PROTECTIVE BEST FRIEND
Ran
Kinabukasan hinatid ako ni uncle Tommy sa school dahil wala pa akong lakas na magpadyak sa bisikleta ko.
"Salamat sa paghahatid uncle."sabi ko sa kanya pagkababa ko sa sasakyan nito.
"Walang anuman pamangkin basta ba pumayag ka na sa inaalok ko sayo na maging vocalist sa banda ko. Kahit araw-araw pa kitang ihatid kung gusto mo."sabi nito.
"Ayoko nga, wala akong oras para diyan."sabi ko sa kanya bago tuluyang pumasok sa school gate.
Pagkapasok ko sa loob ng campus ay nakita ko agad si Atoz.
"Atoz!"tawag ko sa kanya.
"O, Ran ikaw pala."sabi nito nang makalapit ako sa kanya."Kamusta na pakiramdam mo? Okay ka na ba?"tanong niyo sa akin.
"Okay na ako, salamat pala ah?"sabi ko sa kanya.
"Wala iyon."sabi nito.
"Bakit ano palang nangyari sayo kahapon? Bakit bigla ka na lang nahimatay?"napalingon naman ako kay Atoz.
Sabay kasi kaming naglalakad ngayon papunta sa klase namin.
"A-ah, hindi kasi ako kumain ng agahan kaya ayun."sabi ko na lang sa kanya.
Tumango lang naman siya.
"Hindi ka ba naiinitan?"tanong na naman nito sa akin."Lagi ka kasing naka-jacket, ang init-init na nga."
"H-huh?"iyon na lang ang nasabi ko.
"Tanggalin mo kaya iyan baka mamaya mahimatay ka na naman."sabi niya at lumapit sa akin.
"A-ah a-anong g-ginagawa mo?"tanong ko sa kanya.
"Tutulungang tanggalin iyang jacket mo."saad nito.
"Huwag!"sigaw ko pero lumapit pa rin siya sa akin.
"Anong ginagawa mo?"napatigil naman si Atoz sa pag-alis ng jacket ko ng biglang sumulpot sa likod ko si Perzeus.
"Halika nga dito, diba sabi ko sayo na sabay tayong papasok?" hila sa akin ni Perzeus.
Napatingin naman si Perzeus kay Atoz na nasa harap namin ngayon.
"Bakit mo siya hinuhubaran?"deretsang tanong ni Perzeus kay Atoz.
0_0 - Atoz.
"Ano?! Hindi ah, tinutulungan ko lang siyang tanggalin iyong jacket niya kasi, ang init baka mamaya mahimatay na naman siya."sagot ni Atoz.
"Sa susunod huwag mo na siyang hahawakan."banta ni Perzeus kay Atoz."Halika na Ranya magsisimula na iyong klase."sabi nito at nauna ng naglakad.
Napatingin naman ako kay Atoz.
"Sigurado ka bang kaibigan mo talaga siya?" tanong sa akin ni Atoz.
"Oo, bakit mo naman natanong?"
"Kung umasta kasi siya parang kayo eh."napapailing na saad ni Atoz.
"Pagpasensyahan mo na iyon. Ganun lang talaga si Perzeus."sabi ko.
"Ranya! Ano na, dika pa ba susunod?"napatingin naman ako kay Perzeus na sumigaw.
"Sige, Atoz mauna na kami sa klase sunod ka na lang."paalam ko kay Perzeus.
"Sige."
"Nandiyan na!"sagot ko naman kay Perzeus at hinabol siya para sabay kaming pumasok sa klase.
°°°°°°°°°°
"Ran, tara na sa canteen!"tawag sa akin ni Atoz.
Tuwing recess kasi ako at si Atoz ang laging magkasama na kumakain dahil bago lang siya dito sa school.
"Sige----"
"Ranya, sabi mo sabay tayong mag-r-recess."napatingin naman ako kay Perzeus.
Napakamot naman ako sa batok ko.
Oo nga pala, nangako ako kay Perzeus kahapon na sasamahan ko siya ngayon dahil bago rin siya sa school.
Aha! May naisip na ako.
"Atoz, gusto mo bang sumabay sa amin ni Perzeus na mag-meryenda na lang?"tanong ko kay Atoz.
"Sige ba!"naka-ngiting sambit ni Atoz.
"Ako, ayoko."napalingon naman ako kay Perzeus.
-_-
Ang bastos talaga ng lalakeng ito, hindi marunong makisama at makihalubilo.
"Dapat ako at si Ranya lang ang sabay na mag-me-meryenda ngayon."sabi nito at hinila na niya ako papunta sa canteen.
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampireIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...