Mika's POV
Saturday ngayon at eto kami ni kael naiwan sa bahay, wala sila daddy umalis, si kuya naman nasa restaurant ni ate ally, si miko nasa bahay ng barkada nya.
Wala din akong pasok ngayon dahil naayos ko na lahat ng mga nakaschedule para magpaayos samin ng party.
Nanonood kami ng Karate Kid sa cable, naka-akbay ako kay kael habang sya ay nakasandal sakin at nakayakap.
*Ding!... Dong!...*
May nagdoorbell sino namam kaya yun.
"Stay here baby, I will just look who's in outside" utos ko kay kael
"Yes mimi" sagot nya at umalis sa pagkakayakap sakin
Lumabas na ako ng bahay pagbukas ko ng gate, nagulat ako sa isang lalaking may dalang flower na nakasandal sa kotse sa tapat ng gate namin.
What is he doing here?
"Hi miss beautiful" nakangiting bati nya sabay lapit sakin
"Wala akong pera para utuin mo hahahaha..... Anong ginagawa mo dito?" natatawang tanong ko sa kanya
"Syempre binibista kayo" natatawang sagot nya at hinalikan ako sa noo
Ang gwapo nya sa suot nyang white v-neck t-shirt, black short, white shoes at black shades.
Si andrei yung dumating para syang model ng kotse nya kanina!
"Oh ano yang dala mo?" takang tanong ko sa kanya habang nakatingin sa gilid nya
"Ah eto yung promise ko kay Kael" sabay buhat nya nung box na nasa gilid nya
"Tara pasok!" aya ko sa kanya at binuksan ko ng malaki yung gate namin para makapasok sya
Pagpasok namin sa loob ng bahay tutok na tutok pa rin si kael sa panonood ng tv, gustong gusto nya kasi yung mga ganyang palabas.
Nahihilig sya sa panonood ng mga action kesa sa cartoons, hindi ko nga alam kung matutuwa ako o kakabahan baka kasi gayahin nya yung mga pinapanood nya.
"Baby you have a visitor" pagtawag pansin ko kay kael
"Who?" tanong nya habang titig na titig pa rin sa tv
Binaba na muna ni andrei yung dala nya.
"Look here and you will find out" sagot ko sa kanya nasa likuran nya kasi kami
Tumingin naman sya samin tapos nanlaki yung mata nya at napatayo.
"Daddy you here!" tumakbo si kael papunta kay andrei
"Wait! Wait! What did you call him?" gulat na tanong ko sa kanya
Tama ba narinig ko daddy? So hindi sya nananaginip nung isang araw!
"Daddy why?" nakangiting sagot nya at kinalong sya ni andrei na nakangiti din
"So you two are really okay now?" panunukso ko sa kanilang dalawa
"Yes mimi and he is now my daddy" masayang saad ni kael at yumakap pa kay andrei
Akala ko kasi talaga nananaginip lang sya nung gabing tinawag nyang daddy si andrei.
"Ayaw mo ba?" natatawang tanong ni andrei sakin
"Hindi naman nagulat lang ako. Hindi ako na-orient na close na close na pala kayo" pang-aasar ko naman sa kanya
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
FanfictionIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...
