Sa bahay ng mga Gonzales dumeretso sila andrei para dalawin ang mga ito pero pagdating nila sa bahay ay walang tao.
"Love mukhang nasa office pa ata sila" pahayag ni mika ng makapasok sila sa loob ng bahay
"Sa tingin ko nga, akala ko naman nandito na sila kasi nakita ko si kuya bago ko kayo sunduin ay pauwi na sila" paliwanag ni andrei sa kanya
Naupo sila sa sofa at ibinaba ang mga gamit nila.
"Where's lola mom and lolo dad?" tanong naman ni kael sa kanilang dalawa
"I think they are still in the office" sagot ni mika sa anak
"Ano kaya magandang gawin ngayon? Weekend naman bukas" nakakunot ang noo ni andrei habang kamot kamot ang kilay dahil nag-iisip ito
"Let's chillin' like barbeque party" nakangiting suggetion ni mika sa boyfriend
"I like barbeque mimi" excited na sagot naman ni kael sa kanya
"Magandang ideya yan, maaga pa naman mamili muna tayo habang wala pa sila, siguradong mamaya pa ang dating ng mga yun" pagsang-ayon naman ni andrei sa kanya
"Sige tara na hanggat maaga pa" sagot ni mika at tumayo na sya
Sumunod naman ang mag-ama nya sa kanya at lumabas na sa bahay, pumunta sila sa supermarkes hindi kalayuan sa bahay ng mga Gonzales.
Pagdating nila ay namili na agad sila, hindi lang baboy ang binili nila pati hotdog, at drinks na gagamitin nila.
Pagkauwe nila nag-asikaso na agad sila, si mika minarinate na yung baboy, si andrei naman inayos na yung ihawan nila at naglabas na ng cooler sa garden nila, si kael naman tinutulungan ang daddy nya sa mga ginagawa nito.
Kalahating oras ang nakalipas ng dumating sila andrew at samantha na nagulat pa dahil may tao sa bahay nila.
"Hi Tito ninong and tita ninang!" masayang bati ni kael sa bagong dating
"Oh nandito pala kayo, ano yang ginagawa nyo?" pagtataka ni andrew na tinuro pa ang dala-dalang plastik ni andrei
"Balak kasi namin ni love na magbarbeque party tayo tutal weekend naman bukas, okay lang ba sa inyo?" paliwanag naman ni andrei sa kapatid
"Nice idea bro ng makasama naman natin sila mommy, magbibihis lang ako para makatulong sa inyo mag-ama" nakangiting saad ni andrew at ginulo pa ang buhok ng pamangkin
"Ako din magbibihis lang at tutulungan ko naman si Mika" sabay ngiti ni samantha sa mag-ama, ngumiti lang din naman ang mga ito sa kanya
Pagbaba nila andrew sya naman ang pasok nina cristel, jeremy, cristal at vincent.
"San kayo pupunta?" tanong ni cristel sa kakambal ng makita ito pababa ng hagdanan
"Sa garden tutulong kami kila Andrei" nakangiting sagot ni andrew sa kapatid
"Oh nandito sila kuya?" gulat tanong naman ni cristal sa kanya
Nakita naman nila na dumaan sina andrei at kael galing sa kusina papuntang garden na may dalang uling.
"Hi tita ninangs! Hi tito ninongs! Good evening!" masayang bati ni kael sa mga ito
"Good evening Baby Kael!" bati naman nilang apat sa bata
Humalik naman si kael sa kanila at nagmano tapos lumapit na ulit sa daddy nya.
"Anong meron?" takang tanong ni jeremy na tinignan pa ang hawak ni andrei
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
FanfictionIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...