Mikaela POV
Pagkatapos kong sabihin lahat sa kanila ay medyo nakahinga na ako ng maluwag pero kinakabahan ako dahil alam ko na nandito lang sya malapit samin.Bumalik na din kami sa mga kanya kanyang trabaho namin. Habang nag-aayos ako ng schedule ng mga events sa laptop, pumasok ang secretary ko.
"Yes Trina?" nakangiting tanong ko sa kanya
"Ms. M may naghahanap po sa inyo sa labas" paliwanag sakin ni trina
"Sino naman daw?" napakunot ang noo ko
Sino ang maghahanap sakin imposibleng client dahil kaya na ni trina kausapin ang mga yun, imposible ding pamilya dahil deretso na silang pumapasok dito sa office.
"Mr. Gonzales daw po" kinabahan ako sa sinabi nya
"A-anong pangalan?" nakaramdam na ang ng pangangatog ng katawan sa kaba
"Gonzales lang po ang sinabi... Teka lang po tanungin ko po yung pangalan" palabas na sana si trina pero pinigilan ko sya
"No need! Sige p-papasukin mo na" kinakabahang utos ko sa kanya
Lumabas na si trina ako naman napayuko at napapikit.
Eto na pa yung panahon para magkita kami?
Eto na nga ba ang oras na nakalaan para magkita kami?
Waaaah pero hindi pa ako handa.
Mika kalma lang. Inhale... Exhale... In---
"Hi?" bati ng bagong dumating kaya napatingin ako sa kanya
"Andrew?" nakalimutan kong mag kuya sa kanya sa sobrang kaba ko
"Ako nga hahahaha" pinagtawanan nya lang ako dahil nakita nya na sobrang kaba ko
"Ikaw po pala Kuya Drew, kinabahan po ako dun. Upo ka po" napabuntong hininga na lang ako
Ang hilig hilig talaga nila mangtrip nakakainis. Tsk!
"Hahahah halata nga akala mo sya noh" pang-aasar nya pa sakin
"Ewan ko sayo Kuya Drew, bakit po kasi Gonzales lang ang sinabi mo pwede naman pong kahit pangalan mo na lang" pwede naman din kasi syang tumawag sakin na pupunta sya dito sa office
"Aba malay ko ba na sya ang ine-expect mo, bakit sya lang ba ang Mr. Gonzales? Si dad din naman Mr. Gonzales ah" paliwanag nya pero mapang-asar yung tingin at ngiti nya
Alam ko naman yun pero hindi naman siguro pupunta si tito tony dito sa office.
Pero bakit nga ba si andrei ang nasa isip haaaayst, ewan.
"Tsk! So ano po pala ang pinunta mo dito?" mataray na tanong ko sa kanya at sumandal na lang ako sa inuupuan ko
"Kayo kasi ang kukunin kong mag-organize ng party ng company this week" natatawang sagot ni kuya andrew
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya, nagulat talaga ako.
"What this week talaga?!" sobrang rush naman ata, pinagtitripan na naman yata ako nito
Pero tinignan ko din sa laptop ko kung may mga available this week na date.
"Oo eh biglaan, si dad kasi" napakamot sya sa ulo nya, mukhang hindi naman nya ako pinagti-tripan this time
May mga available na date pa naman this week sana may magustuhan silang araw.
Kinuha ko yung notebook at ballpen sa drawer at tumingin na ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
Fiksi PenggemarIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...