27: Ligawan 101

116 3 0
                                    

Tapos na mag-ayos sina mika at kael nakahanda na silang pumasok mag-ina. Pagbaba nila ang magulang na lang ni mika ang naabutan nila sa sala.

"Mommy, daddy alis na po kami" paalam ni mika sa magulang nya

"Bye Daddy Lo! Bye Mommy La!" masiglang paalam naman ni kael sa ma ito

"Sige mag-iingat kayong dalawa ha!" paalala ni mike sa mag-ina

Humalik na si mika sa mga magulang ganun din ang ginawa ng anak na may kasama pag mano sa mga ito.

Magkahawak kamay silang mag-ina lumabas sa bahay nila, sa gate na sila dumeretso at pagbukas nya nito ay nakita nila si andrei na nakasandal sa kotse na naka-shades pa

Wow! Ang pogi nya sa porma nya bagay talaga sa kanya ang mga longsleeve na damit. Sabi ni mika sa isip nya.

"Hi goodmorning!" nakangiting bati ni andrei sa kanilang mag-ina

"Goodmorning din!" nakangiting bati din ni mika

"Goodmorning!" simpleng bati naman ni kael

Inabutan sya ni andrei ng bulaklak at hinalikan sya sa noo, na nagpangiti pa sa kanya.

"Hey stepback! And what was that?" sita naman ni kael sa kanya at gumitna pa ito sa kanilang dalawa

Natawa naman ng palihim si mika sa ginawa ng anak.

"Okay relax little boss" umatras naman agad si andrei, ayaw na nya na magtalo pa sila ng bata

"We will tell you later okay" mahinahong sagot ni mika sa anak

"Okay mimi" simpleng sagot ni kael

"Let's go" pagyaya na ni andrei sa mag-ina

Sumakay na sila sa kotse ni andrei, si kael ay nasa backseat, si mika naman ay nasa passenget seat at syempre si andrei ang nasa driver seat.

Hinatid na muna nila si kael sa school nito tapos pumunta na sila sa office ni mika.

"Kain kaya tayo sa labas pagtapos natin sunduin si Kael mamaya" gusto na kasi ni andrei na ipaalam sa bata kung ani ang meron sa kanilang dalawa

"Okay sige, kailangan ko rin magpaliwanag sa kanya" pagsang-ayon naman nya kay andrei

"Wag kang mag-alala tutulungan kita magpaliwanag kay Kael" nakangiting sagot ni andrei at hinawakan ang kamay nya

"Natakot ka ba kanina? Sorry nga pala sa ginawa ni Kael" natatawa pa rin si mika ng maalala ang nangyare kaninang umaga sa kanilang tatlo

"Medyo pero mas nagulat ako hahahaha. Ayos lang sakin yun..... So pano mauuna na ako. See you later Miks!" paalam na ni andrei sa kanya

"See you later! Ingat ka!" sabay ngiti naman ni mika

Hinalikan ulit sya ni andrei sa noo bago lumabas ng office nya.

Pumwesto na rin sya sa table nya para masimulan na ang trabaho nya ngayon araw, habang nagtatrabaho ay nakangiti lang sya at parang ang smooth lang ng trabaho nya ngayon.

.

.

.

.

.

Lunch time nasa labas na ng school ni mikael sila mika at inaantay na lang nila ito maglabasan.

Hindi naman sila masyadong nag-antay pa ng matagal dahil naglabasan na rin ang mga ito.

Nagulat pa si mikael na paglabas nya ay nandun ang mimi nya kaya napatakbo sya palapit dito at niyakap nya ang mimi nya.

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon