ASPEKTO NG PANDIWA
Ran
"Handa na ba iyong mga magre-report ngayon?" napatingin naman ako sa Filipino teacher ko nang pumasok siya sa klase.
"Okay, miss Kim and mister Jerusalem go in front para sa report niyo," sabi ng teacher namin at may kinuhang index card sa table niya bago siya tumayo at pumunta sa likod.
Tinignan ko naman iyong upuan ni Atoz. Wala pa siya. Mukang ma-le-late siya.
"Ano? Absent ba yung dalawang reporter?" napalingon naman ako sa teacher namin.
Tinaasa ko naman ang kamay ko para kunin ang atensiyon niya.
"Yes?"
"Ma'am, wala pa po iyong kasama ko,"sabi ko sa kanya.
"It's okay, miss. Hindi ikaw ang maghahabol kung wala siyang recitation. Go, ahead mag simula ka na,"sabi naman nito at mukhang may binura siya sa papel na hawak nito.
Pumunta naman na ako sa harap.
"Good morning," bati ko sa mga kaklase ko. "Ang ating tatalakayin ngayong umaga ay tungkol sa Aspekto ng Pandiwa," saad ko at nagsimulang nagsulat sa white board.
"Sa inyo, may nakaka-alam ba kung ano ang Aspekto ng Pandiwa–" natigilan ako sa pagsasalita ko nang biglang pumasok si Atoz at hindi man lang niya binati iyong teacher namin.
"Mister, Jerusalem hindi porket Chairman ng school ang papa mo ay pwede ka nang ma-late."galit na saad ng teacher namin.
"Just continue, Ran,"sabi naman nito at tinignan ako.
"Balik tayo sa Aspekto ng Pandiwa."saad ko."Ang Aspekto ng Pandiwa ay nagsasaad kung naganap na ang kilos o hindi, kung nasimulan na, kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa," saad ko habang nakatingin sa mga ka-klase ko.
"May tatlo tayong klase ng Aspekto ng Pandiwa. Una, Aspektong perpektibo o pangnagdaan. Ito ay naglalarawan sa kilos o galaw na ginawa na o katatapos pa lang. Halimbawa, kumain. Kumain ako kanina sa labas. Pangalawa, Aspektong imperpektibo o pangkasalukuyan. Ito naman ay, naglalarawan sa kilos o galaw na kasalukuyang ginagawa. O, may clue word na kasalukuyang ginagawa, ibig sabihin iyong ginagawa natin ngayon mismo. Halimbawa, nagsasalita. Nagsasalita ako ngayon sa harap niyo para ibahagi ang aking kaalaman. Naiintindihan po ba?"tanong ko sa kanila.
Tumango naman sila bilang sagot.
"At ang panghuli ay ang, Aspektong kontemplatibo o panghinaharap. Ano naman ito? Sabi dito, ito raw ay naglalarawan sa kilos o galaw na gagawin pa lamang. Ito naman ay iyong future, hinaharap. Halimbawa, magsasalita. Magsasalita mamaya sa harap si Jam dahil magbibigay ito ng ilang halimbawa tungkol sa tinalakay nila."naka-ngiting saad ko.
"Iyon lamang po at sana may naintindihan kayo."sabi ko.
"Pero, bago ang lahat gusto kong magbigay kayo ng halimbawa tungkol sa tinalakay natin kung naintindihan niyo."sabi ko sa kanila.
"Volunteer? Plus points kay ma'am."natatawang saad ko.
May nagtaas naman ng kamay kaya tinawag ko.
"Okay, Christine."tawag ko sa ka-klase kong babae.
Tumayo naman na siya at magsasalita na nang biglang magsalita si Atoz at tumayo.
"Mahal,"napatingin naman lahat sa kanya ang buong klase." Salitang ugat, mahal. Mahal kita kahit ano ka pa. Aspektong Perpektibo, minahal. Minahal kita higit pa sa buhay ko."
"Okay thank you Atoz,"sabi ko sa kanya."Sino pa ang magbibigay ng ibang halimbawa–"
"Aspektong imperpektibo, minamahal. Minamahal pa rin kita kahit pinagtutulakan mo ako sa iba."
"Atoz, pagbigyan mo naman iyong iba–"
"Aspektong kontemplatibo, mamahalin. Mamahalin pa rin kita kahit ang sakit-sakit na."nakatingin lang siya sa akin habang nagsasalita siya.
Kaya naman iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya.
"Verry good miss Kim. Mukang naintindihan naman nila ang ni-report mo kaya pwede ka nang maupo,"sabi ni ma'am at nagsimula nang maglakad papunta sa harap.
Bumalik naman ako sa upuan ko kung saan katabi ko si Atoz.
Nang naka-upo ako ay napalingon ako sa kanya.
Naka-suot na naman siya ng headset at naka-tingin sa labas ng bintana.
Gusto ko siyang kausapin pero, nauunahan ako ng takot.
Nang dinis-miss na kami ng teacher namin ay tumayo na ako sa kinauupuan ko at inayos ang mga gamit ko.
Habang nag-aayos ako ay napalingon ako sa pinto nang may tumawag sa pangalan ko.
"Ranya Kim!"
Kumunot agad ang noo ko nang makita ko siyang papasok ng classroom.
"Halika na! Sabay na tayong magmeryen–"
Napatingin naman ako sa mesang bumagsak nang tumayo si Atoz.
"Ano tara?!"masayang tanong sa akin ni Gio.
Inirapan ko lang naman siya at sumunod kay Atoz na lumabas ng classroom.
Ano bang problema nung Gio na iyon at lagi niya akong sinusundan? Baka, mamaya kung anong isipin ni Atoz.
Nandito ako ngayon sa harap ng mucic club dahil gusto kong kausapin si Atoz.
Pagpasok ko dito ay nakita ko kaagad si Atoz na naka-hawak ng gitara sa may tabi.
Agad ko naman siyang nilapitan.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampirosIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...
![She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]](https://img.wattpad.com/cover/149603761-64-k994117.jpg)