52: Meet The Cabs

118 4 0
                                    

Pagkatapos ng pag-aminan nagkaayos na ang lahat, wala ng naging problema ang magkakaibigan sa bawat isa, naging masaya na silang lahat.

Nasa VIP room ng isang restobar sila ngayon dahil inimbitahan sila para sa isang celebration, malaki naman ang kwarto kaya kasya silang lahat.

Nakapwesto sila sa mahabang lamesa na pinagdugtong dugtong na maliliit na lamesa, kasama ang mga kaibigan ng pinsan nila mika.

"Guys eto pala ang CABs, si Joyce ang asawa ko na-meet nyo na sya nung nagcelebrate kayo dito, si Rain ang kapatid ko at ang asawa nyang si Red, si Dean asawa nyang si Bob, si Jacob at ang asawa nyang si Lhean, si Sheng at asawang si Clark at si Franz at asawang si Jai" pagpapakilala ni renz sa mga kaibigan nila

"Hi guys!/ Wazzup!/ Hello!" bati ng CABs sa kanila

"Eto nga pala ang mga pinsan namin, si Vincent, si Jeremy, si Alexis, si Michael at si Mika" pagpapakilala ni renz ng mga pinsan nya sa CABs

"Hello po!" bati ng magpipinsan na parang bata pang kumakaway

"Eto nga po pala ang mga kaibigan namin, si Allison po ang asawa ko, si Kuya Andrew at ang asawa nya si Ate Samantha, si Ate Cristel po asawa ni Kuya Jeremy, si Cristal ang fiance ni Vincent, si Reiley ang asawa ni Alexis, si Lorie at ang asawa na si Nathan, at si Andrei ang asawa ni Mika" pagpapakilala naman ni michael sa mga kaibigan nila

"Oh Mika may asawa ka na pala, akala ko anak lang meron ka" takang tanong ni renz sa dalaga

"Nasan na nga pala yung daddy ni Kael?" tanong naman ni rain dito

"Eto po sa tabi ko, si Andrei po" nakangiting sagot ni mika at hinawakan ang kamay ni andrei na nakapatong sa lamesa

"Uso naman ngayon yan nauuna magka-anak bago magpakasal" natatawa si red dahil parang nangyare sa kanya yun

"Parang kayo ni Rain" biro pa ni jacob sa dalawa

Nagtawanan sila.

"Pero sayang noh hindi makakarating sila Kuya Raymond, hindi tuloy nila nakilala at kumpleto na sana tayo ngayon magpipinsan" panghihinayang ni renz sa pinsang lalaki na hindi makakarating sa celebration nila

"Oo nga eh masyadong busy sa pagsusundalo nya tsaka sa probinsya pa sila nakatira" pagsang-ayon michael sa kanya

"Oo nga pala Mika speaking of probinsya nakadalaw na ba kayo kila lolo?" tanong ni rain sa pinsang babae

"Hindi pa nga po eh" nahihiyang sagot ni mika

Nahihiya sya dahil simula nung unuwi sila ng pilipinas hindi pa sya nakakadalaw sa mga lolo nila.

"Nako nagtatampo na siguro sa atin ang mga yun dahil hindi pa tayo nagpapakita sa kanila, simula nung may mga nangyare sa atin" nag-aalalang saad ni renz

"Kayo din po ba hindi na nakakadalaw?" tanong naman ni mika sa kanya

"Simula nung nangyareng aksidente kila Rain hindi na din kami nakapunta kila lolo" malungkot na kwento ni renz sa pinsang babae

"Nako kailangan na pala natin dumalaw sa kanila" pag-aalala din ni michael

"Sa birthday ni lolo sorpresahin natin sya" nakangiting suggestion ni renz sa lahat ng pinsan

"Osige tapos sama din natin sila para masaya, ano game ba kayo?" tanong ni rain na tumingin pa sa lahat

"G!/ Game!/ CABs!" sabay sabay na sagot ng lahat

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon