ADMIRER
Ran
"Para sayo, sana magustuhan mo."sabi ni papa sabay bigay sa akin ng isang paper bag."Happy birthday ulit anak."
"Salamat po."sabi ko sa kanya at kinuha yung paper bag.
"Simple lang iyan kagaya mo kaya sana magustuhan mo."dagdag pa ni papa.
Nginitian ko naman siya bago ko binuksan iyong paper bag. Pagbukas ko sa paper bag ay may isang kahon doon.
"Ano po ito?" tanong ko kay papa.
Hindi sinagot ni papa ang tanong ko bagkus lumapit siya sa akin at kinuha sa kamay ko ang hawak-hawak kong kahon.
"Ran, ito ang napili kong i-regalo sayo dahil kahit saan ka man magpunta lagi mong iisipin na nasa tabi mo lang ako."sabi ni papa at binuksan iyong kahon.
Napa-wow na lang ako ng makita ko ang laman ng kahon. Isang simpleng bracelet na may maliit na krus.
"Salamat po dito papa."yakap ko kay papa matapos niyang nilagay sa kamay ko ang bracelet.
"Ano ba! Para namang graduation na ni Ran. Huwag nga kayong umiyak!" napatingin naman kami kay uncle Tommy.
"Haha....tears of joy lang po ito uncle."sabi ko ng humiwalay na ako sa yakap namin ni papa.
"O siya ito naman ang regalo ko sayo."pagkasabi ni uncle ay iniabot niya sa akin ang isang malaki at kulay itim na bag.
"Guitar?"tanong ko kay uncle Tommy.
Nginitian lang niya ako.
"Sabi ko naman kasi sayo Ran, hindi kita titigilan hanggat hindi ka pumapayag na sumama sa banda ko kaya naman iyan, niregaluhan na kita ng paborito mong instrumento."sabi sa akin ni uncle Tommy.
Napatingin naman ako sa guitarang hawak-hawak ko.
"Ran, bakit hindi mo kasi subukang tumugtog ulit? Wala namang mawawala sayo kung susubukan mo diba?"dagdag pa ni uncle Tommy.
Napatingin ako sa kanya.
"Hindi ko alam."sagot ko."Hindi ko alam uncle kung kaya ko pang tumugtog dahil, alam mo naman iyong nangyari diba? Kung bakit tumigil ako sa pagtugtog sa mga banda."sabi ko sa kanya.
Nilapitan naman niya ako at tinapik sa balikat.
"Ilang taon na ang lumipas simula ng nangyari iyon, Ran! Hindi ka pa rin ba nakakalimot? Move on! Ito na iyong pagkakataon mo muli para bumalik sa pagbabanda mo."sabi nito at tumayo.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Kung saan ka masaya doon ka, hindi iyong ipagkakait mo ang kasiyahan na iyon para sa sarili mo."sabi ni uncle Tommy bago siya umalis ng bahay.
Napa-buntong hininga na lang ako.
"Sige, Ranya uwi na rin ako. Maligayang kaarawan ulit."napatingin naman ako kay Perzeus.
"Salamat, ingat ka."
Nang maka-uwi na sina uncle Tommy at Perzeus ay lumapit si papa sa akin.
"Anak,"tawag sa akin ni papa.
"Bakit po?"
"Alam kong hindi dapat ako nakikisawsaw sa inyo ni uncle Tommy mo pero, kasi anak tama naman kasi siya. Kung saan ka masaya doon ka hindi iyong pinagkakaitan mo pa mismo ang sarili mo na maging masaya."ani nito. "Sa nakikita ko kasi sayo anak, gusto mo pero natatakot ka. Natatakot ka kung ano iyong mga posibleng mangyari."mahinang sambit ni papa.
"Eh, paano kung mangyari ulit iyong bagay na iyon sa akin? Paano kung kamuhian nila ako? Paano kung----"
"Anak, hindi mo pa nga nasusubukan pero heto ka at ang dami ng tanong na nabubuo sa isip mo. Ran, anak ilang taon na iyon diba? Kalimutan mo na iyon. Isang ala-ala na lamang iyon anak."sabi ni papa at niyakap ako."Sige na, magpahinga ka na sa taas, basta tandaan mo nandito lang lagi si papa. Happy birthday and I love you."niyakap ko lang ng mahigpit si papa.
"Mahal na mahal din po kita papa."
°°°°°°°°°°
Pagpasok ko sa school ay agad akong dumeretso sa locker ko dahil kukunin ko iyong notebook ko para sa first subject ko. Nasa hallway na ako malapit sa kinaroroonan ng locker ng mga babae ng may napansin akong may lumabas na lalake mula sa locker room ng mga babae.
"Lalake?" tanong ko. "Bakit magkakaroon ng lalake sa locker room ng mga babae? Diba, may sarili rin silang locker?" sabi ko ng makalapit na ako sa locker ko.
Nagkibit balikat na lang ako bago ko binuksan iyong locker ko.
Pagbukas ko sa locker ko ay may tumambad sa akin na isang maliit na pulang kahon. Lumingon-lingon muna ako dahil baka may taong nang-iwan.
"Ano 'to?"bulong ko.
Pagbukas ko dito ay may isang hair clip na kulay pula. Kinuha ko naman ito pero, pagkakuha ko sa hair clip ay may nahulog na kapirasong papel.
Sana gamitin mo ito araw-araw.- 😊
Iyon ang nakasulat sa papel.
Napatingin naman ulit ako sa hair clip.
"Infairness marunong pumili iyong nagbigay nito, a? Maganda at simple." sabi ko bago ko sinuot iyong hair clip.
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampireIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...