3: Meet the Girls Barkada

304 6 0
                                        

Sabado ngayon at magkikita sila ni cristal, basta ang sabi sa kanya ay may pupuntahan daw sila kaya ngayon nag-aayos na sila mag-ina.

Isasama nya si kael dahil gusto daw makita ni cristal ang bata, pabor naman sa kanya yun para na rin makasama nya ang anak nya pero nag-aalala sya na baka ma-boring ang anak.

"Mimi where are we going?" tanong ni kael sa ina habang tinatali nito ang sintas nya

"I don't know to your Tita Cristal" sagot ni mika sa anak sabay tayo at inayos ng konti ang buhok nito

"Can I bring some books?" pagpapaalam ni kael sa ina

"Sure get your bag and put some books and extra shirt" pagpayag ni mika at sinabi din yung kailangan pang kuhain ng anak

Kinuha naman ni kael yung bag nya at inilagay yung mga kailangan nya ng may kumatok sa pintuan nila. Sabay pa silang mag-ina na tumingin sa pintuan tapos nakita nila na sumilip si miko.

"Ate nandyan na si Ate Cristal" paliwanag ni miko sa ate nya

"Okay sige pababa na kami..... Let's go baby your Tita Cristal is waiting for us" kinuha na ni mika ang sling bag nya

"Okay i'm done let's go" sinuot naman ni kael ang bag nya

Pagkababa nila nakita nya na nakaupo sa sofa si cristal at kausap ang daddy nya.

"Bes!" pagtawag ni mika sa kaibigan

"Nandyan na pala kayo..... Aw ang cute naman ni Baby Mikael" papuri ni cristal kay kael

Ang suot kasi ni kael ay puting polo shirt, itim na 3/4 short at white shoes. Terno sila ni mika na naka white polo shirt, black pants at white shoes.

"Thanks Tita Cristal" sabay ngiti ni kael sa kanya

"Welcome!.... Mother and son goals ang peg nyong mag-ina" panunukso pa ni cristal sa kaibigan

"Hahahahaha! Ewan ko sayo.... San ba tayo pupunta?" pag-iiba ni mika ng usapan

"Secret! Tara na!" masayang sagot ni cristal

"Daddy alis na po kami" paalam na ni mika sa ama tapos humalik na sya dito

"Sige mag-iingat kayo" paalam naman ni mike sa anak

"Bye tito!" paalam na din ni cristal at humalik na din sya

"Bye Daddy Lo!" ganun din naman ang ginawa ni kael

Umalis na sila dala nya ang kotse nya. Ilang minuto ang nakalipas nakarating na sila sa isang cafe.

*Cristal cafe*

"We're here!" excited na saad ni cristal

"Dito lang pala tayo pupunta sana sinabihan mo na lang ako para hindi mo na kami sinundo" sabay baba nila mika sa kotse

"Dami mong sinabi tara na sa loob" hinila na silang mag-ina ni cristal

Pagpasok nila sa loob dumeretso agad sila sa rooftop ng shop then pagbukas ng pinto.

"SURPRISE!" sigaw ng mga babae

Nandito ang barkada nya pero puro babae lang na kinagulat nya.

"Thank you guys! I miss you!" hindi makapaniwala si mika na after ilang year makikita nya ang mga ito

"Namiss ka din namin sis" masayang saad ni alexis

Alexis Garcia Mendez, 27 years old pinsan ni mika.

Nagyakapan naman silang lahat.

"Girls thing!" mahinang saad ni kael na narinig nila, napangiti na lang si mika

Where is my daddy?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon