STRANGERS
Ran
Ngayong araw ay papasok na ako sa paaralan dahil mabuti na ang kalagayan ko.
May pagkakataon na sumasakit pa rin ang sikmura ko dahil sa sugat na natamo ko nung araw na iyon pero, kahit ganun ay iniinda ko na lang ang sakit dahil ayaw kong mag-alala pa sina papa.
"Pag may kakaiba kang maramdaman tumawag ka lang sa akin, ah?" sabi ni uncle Tommy pagkababa ko sa kotse niya.
Tumango naman ako.
Pumasok na ako sa paaralan at lahat ng estudyante ay napatingin sa akin.
"Ang lakas naman ng loob niyang pumasok pa ulit."
"Bakit pumayag ang Director na pumasok pa siya?!"
"Hindi man lang siya mahiya sa sarili niyang pumasok dito!"
Ilan lang iyan sa mga narinig ko habang papasok ako sa gate.
Hinayaan ko na lang kung anong gusto nilang isipin at sabihin.
Dumeretso naman ako sa klase ko.
Pagpasok ko doon ay may mangilan-ngilan na bumati sa akin at ang iba naman ay ayaw na akong makita.
Habang papunta ako sa upuan ko ay nilapitan naman ako ng isa kong kaklase na si Josa.
"Buti naman pumasok ka na."naka-ngiting saad nito.
Nginitian ko lang naman siya.
"Akala ko hindi ka na papasok matapos iyong nangyari nung isang linggo."sabi nito at umupo sa may tabi kong upuan.
"Ah, may nangyari lang kasi kaya hindi ako nakapasok kinaumagahan nito."sagot ko naman.
Ayaw ko namang sabihin sa kanya na may grupo ng estudyante na sumaksak sa akin.
Ayaw kong kaawaan niya ako.
Habang nag-kwekwento si Josa ay napatingin ako sa dumating.
Si Keith.
"Hi!" naka-ngiting sambit nito at lumapit sa amin ni Josa.
"Buti pumasok ka na?" sabi nito at hinila ang isang upuan at doon umupo.
Tumango lang naman ako.
"O, ikaw pala iyan Josa!" sabi nito nang makita niya na kausap ko si Josa.
"Ah, oo gusto ko lang kamustahin si Ran."sagot naman nito.
Habang nag-kwekwentuhan kaming tatlo ay nagulat kami ng biglang may mga estudyanteng sumisigaw sa labas.
"Bakit ano iyon?" tanong ni Keith.
Nagkibit balikat naman ako.
"Tara, tignan natin!" sabi nito at hinila kami ni Josa palabas ng classroom.
Nang nasa labas na kami ay nakita namin ang mga ilang babae na nagsisigawan at nagtitilian habang naglalakad si Atoz.
"Anong meron? Bakit siya pinagkakaguluhan?" tanong ni Keith.
Hindi ako nagsasalita.
Nakatingin lang ako sa kanya habang papalapit siya.
Ibang-iba na ang itsura ni Atoz.
Hindi na siya iyong dating Atoz na nakilala ko na napakadisente niyang tignan.
Ibang Atoz ang nakikita ko ngayon.
May kulay ang buhok.
Bukas ang polong suot nito at may kulay ang panloob nitong t-shirt.
Naka-maong ang pants
Naka-rubber shoes.
May hikaw.
"Anong nangyari sa kanya?"
"Naging ganyan si Atoz simula nang hindi ka na pumapasok Ran."napatingin naman ako kay Josa na nagsalita.
"Ano?!" bulalas ni Keith.
Maski si Keith hindi makapaniwala.
Ilang linggo rin kasi siyang hindi pumasok dahil siya ang nagbantay sa akin nung masaksak ako.
Nang malapit na siya sa kinaroroonan namin ay napatingin ako sa kanya at ganun din siya.
"Ato–" hindi ko nasabi ang gusto kong sabihin ng dirediretso na lang siyang naglakad at hindi man lang ako kinausap.
Bakit parang hindi niya ako nakita?
°°°°°°°°°°
"Okay class, bibigyan ko kayo isa-isa ng topic at kayo ang mag-didiscuss bukas, iyon na ang magiging recitation niyo sa akin at dapat may partner kayo. Ang magiging partner niyo na lang ay iyang mga katabi niyo."sabi ng teacher namin sa Filipino.
Napatingin naman ako sa katabi ko.
Si Atoz.
"Okay, Ran and Atoz ang topic niyo ay tungkol sa Aspekto ng Pandiwa."
Tumango naman ako.
"Kayo naman Keith at Josa, Pitong Pokus ng Pandiwa."
"Sige po ma'am!"sabay na sagot nung dalawa.
Nang matapos magbigay si Ms. Elardo ng mga gagawin namin ay saktong tumunog naman ang school bell hudyat na recess na.
"Okay, class dismissed."
Nang iilan na lang ang tao sa classroom ay napalingon muli ako kay Atoz na may suot-suot na headset at nakatingin sa labas ng bintana.
Nilapitan ko naman siya para kausapin para sa report namin.
Bago ako nagsalita ay huminga na muna ako ng malalim.
"Atoz," tawag ko sa kanya.
Hindi siya lumingon.
Kaya mo iyan Ran. sabi ng utak ko.
"Magka-group pala tayo sa Filipino. Anong gagawin natin kasi, recitation–" hindi ko natapos iyong sinasabi ko nang lumingon siya.
"Magaling ka diba? Tutal, magaling ka naman edi, ikaw na lang gumawa."pagkasabi nito ay tumayo na siya sa upuan niya at naglakad palabas.
Pero, bago siya makadaan sa kinatatayuan ko ay may sinabi muna ito.
"Hindi ako si Atoz."sabi nito at saka niya ako binangga sa balikat.
![](https://img.wattpad.com/cover/149603761-288-k994117.jpg)
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampirgeschichtenIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...