50: Cedrick?

125 3 0
                                        

Makalipas ang ilang buwan na hindi sila nakumpleto dahil sa nangyare sa dalawa ay masyado nilang namiss ang isa't isa.

Kaya ngayon ay nagsama-sama muli silang lahat, this time ay kumpleto na sila at wala ng problema sa pagitan nilang lahat, wala ng galit, inis, at pagdaramdam. Masaya na silang lahat.

Napagpasyahan nilang magkakaibigan na bumalik sa kainan na tinatambayan nila dati nung mga high school pa sila at malapit lang ito sa dati nilang eskwelahan.

Nakaupo na sila sa dati nilang pwesto malapit sa pintuan, nasa isang mahabang lamesa sila, nag-uusap usap tungkol sa high school days nila.

"Aba nandito pala kayo!" masayang saad nang isang matandang babae pagkakita sa kanilang magkakaibigan

"Aling Martha!" sigaw nilang lahat at nagtayuan sila para yakapin ang ginang

Si aling martha ang nanay nanayan nila sa kainang ito, alam din nito ang mga kalokohan nila at minsan dito din sila tumatakbo pag may problema sila na hindi masabi sa magulang nila.

"Tagal ko na kayong hindi nakikita dito, buti ay napadalaw kayo" nakangiting saad ni aling martha sa kanila

Ang mga batang ito ang hindi makakalimutan ni aling martha dahil minsan na syang tinulungan ng mga ito sa negosyo nya.

"Oo nga Aling Martha, pero namiss ka namin" sabay ngiti ni nathan sa ginang

"Namiss ko din kayo, naka-order na ba kayo?" tanong ni aling martha sa kanila

"Hindi pa nga po, kararating lang din po kasi namin" sagot ni reiley sa ginang

"Oh sige ako na bahala sa order nyo, katulad pa rin ba nung dati?" nakangiting tanong ni aling martha sa kanila

"Yes Aling Martha!" sabay sabay nilang sagot

"Hindi pa rin kayo nagbabago ang kukulit nyo pa rin.... Sige maiwan ko na muna kayo dito" natatawang paalam ni aling martha sa kanila

"Salamat aling martha!" sabay ngiti ni andrew sa ginang

Pumasok na si aling martha sa kusina para sya na mismo ang magluto sa kakainin ng mga anak-anakan nya, napapangiti pa nga sya habang nagluluto.

Habang nag-aantay ng pagkain nila ay nagkwentuhan muna ang magkakaibigan tungkol kay aling martha at sa kainan na iyon.

Naalala pa nila nung intrams sa school nila ay sobrang daming kumakain sa lugar na iyon at hindi na magkanda-ugaga si aling martha at ang dalawang kasama nito kaya ang ginawa nila ay tinulungan nila ito magluto, magserve at kumuha ng pagkain ng mga tao, buong linggo ng intrams nila tinulungan nila ang mga ito.

Maya maya pa ay inihain na ni aling martha ang paborito nilang mga pagkain na madalas nila orderin sa kainang iyon. Sandali lang nakipag-usap sa kanila si aling martha at bumalik na ulit ito sa kusina dahil may mga iba pang taong kumakain sa lugar na iyon.

"Wow namiss ko ito!" sabay ngiti ni vincent habang tinitignan ang mga pagkain

"Hindi pa rin nagbabago yung amoy at lasa ng mga ito" masayang saad ni lorie pagtapos tikman ang isang putahe

"Mamaya na ang kwentuhan, kumain na tayo at galit galit muna" natatawang saad ni andrew, namiss nya rin ang luto ng ginang

Nagkanya kanya na sila ng kain at wala talagang nagpansinan sa kanila, ninamnam talaga nila ang bawat pagkain na nasa harapan nila.

Tsaka lang sila nag-usap usap nung matapos na silang kumain lahat, sa sobrang pagkasabik nila sa luto ng ginang naubos nila lahat ng pagkain simot kung simot talaga.

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon