Mikaela POV
Nangako sakin si andrei kahapon na tutulungan nya ako sa project ni kael na family picture naming tatlo.Kaya ngayon papunta na kami sa sinasabi ni andrei na studio ng kaibigan daw nyang photographer.
Ewan ko ba sa kanya kung bakit kailangan pang may photographer eh pwede naman sa phone na lang kami magpicture.
Nandito na kami sa photo studio at pagbaba namin may sumalubong na agad saming lalaki, sobrang lawak pa nga ang pagkakangiti nya samin.
"Hey bro long time no see" bati ng isang lalaki
"Aldrin it's nice to see you bro" bati naman ni andrei dun sa lalaki at nagmanly hug sila
Aldrin pala ang pangalan nya.
"Eto na ba ang pamilya mo?" baling ni aldrin samin ni kael
"Aldrin meet Mikaela and Kael" pakilala samin ni andrei
"Nice to meet you Mikaela" bati ni aldrin sakin
"Same to you" nginitian ko lang sya bawal shakehand baka magalit ang baby boss ko
"Hi little bro!" bati naman ni aldrin kay kael
"Hi!" simpleng bati ni kael sa kanya
"Aba may pinagpamanahan ang kaseryosohan" biro naman ni aldrin sa anak ko
See pati ibang tao na napapansin na may pagkaparehas sa kanilang dalawa, ewan ko ba kay andrei kung bakit hindi nya yun napapansin o baka napapansin nya pero hindi nya lang sinasabi sakin.
"Hahahaha ganun talaga" masayang sagot naman ni andrei
"Ready na ba ang pamilya mo sa photo shoot nyo ngayong araw?" nakangiting tanong ni aldrin kay andrei
"Oo naman" masayang sagot ni andrei
Pinandigan talaga ni andrei ang pagtawag samin na pamilya, well totoo naman hindi nga lang nya alam.
"Okay let's go inside the studio" aya na ni aldrin samin at nauna syang pumasok
Pagpasok namin sa loob puro props at mga gamit pang photo shoot ang makikita mo, tapos may side na parang living room dun muna kami pinaupo ni aldrin.
"Bago tayo magsimula may tatawagan lang ako" paalam samin ni andrei
"Sige bro take your time" sagot ni aldrin habang inaayos yung camera nya
Lumabas na muna saglit si andrei, naiwan naman kami ni kael na nakaupo dito, pinagmasdan ko yung buong studio.
May iba't ibang kulay ng kurtina, iba't ibang klase ng upuan, mga damit at madaming ilaw tapos madami ding mga nakasabit ng picture frame, ang pinaka nakakuha ng atensyon ko yung stante na may iba't ibang camera na naka-display.
Bumalik na si andrei na agad lumapit sa pwesto namin ni kael. Dahil nga nasa studio kami pare-parehas kami ng suot tatlo white na longsleeve polo tapos naka black jeans at white shoes.
"Bro simulan na natin" aya na ni andrei
"Okay first picture mother and son bahala kayo kung ano gusto nyong pose punta na kayo dito sa gitna" utos samin ni aldrin
Pumunta na kami sa gitna ni kael kung saan nasa harap namin yung camera pati na rin sina aldrin at andrei.
Click!
Click!
Click!
"Next father and son bahala din kayo sa pose nyo" utos ulit ni aldrin
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
FanfictionIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...