig na titig ka kasi sa akin."sabi nito at nauna ng naglakad papunta sa klase.
Napa-iling na lang ako.
"Hoy! Hintayin mo naman ako!"habol ko sa kanya.
Nang pagbukas namin sa classroom ay nag c-check na ng attendance si Mrs. Marquez.
Patay! Mag s-sermon na naman siya.
"O, kayong dalawa ano pang ginagawa niyo diyan? Pasok na!" sigaw nito ng makita niya kami na nakatayo pa rin sa labas ng pintuan.
"Good morning Mrs. Marquez."naka-ngiting bati ko sa kanya.
"Walang good sa morning kaya, maupo ka na."pagsusungit nito sa akin.
Pagka-upo ko ay agad namang pinalabas ni Mrs. Marquez iyong kwaderno namin para magsulat.
"Oo nga pala, iyong notebook ko sa locker nakalimutan ko."bulong ko. Bakit ba naman kasi nakalimutan kong kunin kanina eh iyon dapat ang unang kukunin ko doon at hindi itong iniwan nilang hair clip.
Kaya naman ang ginawa ko ay nagpaalam ako kay Mrs. Marquez na kukunin ko iyong notebook ko sa locker room.
"Late ka na nga, wala ka pang notebook."sabi nito."Sige na! Kunin mo na iyong kwaderno mo, bilisan mo."bulyaw nito sa akin.
Agad naman akong pumunta sa locker room pero, nasa may hallway palang ako ay may naririnig akong ingay na nagmumula doon.
Pagdating ko doon ay may nadatnan akong tao.
"Excuse me?"tawag ko sa kanya.
Nagulat ko yata siya dahil nabitawan niya iyong hawak-hawak nitong paper bag paglingon niya sa akin.
Napa-kunot naman ako ng napansin kong nasa harap siya ng locker ko at nakabukas ito.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
"A-ah....a-ano,"nauutal na saad nito.
Lumapit naman ako sa kanya.
"Bakit nasa harap ka ng locker ko? Ikaw ba iyong nang-iwan ng hair clip kanina? Bakit mo ginawa iyon?"sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Pinulot muna niya iyong paper bag bago siya sumagot.
"P-p-para sayo!"nauutal na saad nito at iniabot sa akin iyong paper bag na hawak-hawak nito.
"Bakit mo ginagawa 'to?"tanong ko sa kanya.
"Kasi gusto kita."
![](https://img.wattpad.com/cover/149603761-288-k994117.jpg)
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampirgeschichtenIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...