10: Throwback

168 3 0
                                    

Nasa tagaytay na sila kung saan sila huling nagbakasyon magbabarkada. Tulad nang napag-usapan ng dalawang magkapatid na magbakasyon kasama ang mga kaibigan.

Isang resthouse ito na binili nila magkakaibigan noong high school pa sila dahil mahilig dila magtravel at magbakasyon.

"Namiss ko magpunta dito" sabay upo ni vincent sa sofa kasunod ang iba pa

"Bakit hindi ba kayo nagpupunta dito?" takang tanong ni mika sa pinsan

"Hindi kasi sabi namin pupunta lang kami dito pagkumpleto na tayo" nakangiting sagot ni vincent

Yun kasi ang napagkasunduan nila magkakaibigan pupunta lang sila dito pagkumpleto sila dahil ito ang una nilang bahay na nabili gamit ang mga naipon nilang allowance ay gusto nila puro memorable ang maaalala nila dito lahat.

"Eh hindi rin naman tayo kumpleto ngayon, so ano ang pinagkaiba nun noon" sagot naman ni mika sa pinsan

"Nandyan naman si Miko subsitute hahahaha" biro naman ni reiley sa kanya

Kulang nga sila pero naisip naman nila na baka hindi na bumalik yung taong kulang sa kanila tsaka matagal tagal na rin naman sila hindi nakakapunta dito.

"Saan po pala ako matutulog?" tanong ni miko sa mga nakakatanda sa kanya

"May sari-sarili kasi kaming kwarto dito dahil wala kang kwarto edi dito ka sa sala matutulog" pagbibiro ni michael sa kapatid

"Kuya pinagtripan mo na naman si Baby Miko mamaya magsumbong kila mommy yan mapagalitan pa tayo" pang-aasar naman din ni mika sa bunsong kapatid

Nagtawanan sila.

"Sige pagtulungan nyo ako" inis na saad ni miko

Kawawa talaga sya sa dalawa nyang nakakatandang kapatid pag pinagtulungan na syang asarin.

"Joke lang naman hindi ka mabiro" inakbayan sya ni mika pero nakasimangot pa rin sya

"Dun ka sa guestroom katabi ng kwarto ni Mika" nakangiting turo ni jeremy sa pinsan

"Oh panu mag-akyatan na muna tayo para maiayos natin ang gamit natin" utos ni andrew sa lahat, nagtanguhan naman sila bilang sagot

"Kami naman magluluto na para sa tanghalian" sagot naman ni lorie

Nagpuntahan na nga sila sa kani-kanilang kwarto. Sina lorie at allison naman ay nagluto na para sa tanghalian nila.

Pagtapos nila kumain nagpuntahan na sila sa sala lahat. At duon nagkwentuhan. Si kael naman ay pinatulog na muna nila at pinabantayan kay miko yun naman ang purpose sa pagsama nila kay miko ang magbantay.

"So bakit nyo naisipan na magbakasyon?" tanong ni andrew sa magkapatid habang nakaakbay sa asawa

"M-may sasabihin po kasi ako s-sa inyong lahat" kinakabahang sagot ni mika

Hindi nya malaman kung sasabihin na nga ba nya o hindi sa mga kaibigan.

"Ano naman yun?" tanong naman ni jeremy habang nakaunan sa hita ng asawa

"Nakakaintense bes" sagot ni cristal na nakasandal sa fiance

"D-diba po... tinatanong nyo s-sakin kung sino po ang t-tatay.... ni Kael" simula ni mika na parang nagdadalawang isip pa sya

Tumango naman sila sabay sabay, pwera lang sa kanila ng kuya nya.

"Bakit kilala mo na ba?" tanong ni alexis na nakayakap sa asawa

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon