Kinabukas nagpunta si andrei sa opisina ni mika, hindi nya kasing matiis na magka-away sila at hindi sya nito pinapansin kahit sa text.
Habang busy si mika sa ginagawa nyang pag-aayos ng schedule ay kumatok at pumasok ang secretary nya.
"Ms. M nasa labas po si Sir A, papapasukin ko po ba?" tanong ni trina sa kanya
Tumingin lang sya sa secretay nya tapos bumalik na ulit ito sa ginagawa nya.
Ano kaya ang kailangan ng isang yun?
"Kasi sabi nyo po kanina wag po ako magpapapasok ng kahit sino" paliwanag naman ni trina ng hindi sya sumagot
Napabuntong hininga na lang sya.
"Sige papasukin mo na" walang ganang utos nya na hindi tumitingin sa secretary nya
"Okay po ma'am" sagot ni trina at lumabas na sya
Maya maya pumasok na si andrei, hindi sya nilingon, tinignan o pinansin ni mika patuloy lang ito sa ginagawa nito.
"Love?" malambing na pagtawag ni andrei sa kanya
Pero hind sya pinansin nito at nakatutok lang sa laptop habang nagta-type.
"Love can we talk please?" nasa boses ni andrei ang pagmamakaawa
Pero hindi pa rin sya pinansin mika.
Hindi lang kasi ang anak nila ang nasaktan nya sa ginawa nya, masakit din yun para kay mika.Bahala sya dyan hindi nya ako madadaan sa isang text na sorry, no way!
"Please talk to me, love please" pagmamakaawa ni andrei na hinawakan pa yung kamay nya
"What?" iritang tanong nya kay andrei, tumingin lang sya saglit tapos tinanggal na nya yung kamay nito sa kamay nya at bumalik na ulit sa ginagawa nya
Nakakainis bakit kasi pag nagpi-please na sya mapapasunod ako.
"Pasensya na sa nangyare kahapon, hindi ko sinasadya yun. Badtrip lang ako kahapon. Love sorry" paumanhin nya sa harapan ni mika
"Wag ka sakin mag sorry, kay Kael ka humingi ng tawad dahil sobra syang nasaktan" sagot ni mika pero sa laptop pa rin sya nakatingin
"Hihingi naman talaga ako ng sorry sa kanya, at alam ko na ang totoong nangyare" malungkot na sagot ni andrei sa kanya
"Sa susunod kasi wag padalos dalos, alamin mo muna ang buong kwento bago mag react, at kung badtrip ka wag mo ibuntong sa iba" tumingin si mika sa kanya ng masama hanggang ngayon kasi naiinis pa rin ito sa nangyare kahapon
"Sorry na love, sorry talaga. Promise hindi na mauulit" pangako ni andrei at nagtaas pa sya ng kanang kamay
"Siguraduhin mo lang kasi pag nasaktan ulit si Kael, hindi ko na alam kung mapapatawad kita" pagbabanta ni mika sa kanya dahil ayaw nya ng makita ang anak na nasasaktan
"Opo takot ko lang sayo" nakangusong sagot ni andrei
"Bolero!" mahinang saad ni mika
"Hindi ah totoo kaya yun" depensa naman ni andrei dahil narinig nito ang sinabi nya
"Oh ano pala ang ginagawa mo dito?" tanong ni mika at bumalik na ulit ito sa ginagawa nya
"Hihingi ng tawad at aayain kang mag lunch" sabay ngiti ni andrei sa kanya
"Madami pa akong gagawin, mauna ka na lang" pagtanggi ni mika dito
![](https://img.wattpad.com/cover/152314266-288-k212436.jpg)
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
Hayran KurguIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...