Hindi na pinatagal ni andrei ang paghihintay na maikasal sila ni mika, 6 months before nagpropose sya kay mika at ngayon ikakasal na sila.
Nasa kani-kanila silang kwarto sa isang hotel naghahanda para sa araw ng kasal ng dalawang taong matagal na nagkahiwalay at ngayon ay nagkatagpo na matapos ang ilang taon.
Habang tinitignan ni andrei ang sarili sa salamin napapangiti sya dahil hindi pa rin sya makapaniwala na ang dating sinusulyapan nya lang palihim noon ay ikakasal na sa kanya ngayon.
"Ready ka na ba anak sa susunod na chapter ng buhay mo?" nakangiting tanong ng mommy nya sa kanya
"Yes mom, matagal na po akong ready" nakangiting sagot naman nya sa ina at hinalikan ito sa pisngi
"Alagaan at mahalin mo ang mapapangasawa mo anak" paalala naman sa kanya ng daddy nya
"Yes dad!" niyakap nya ang ama
"Congrats Drei at sa wakas naabot mo na ang pangarap mong magkaroon ng sariling pamilya sa babaeng pinakamamahal mo" masayang bati naman ng kuya nya sa kanya
"Thank you kuya!" niyakap nya din ang kuya nya
Pumasok naman sa kwarto nya si cristal kasama si kael na nakangiti sa kanya.
Ang anak nya ang isa sa dahila kaya naka-abot sila ni mika sa araw na ito na pinapasalamat nya.
"Hi kuya!" nakangiting bati ng bunso nya kapatid sa kanya
"Hi daddy!" masiglang bati naman ng anak nya sa kanya
"Hi baby you look handsome!" hindi nya maikakaila na anak nya talaga si kael
Sa porma at itsura nito ngayon at syang sya noong bata pa sya.
"I'm handsome like you daddy!" natatawang sagot sa kanya ng anak
"Ay wala na uwian na naturuan agad" biro pa ng kuya nya sa kanilang mag-ama
Napangiti na lang sya sa biro ng kapatid, walang syang mararamdaman ngayon kundi kasiyahan lang kaya hindi sya maasar.
"Why are you here little buddy?" nakangiting nyang kinandong ang anak
"Mimi want to give this gift for you" nakangiting inabot sa kanya ng anak ang isang box
"Thank you baby and say thank you to your mimi" niyakap nya ang anak at yumakap din ito sa kanya
"Open it daddy!" excited na utos ng anak sa kanya
Binuksan naman ni andrei yung box at isang rosary bracelet, relo at letter ang laman nito.
~
Thank you for everything! I hope you always happy. I love you!
-Love😘
~
Napaluha naman sya, simple lang ang nakasulat pero sobrang makahulugan sa kanya ang ibig sabihin ng nakasulat.
"Don't cry daddy, always smile and happy. Congrats daddy you will be my didi soon" pinunasan ng anak nya ang luha at niyakap sya
"Thank you my son, give this gift to your mimi" niyakap nya nang mahigpit ang anak tapos inabot nya ang box dito
"Okay daddy! Good bye everyone!" paalam ng anak sa kanilang lahat
Humalik muna ang anak sa pisngi nya bago ito umalis na kaaama ang bunsong kapatid.
.
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
FanfictionIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...