VAMPIRE
Ran
"Nasaan na kaya iyon?" tukoy ko kay Perzeus.
Ang sabi niya susunduin niya ako para, sabay kaming papasok ngayon.
*beep!
Kinuha ko naman sa bag ko iyong cellphone ko dahil, tumunog ito.
From: Perzeus
Sorry, hindi kita masusundo.
"Hindi na naman siya papasok."bulong ko.
Kinuha ko naman sa garahe iyong bike ko para gamitin papuntang school.
Nang makarating ako sa paaralan ay walang pinagbago ganun pa rin, kung ano iyong itsura niya nung umalis ako ay ganun ba rin hanggang ngayon.
MAY mga estudyanteng nagtatawanan, nakangiti at nagkwe-kwentuhan sa may hallway.
Habang naglalakad naman ako sa hallway ay may tumawag sa pangalan ko.
"Ran!" napatingin naman ako.
"Uy, kailan ka pa bumalik? Bakit hindi ka nagpaalam sa akin na aalis ka ng dalawang buwan?" nagtatampo na saad ni Keith at niyakap ako.
Napangiti naman ako.
"Bakit ka ngumingiti?" tanong nito habang nakakunot ang noo nito.
"Ang laki na ng pinagbago mo, ang ingay-ingay mo na."sabi ko sa kanya at inakbayan siya.
Kinurot naman niya ako sa tagiliran ko.
"Ikaw ah! Bakit mo ako iniiwasan noon?" tanong nito at hinarap ako kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Tungkol ba iyon sa nalaman ko? Sa tingin mo ba ipagkakalat ko iyon kaya, mo ako iniiwasan?"
Tumango ako.
"Grabe ka! Napaka judgemental mo. Oo, inaamin ko nung una natakot ako sayo at gusto kong sabihin sa iba na bampira ka pero, nung nalaman ko ang tungkol sa inyo dahil, nag research ako ay hindi ko na itinuloy."sabi nito at nagsimula na muli kaming maglakad."At, isa pa ikaw ang nagligtas sa akin sa insidenteng iyon kaya, nagpapasalamat ako sayo."
"Alam mo bang nag nag research talaga ako ng todong-todo tungkol sa inyo? Simula sa pagkatao niyo, kinakain, ginagawa grabe, ang dami niyo palang kayang gawin?" manghang saad nito.
"Talaga?"
"Talagang-talaga!" natatawang sabi nito.
"Halika na nga! Sa classroom mo na nga ituloy iyang kwento mo."sabi ko sa kanya kaya dumeretso na kami sa classroom.
Habang naka-upo kami ni Keith sa bandang likod ng classroom at nag kwe-kwentuhan ay napatigil kami ng marinig namin ang pinag-uusapan ng tatlong babaeng nasa tabi namin.
"Uy! May balita ako. Alam niyo na ba yung usap-usapan na may bampira raw na nag-aaral sa eskwelahan na ito?"
Bigla akong napayuko sa narinig ko.
"Tama ka diyan! Nabasa ko iyan sa page ng school sa Facebook kagabi at iyan ang usap-usapan doon."
Hindi ako makahinga, sumisikip ang dibdib ko.
"Anong nakalagay doon?"
"Isang confession iyon eh, na may pamagat na She is a Vampire."
"Whattt? Ibig sabihin babae siya?"
Hindi ako makahinga sa mga naririnig ko. Iyong katawan ko ay nanginginig sa sobrang takot.
Paano kung malaman nilang ako yung bampirang iyon?
Napatingin naman ako kay Keith at sa kamay kong nanginginig na hinawakan niya.
"Okay ka lang?" tanong nito. "Ako na ang bahala."sabi nito at tumayo.
Napatingin lang ako kay Keith habang papunta siya sa mga tatlong babaeng nag-uusap.
"Excuse me," tawag nito sa tatlong babae.
"Bakit?"
"Pwede bang tigilan niyo na iyan,"sabi ni Keith sa tatlo.
"Ang alin, yung tungkol sa bampirang nag-aaral dito?" sagot nung isang babae.
"Oo----"
Hindi natapos ni Keith ang sasabihin nito ng may isang lalakeng pumasok sa classroom.
"Guys! Tignan niyo 'to."sigaw nito kaya lumapit sa kanya yung mga ibang estudyante."Nag post na naman iyong nag confess doon sa page at, ang sabi nasa klaseng ito raw yung bampira!"
0_0
Anong gagawin ko?
"Seryoso ba iyan?"
"Sino kaya yung bampira dito?"
"Wahhh! Mommy natatakot ako."
Nagulat naman ako sa sumunod na nangyari. Iyong lalakeng kararating lang ay bigla akong nilapitan at tinanong.
"Bakit hindi ka umiimik? Hindi ka ba interesado kung sino iyong bampira?" tanong nito sa akin.
"H-huh?" nauutal na sagot.
"O, baka naman ikaw yung bampira!" biro nito at tumawa.
Bigla naman akong kinabahan.
Nagbulungan naman iyong mga kaklase ko.
"O. M.G! Si Ran kaya talaga yung bampira?"
"Malay mo diba? Ilang buwan din siyang nawala simula nung usap-usapan yung mga bampira noon at, ngayon meron na naman siya ay bumalik na naman iyang tungkol sa mga bampira na iyan."
"Oo nga, tsaka minsan pag nakikita ko siya sa canteen hindi siya kumakain umiinom lang siya nung lagi niyang iniinom na nasa isang pulang pakete ng juice."
Hindi ko na kaya iyong mga naririnig ko kaya naman sinubukan kong tumayo kahit nangangatog na ang tuhod ko at buong katawan ko.
Hinarap ko sila at tinignan ko sila isa-isa.
Napadako naman iyong mata ko kay Keith.
Umiiling ito at binubulong nito na,
'Huwag Ran, huwag.'
"Bampira nga ako."sabi ko sa kanila.
Kita sa mga mukha nila ang pagkagulat at takot.
"Gusto niyo bang tikman ko iyang mga dugo niyo?"

BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampireIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...