38: Pagsugod

120 4 0
                                    

Mika's POV
Nandito kami sa condominium ni andrei, kami lang tatlo nila kael. Hindi ko alam kung ano naisip ni andrei at pumunta kami dito na kami lang.

Hindi sya kalayuan sa Gon. Co. at sa REO I think mga 20 mins from my office makakarating ka na dito.

Pagpasok namin sa building sa mukha na talagang mga mayayaman ang nakatira dito, dumeretso na agad kami sa elevetor tapos pinindot ni andrei ang 8th floor.

8th floor? Medyo mataas ang unit nya. Nasa 15th floor kasi ang building na ito.

Paglabas namin ng elevator deretso deretso lang kami hanggang makarating kami sa dulo.

0820 ang number na nakalagay sa pintuan ng unit nya sa taas ng hole.

0820 hmm ayan yung date na sinagot ko sya.

Nagtype na sya ng password malapit sa doorknob 030524 ang nakita ko, tumingin pa sya sakin at ngumiti ng maramdaman nya na nagulat ako sa password ng unit nya.

010624! January 6, 2024 ng ipanganak ko si mikael.

Binuksan na nya yung pinto tapos hinawakan nya ang kamay ko at hinila nya ako papasok sa loob ng unit.

Ang linis, ang ganda, at nakakarelax yung ambiance dito pagpasok mo pa lang.

Ang linis, ang ganda, at nakakarelax yung ambiance dito pagpasok mo pa lang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Copy from google)

"Wow this so cool daddy" manghang saad ni kael na tinitignan ang loob ng bahay

"Do you like it baby?" tanong ni andrei sa kalong kalong nya

"Yes daddy!" nakangiting sagot naman ni kael sa kanya

"Akala ko ba binenta mo na yung condo mo?" yun kasi yung sinabi nya kay amber tsaka bago pa yun binili nya nung umuwi sya dito sa pilipinas

"Oo nga binenta ko na yung dati kong condo, tapos bumili ako ng bago at ito na yun" ngumiti sya sakin na parang pag hindi nya yun ginawa papagalitan ko sya

"At bakit ka bumili ng bago?" tinaasan ko sya ng isang kilay

Papagalitan ko pa rin sya dahil ang gastos nya, tsaka hindi nya sinabi sakin ang tungkol dito.

"Para satin, para satin nila Kael" umakbay sya sakin na ngingiti ngiti

"Pero nan---" tignan mo hindi ko pa natapos sasabihin ko sumingit agad

"Shhh! Wag mo muna sila isipin, tayong tatlo lang ang isipin mo at mag relax muna tayo dito please" pinagsiklop nya ang mga kamay namin at hinalikan yung kamay ko

"Okay!" simpleng sagot ko, wala na nag please na sya eh

"Tara itu-tour ko kayo dito sa munting bahay natin" aya ni andrei samin

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon