Mikaela POV
Dahil nangako ako kay kael kagabi, eto ngayon kami katatapos lang namin magbihis mag-ina.
Syempre hindi ko naman matitiis at matatanggihan ang anak ko alam ko naman na naglalambing lang sya kaya nag-ayang lumabas na kami lang dalawa.
"Baby you look so handsome" papuri ko sa kanya ng sabay kami tumingin sa salamin
"I'm always handsome mimi" sabay kindat at ngiti nya sakin
"I know hahahaha! Are you ready baby?" sabay ngiti ko din sa kanya
"Yes mimi!" excited na sagot ni kael at nagsuot na sya ng shade
Parang paglaki ng anak ko magiging habulin sya ng mga babae dahil sa kagwapuhan nya. Wag naman sana!
"Okay let's go" pag-aya ko na sa kanya
Pagbaba namin nakita ko ang buong pamilya ko na nasa sala na nanonood.
"Wow ang pogi naman talaga ng pamangkin ko" papuri ni kuya kay kael pagkakita sa amin tapos napatingin na sila samin
"Oh isasama mo ba si Kael sa office mo?" takang tanong ni daddy sakin
"Hindi po daddy, pupunta lang po kami sa mall" alam kasi nila na kahit sabado ay may pasok ako
"Hindi ka papasok?" takang tanong naman ni mommy
"Wala naman pong gagawin tsaka kaya na po nila yun" alam na din naman ng secretary ko kung ano yung mga gagawin sa office
"Mabuti kung ganun para makapagbonding kayo ng anak mo" pabor pa kay daddy na hindi ako pumasok, napapansin na rin siguro nya na sobrang busy ko na sa office
"Sige po mauuna na po kami" paalam ko na sa kanila
"Bye Mommy La! Bye Daddy Lo! Bye Tito Daddy! Bye Tito Kuya!" paalam naman ni kael sa kanila
"Bye baby kael!" paalam nina kuya at miko
"Bye our prince!" paalam naman nina mommy at daddy
Hinalikan na namin sila tapos lumabas na kami at sumakay na sa kotse ko.
"Kael what do you want to do first?" tumingin ako saglit sa kanya tapos binalik ko na agad sa kalsada
"I want to play mimi" sagot ni kael
"Okay we will go to the arcade first" nakangiting sagot ko sa kanya
Pagdating namin sa mall sa arcade agad ang diretso namin dahil yun naman ang gusto nya unahin namin gawin.
Pinapanood ko lang sya na maglaro ng kung anu-ano. Masaya ako na nakikita syang masaya kaya lahat ng magpapasaya sa kanya ay ibibigay ko at gagawin ko. He's my everything!
"Mimi I'm done, can we go to the bookstore and buy some books?" tanong naman nya pagkatapos maglaro
"Sure let's go" pagpayag ko tapos pumunta na kami sa bookstore
Bumili kami ng 2 libro, yan ang hilig nya ang magbasa pero minsan ay nag ga-gadgets din sya yung nga lang may limit.
"Mimi I'm hungry" reklamo nya sabay nguso at himas sa tiyan nya
"Okay hahahaha... What do you want to eat?" pag gutom na sya hindi ka talaga makakatanggi na hindi sya pakainin dahil sa ka-kyutan nya
"Anything mimi!" sabay ngiti nya
"Okay let's go!" hindi naman kasi sya mapili sa pagkain
Tumakbo na sya palabas ng arcade pero bago sya makalayo may nabunggo sya kaya napatakbo ako papunta sa kanya.
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
FanficIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...
