HER FEELINGS
Ran
Habang nagtuturo si Mr. Ballesteros sa harap ay parang umiikot ang paningin ko. Nagiging dalawa si Mr. Ballesteros, at iyong mga numero na naka-sulat sa pisahara ay nagsisisayawan.
Napahawak ako sa ulo ko. Dahil siguro ito sa hindi ko pagkain kaninang lunch time kaya naman, ang ginawa ko ay tumayo ako sa kinauupuan ko at nagpaalam kay Mr. Ballesteros na mag-babanyo ako.
Nang nasa banyo ako ay pumasok ako sa isang cubicle doon sa dulo. Umupo ako sa toilet bowl at kinuha ang isang pack ng dugo ng baboy sa bag ko na itinabi ng aking ama kagabi. Binuksan ko agad ito at agad-agad na nilagok.
*slurp slurp.
Para akong isang sanggol na uhaw na uhaw sa gatas ng kanyang ina dahil, naubos ko agad ito. Napatingin naman ako sa balat ko, nagkakaroon na muli ito ng kulay hindi kagaya kanina na ang putla-putla ko.
Pagkatapos kong ininom iyong dugo ay bumalik agad ako sa classroom dahil malapit na rin ang uwian.
Nang uwian na ay nakasabay ko si Abcde palabas ng gate.
"Ang weird ng mga classmates natin no?"tanong nito sa akin.
"Huh? Bakit mo naman nasabi?"
"Kasi, tignan mo nagpapaniwala pa rin sila sa mga bampira. Dahil lang sa balitang napanood nila naniwala na sila agad? "umiiling na saad nito.
"Bakit, ikaw? Hindi ka ba naniniwala sa bampira?" tanong ko sa kanya.
"Hindi."sagot nito at tumingin sa akin.
"Bakit hindi ka naniniwala sa kanila?" tanong kong muli sa kanya.
"Maniniwala lang ako sa kanila kapag may isang kakagat sa akin at sasabihin niyang isa nga siyang bampira."sabi nito at tuluyan ng umalis.
Kalokohan! Sino namang bampira ang gustuhing ipahamak ang sarili niya sa pamamagitan ng pagkagat sa kanya at sabihin ang kanyang tunay na pagkatao?! Isang napaka-laking kalokohan.
Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si papa na nanonood ng telebisyon sa may sala.
"Meron ka na pala."sabi nito habang nasa telebisyon pa rin ang tingin nito."Tignan mo itong balita, kayong mga bampira na naman ang pinag-uusapan dahil lamang sa isang bampirang nagwala sa isang resto bar at muntikan na niyang kagatin iyong isang waitress."sabi ni papa.
Napatingin naman ako sa telebisyon. Tama nga, laman na naman kami ng balita. May mga taong na-interview na nagsasabing dapat daw talagang mawala na kaming mga bampira sa mundo nila dahil isa lamang kaming napaka-laking salot sa lipunan.
"Bakit ganun? Bakit ang hirap sa kanilang tanggapin kami? Gusto lang naman naming mabuhay ng normal kagaya sa inyo."sabi ko kay papa.
"Ssshhh."lumapit si papa sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay."Tahan na, nasasabi lang nila iyon kasi, hindi pa nila kayo lubusang kilala. Pero, ako anak? Kilala ko kayo, lalo kana. Mabait, maalaga at mapagmahal kang anak. Siguro sa ngayon, nasasabi nila iyon dahil, ang pagka-kakilala nila sa mga bampira ay masasama. Pero, once na malaman nila na mabubuti kayo, matatanggap rin nila kayo. Kaya, tahan."sabi ni papa sa akin at tsaka niya ako niyakap.
"Salamat po papa."
Mabuti pa si papa naiintindihan niya ako kahit isa siyang tao at hindi niya ako tunay na anak. Sana lahat ng tao katulad ni papa.
*Bogsh!
Napalayo naman ako sa pagka-kayakap sa akin ni papa ng may marinig akong bumagsak sa may kwartong naka-sara lagi malapit sa kwarto ko.
"Ano 'yun?"tanong ko kay papa.
"Hindi ko alam."
"Diyan lang po kayo, titignan ko lang kung ano iyong nahulog."sabi ko kay papa.
Agad naman akong pumunta sa kwarto kung saan nagmumula iyong ingay.
*Bogsh!
"May tao kayang nak a pasok?"bulong ko sa sarili ko.
Nang nasa harap na ako ng kwarto kung saan nagmumula ang ingay ay dahan-dahan kong pinihit ang seradula at unti-unting binuksan.
0_0
"Huli ka!"sigaw nito."Akala mo makakatakas ka sa aking hayop ka?"sabi nito.
*Bogsh!
"PERZEUS LEEEEEEE! ANONG KAHAYUPAN ITO?!"sigaw ko sa kanya.
0_0 - Perzeus.
*slurp.
Nagulat yata siya sa pagsigaw ko sa kanya kaya napa-hinto siya sa ginagawa niya at bigla nitong nilunok ang hawak-hawak niyang buhay na daga.
"He-he-he...... Hi?"sambit nito.
"Wahhhhh~ dugyot!"sigaw ko at iniwan siya.
Bampira nga ako pero, hindi naman ako kasing dugyot ni Perzeus na pati buhay na daga eh, kakainin. Hanggang karne ng manok, baboy, baka at kambing lang ang kinakain ko at syempre, niluluto iyon ni papa bago ko kainin.
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampirgeschichtenIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...